08/03/2026
💝🎁Handog po ng inyong lingkod ngayong Women's Month! Para po ito sa lahat...
⁉ Short ka ba sa budget for your STUDENT PERMIT? Pababain po natin ang gagastusin n'yo!
👍Mag-Like, i-share ang post na ito, at i-comment ang mga detalyeng hinihingi sa comment section para mapabilang ka sa mabibigyan ng chance to get this assistance.
PAANO? (Basahin nang MABUTI)
1. Follow/Like my Page
2. Share this post, set to "🌎Public"
3. Mag-register by scanning the QR code, o gamit ang link na ito:
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSdv5-DasY8Soldu3zixQ6TQGFb8n8QmG4Fx05joq45kvOT8Lw/viewform
NOTE: Huwag agad isara ang Google form, pagka-submit ng iyong mga detalye!
4. Paki-screenshot ang CONFIRMATION MESSAGE, pagkatapos masubmit ang iyong detalye. Tapos i-post sa Comment Section, kasama ang pangalan ng kukuha ng Student Permit.
Sa mga makagagawa nang tama, kayo po ay MAKATATANGGAP NG TEXT/CALL kung paano ang SUSUNOD NA STEP sa pagkuha ng Student Permit.
‼️No other types of Licenses will be offered. Inclusion - FEES for Seminar, Medical & Student Permit ONLY.
REQUIREMENTS:
Able to READ AND WRITE, Tagalog and English
18 years old AND above
***for 16 and 17 years old: (Need parental consent *NOTARIZED*)
Any of the following ID's (Original and Photocopy):
NATIONAL ID, or
PASSPORT, or
Birth Certificate (NSO/PSA) with at least 1 supporting valid ID
🚫BAWAL NA SUOT
*SHORTS
*SANDO
*TSINELAS
ADDITIONAL DETAILS:
Bring pens
Charge and bring your cellphone
Good luck po and God bless!
26/02/2026
2-Day Provincial and Regional Election of Lady Local Legislators League (4L)
Ang inyo pong lingkod ay naihalal bilang Provincial Secretary General ng Samahang ito. Makakaasa po kayo na tayo ay maglilingkod nang may mataas na kalidad na serbisyo at prinsipyo, kasama ang gabay ng ating mahal na Panginoon. Salamat po sa mga patuloy na nagtitiwala, at God bless and congrats po sa ating lahat!
Nagmamahal,
Konsi Donna
13/08/2025
Oathtaking Ceremony of the NMYL Officers
Ang inyo pong lingkod ay naging Provincial Auditor ng National Movement of Young Legislators - Bulacan Chapter.
Maraming salamat po sa lahat ng sumuporta at nagtiwala.
12/08/2025
Karaniwang Pulong Blg.12th 025-006
With Boy Girl Officials
03/07/2025
"Magandang araw po sa ating Punong Bayan, mga kapwa miyembro ng Sangguniang Bayan, sa ating pangalawang punong bayan, mga opisyal ng iba’t ibang departamento ng ating pamahalaang, at ating mga bisita , sa mga nakasama sa paglilingkod.
Una sa lahat, buong puso akong nagpapasalamat sa tiwalang ipinagkaloob ninyo sa akin upang kayo’y paglingkuran kong muli bilang Konsehal ng ating bayan. Hindi ko po ito itinuturing na simpleng tagumpay sa politika, kundi isang panibagong yugto ng paglilingkod, isang malaking responsibilidad na kailangang tuparin nang may malasakit at dangal.
Ako po ay narito hindi upang maging isang tradisyonal na pulitiko, kundi isang tunay na lingkod-bayan—isang boses ng taumbayan at katuwang sa pag-abot ng mga pangarap para sa ating bayan.
Ang ating bayan ay may mga pangangailangan na —serbisyong medikal, edukasyon, kabuhayan, kaayusan sa trapiko, kalinisan, at kapayapaan. Ang mga ito ang magiging gabay ko sa paggawa ng mga ordinansa at resolusyon. Hindi para sa iilan, kundi para sa lahat.
Sa bawat pagpupulong ng Sanggunian, isasaisip ko ang kapakanan ng bawat ordinaryong mamamayan. Dahil ang tunay na konsehal ay hindi lamang gumagawa ng batas—kundi gumagawa ng pagbabago.
Hindi ko rin malilimutan ang aking pinanggalingan—ang simpleng buhay na nagturo sa akin ng kahalagahan ng pagkakaisa, disiplina, at pananagutan. Ito ang magbibigay sa akin ng tapang at lakas upang hindi maging bulag, bingi, o p**i sa mga isyu na mahalaga sa ating bayan.
Ang aking paninindigan ay malinaw: Serbisyong tapat, malasakit sa tao, at paglilingkod na hindi pansarili.
Muli, maraming salamat sa inyong pagtitiwala.
Asahan po ninyo na ang lahat ng ating pagsasamahan sa 3 taon na ito, ang mga programang magaganda at para sa taong bayan ay aking susuportahan.
Sa tulong ng Diyos at sa pagkakaisa nating lahat—mas mapapaunlad natin ang ating bayan.
Mabuhay ang Sangguniang Bayan! Mabuhay ang ating Bayang Bocaue!"
Nagmamahal,
KONSI DONNA MENDOZA-CELESTINO
*Video clip courtesy of Mayor JJV Live Video
29/06/2025
PASINAYA AT PAGTALAGA SA TUNGKULIN ng lahat ng bagong halal na Opisyal sa lalawigan ng Bulacan (Hunyo 29, 2025)...
Ito po ay ginanap sa Bulacan Capitol Gym sa Lungsod ng Malolos, kung saan ay muli nating nakasama ang mga muling nahalal na opisyal sa ibang bayan sa Bulacan at buong lalawigan ng Bulacan, na tulad ng inyong lingkod ay patuloy na magbibigay serbisyo sa mga susunod na taon. Gayundin ang mga bagong halal, na ako'y nananabik sa kanilang mababahagi sa pag-unlad ng buong lalawigan.
Ako rin po ay laking tuwa na makita at makapanayam ang aking mga kakilala na mga opisyal ng buong lalawigan at ng ibang bayan. Sa panibagong yugtong ito, patuloy pa rin po akong magiging tapat para sa kapwa ko Bocaueños, at kung ano ang mababahagi at matututunan ng aming bayan sa ibang bayan bilang Bulakenyo!
Nagmamahal,
KONSI DONNA MENDOZA-CELESTINO
19/06/2025
KARANIWANG PULONG BLG. 11TH-025-153 (June 10, 2025)
CERTIFIED URGENT: Nagpadala po ang Mayor's Office sa Sangguniang Bayan ng liham na humihiling na ipagtibay ang isang ordinansa para sa SUPPLEMENTAL BUDGET NO. 1 FY 2025, na nagkakahalaga ng Php 27,296,320.83. Base po sa mga dokumento kalakip nito ito ay ilalaan sa mga sumusunod:
Mayor's Office:
LIVELIHOOD PROGRAM - Php 2,000,000
GRANTS AND DONATIONS - Php 2,000,000
MISCELLANEOUS EXPENSE - Php 3,000,000
PAMASKONG HANDOG - Php 5,000,000
SB:
MISCELLANEOUS EXPENSE - Php 296, 320.83
MENRO:
DISPOSAL SERVICES - Php 15,000,000
16/06/2025
Hi, Bocaueños! Marami na po tayong natulungan, at mas marami pa pong matutulungan... Dahil po d'yan, muli pong NAGBABALIK due to public demand.
Short ka ba sa budget for your STUDENT PERMIT? Pababain po natin sa kalahati ng kabuuan ang gagastusin n'yo!
Mag-Like, i-share ang post na ito, at i-comment ang mga detalyeng hinihingi sa comment section para mapabilang ka sa mabibigyan ng chance to get this assistance.
PAANO?
1. Follow/Like my Page
2. Share this post, set to "🌎Public"
3. SCREENSHOT BOTH "Following/Liked Page" and "Shared Post", then i-comment magkasama sa Comment Section
4. Isama rin sa comment mo ang mga detalyeng ito:
✏️NAME
🏠ADDRESS
📞CONTACT NUMBER
Sa mga makagagawa nang tama, kayo po ay MAKATATANGGAP NG TEXT/CALL/FB MESSAGE kung paano ang SUSUNOD NA STEP sa pagkuha ng Student Permit.
‼️Note: No other types of Licenses will be offered. Inclusion - FEES for Seminar, Medical & Student Permit ONLY.
REQUIREMENTS:
⚠️Able to READ AND WRITE, Tagalog and English
⚠️18 years old AND above
⚠️for 16 and 17 years old: (Need parental consent *NOTARIZED*)
Any of the following ID's (Original and Photocopy):
NATIONAL ID, or
PASSPORT, or
Birth Certificate (NSO/PSA) with at least 1 supporting valid ID
🚫BAWAL NA SUOT
SHORTS
SANDO
TSINELAS
👍ADDITIONAL DETAILS:
Bring pens
Charge your cellphone
👍FOR INQUIRIES,
Message my staff via Messenger:
https://m.me/staff.konsidonna
15/06/2025
Para sa mga ama at maituturing na ama ng kani-kaniyang tahanan, HAPPY FATHERS' DAY po sa inyong lahat! DA BEST PO KAYO! Isa pong pagpupugay sa walang-sawang pagsasakripisyo para sa katatagan ng bawat pamilya sa anumang aspeto - para sa kadugo, sa kaibigan, sa bayan, sa trabaho, sa pananampalataya, at iba pa!
Ipagpatuloy po natin ang magandang kulturang Pilipinong ama, sa kasalukuyan at maging inspirasyon ng mga susunod na henerasyon.
Nagmamahal,
KONSI DONNA MENDOZA-CELESTINO
14/06/2025
Sa patnubay po ng Panginoon, ang inyo pong lingkod ay namahagi ng munting tulong sa ating mga kababayan sa mga naapektuhan ng sunog sa Brgy. Tambubong.
Patuloy po tayong magtulungan, mag-ingat at magdasal. Magsimula man sa maliliit na panimula, kung tayo ay magpapatuloy at tatatagan ang ating kalooban ay mararating natin ang kaginhawaan!
Nagmamalasakit,
KONSI DONNA MENDOZA-CELESTINO