03/03/2026
Sunday School Project driven by Angat Bocaue💙🩷
Sa pangunguna ng Angat Bocaue ay muling naging matagumpay ang ikalawang linggo ng Sunday School. Sa programa at proyektong ito mas hinubog at pinagtuunan ng pansin ang kalidad ng edukasyon ng bawat bata.
Maraming salamat sa mga magulang ng mga bata na ito, sa pagpapahintulot na payagan ang inyong mga anak na maging kaisa sa programang ito.
Salamat din po sa mga sumusunod sa inyong buong pusong suporta:
📍Angat Bocaue
📍Kgwd. Orly Roque
📍Kgwd. Efren Evangelista
📍Kgwd. Henry Legaspi
📍Kgwd. Virgilio Castillo
📍SK Kgwd. Cedric Garcia
📍SK Treasurer Elycka Felizardo
Kasama ang ilan sa ating mga Youth Volunteers:
📍Shiloh Orozco
📍JM Villaflores
📍JB Agustin
📍Jazzmine Ocampo
📍Bill Bernardo
To God be the Highest Glory!
02/03/2026
KPL Inter-Barangay Tryout
Day 2
March 1, 2026
Caingin Sports Complex
Maraming Salamat po sa mga taong tumulong upang maisakatuparan ang ating 2 Days Tryout para sa KPL Inter-Barangay Basketball League.
Maraming salamat din sa mga atletang kabataan na lumahok sa Tryout upang maipamalas ang kanilang galing at husay sa larangan ng basketball.
Patuloy po natin susuportahan ang ating mga kabataan sa mga ganitong programa at proyekto. Katuwang ang bumubuo ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Caingin.
Maraming salamat din po sa mga taong tumulong at sumuporta sa ating gawain;
📍Coach Alex Legaspi
📍Kgwd. Orly Mark Roque
📍Kgwd. Virgilio Castillo
📍Kgwd. Efren Evangelista
📍SK Kwgd. Cedric Garcia
📍SK Treasurer Elycka Felizardo
Gayon din sa ating mga Youth Volunteers;
📍Shiloh Orozco
📍Bill Bernardo
📍Jazzmine Ocampo
📍JM Villaflores
📍JB Agustin
To God be the Highest Glory!
26/02/2026
🏀🔥 ATTENTION, CAINGIN YOUTH! 🔥🏀
Handa ka na bang ipakita ang galing mo sa court? 💪
Sumali na sa KPL Inter-Barangay Basketball Try-Out na hatid ng Sangguniang Kabataan ng Caingin! Ito na ang pagkakataon mong maging bahagi ng team na magrerepresenta sa ating barangay.
📅 February 28 & March 1
🕐 1:00 PM
📍 Caingin Sports Complex
Ipakita ang puso, disiplina, at talento mo sa laro! 🏆
Register now at maging susunod na pride ng Caingin! 💛💙
25/02/2026
RISING STARS OF BOCAUE 🌟
Kenyo Inter-Barangay Basketball League
Home Grown Cup | 23 Under Division | Inaugural Season
Non-LGU League • Community Driven • Future Champions
Suporta ng Pamilya • Sigawan ng Kabarangay • Lakas ng Barangay
NGAYONG MARSO NA! 🔥
Handa na ba ang Barangay mo?
TIP OFF: LAST WEEK OF MARCH 2026
Only One (1) team per barangay is allowed.
🏆 Powered by: Kenyo Premier League
👕 Official Outfitter: Markino Sports Apparel 🏀
See poster for more details ☺️
❤️
24/02/2024
📢📢📢
BASKETBALL SUMMER LEAGUE SK CUP 2024 IS COMING SOON ‼️
PLEASE LIKE, FOLLOW AND SHARE OUR PAGE FOR MORE UPDATES🎉
📢📢📢
BASKETBALL SUMMER LEAGUE SK CUP 2024 IS COMING SOON ‼️
PLEASE LIKE, FOLLOW AND SHARE OUR PAGE FOR MORE UPDATES🎉
18/01/2024
Congratulations to PROKA PATRIOTS 💙
Ngayong araw (January 18, 2024) ay sinuportahan natin ang Semi-Final Battle ng ating mga manlalaro sa larangan ng Basketball. Kayo ay ipinagmamalaki ng ating Barangay sa inyong husay, galing at dedikasyon sa Laranagan ng Basketball.
On behalf of Sangguniang Kabataan Ng Caingin asahan niyo na patuloy kaming magbibigay ng suporta sa inyong larangan at dedikasyon sa pagiging isang manlalaro.
Mabuhay Kabataang Caingin!
18/01/2024
Ngayong araw (January 18, 2024) ay ginanap sa Paaralan ng Taal High School ang Culminating Event ng Senior High School Grade 12. Kung saan ay nagtagisan ng galing, nagpasiklab ng lakas at husay sa pagsasayaw ng "CHEERDANCE".
Isa ang Cheerdance Competition sa kinaaabang-abangan ng bawat isang mag-aaral. Ditonay pinapamalas ang kanilang galing at Talento, hinuhubog din nito ang pakikisalamuha sa tao at magkaroon ng tiwala sa sarili at pagkakaisa.
Ang inyong lingkod SK Chairman Mark Kevin "KUYA KEVS" Evangelista ay naanyayahan bilang maging isang hurado ngayong araw.
Nawa'y ang kaganapang ito ay magbigay ng Pag-asa at kalinangan sa bawat mag-aaral.
Binabati na rin natin ang mga grupong nagwagi at nag-uwi ng karangalan. Ang makapag perform palang sa gitna ng entablado ay isa ng malaking karangalan.
Mabuhay Kabataang Bocaueño!
16/01/2024
Tignan | Natapos na ang unang araw ng TESDA TRAINING ng SK Treasurer ng Buong lalawigan ng Bulacan.
Sa TESDA Training na ito ay binigyan kaalaman ang bawat Appointed SK Treasurer kung paano nila magagawa ng tama at malinis ang kanilang tungkulin katuwang ang SK Chairman.
Nakasaad sa Batas na ang bawat Appointed SK Treasurer ay kinakailangan na sumailalim sa TESTA TRAINING ng 36 days at makakuha ng NCIII Book keeping.
Konting panahon na lamang ay maaari na tayong makapag-Bond ng ating Budget at makalikha ng iba't ibang proyekto ayon sa ating ABYIP at CBYDP.
Sa pamumuno ng ating SK Chairman Mark Kevin "Kuya Kevs" Evangelista at mga SK Kagawad ay patuloy natin pinagtutulungan ang pagtataguyod ng Sektor ng Kabataan sa ating Barangay.
16/01/2024
Ngayong araw ay ginugunita natin ang kabayanihan ng Bayaning mula sa atin. Pinagdiriwang ngayon ang ika-127 taong kabayanihan ni General Eusebio Roque o mas kilalang Maestro Eusebio.
Si Maestro Eusebio ay tubong Barangay Caingin mula sa Pamilya ng Roque, siya ay isa sa mga Bayani ng Republika ng Kakarong De Sili kung saan ay isa sa mga Bayaning nanguna sa himagsikan laban sa mga mananakop sa ating inang bayan. Siya ay kasama rin nila Heneral Marcelo H. Del Pilar sa pakikipaglaban para sa ating Bayan.
Si Maestro Eusebio ang kinikilalang Pag-Asa ng mga Bayani at Mandirigmang Pilipino para sa pakikipaglaban para sa ating Bayan.
Kaya ngayong araw siya ay binigyang parangal sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan ng Bocaue sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Eduardo "JJV" Villanueva at Vice Mayor Atty. Sherwin Tugna, sa pamamagitan ng MHACTO.
Pinagmamalaki natin ang Bayaning mula sa atin.
Taas Noo, Bocaueño Tayo!