Antipona Kilos Tayo

Directions

Antipona Kilos Tayo Public Service and Information

20/08/2026
Maligayang Kaarawan, Igg. Rolando Jose De Vera! Isang pagbati ng maligayang kaarawan sa isang mapagmahal na ama, masipag...
20/08/2026

Maligayang Kaarawan, Igg. Rolando Jose De Vera!

Isang pagbati ng maligayang kaarawan sa isang mapagmahal na ama, masipag na lingkod-bayan, at kasalukuyang Konsehal ng Barangay Antipona. 💙

Ang inyong pagiging masipag, makatao, simple, at tunay na may malasakit sa bawat mamamayan ay nagsisilbing inspirasyon sa marami. Sa bawat paglilingkod, hindi lamang tungkulin ang inyong ginagampanan, kundi isang pusong handang tumulong at maglingkod nang walang hinihinging kapalit.

Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, mahabang buhay, karunungan at lakas upang mas marami pa kayong mapagsilbihan at matulungan.

Happy Birthday, Igg. Rolando Jose De Vera!
Patuloy na maging huwarang ama, lingkod-bayan, at simpleng taong may pusong para sa kapwa. 💙

Mula sa mga taong inyong pinaglilingkuran—maraming salamat sa inyong malasakit!

💙

Viva San Roque! 🙏💙Maligayang Kapistahan, P**n ng San Roque, Barangay Antipona! 🎉⛪Nawa’y patuloy tayong pagpalain ng Pang...
16/08/2026

Viva San Roque! 🙏💙

Maligayang Kapistahan, P**n ng San Roque, Barangay Antipona! 🎉⛪

Nawa’y patuloy tayong pagpalain ng Panginoon ng mabuting kalusugan, kapayapaan, pagkakaisa at masaganang biyaya. Sa diwa ng pananampalataya at bayanihan, sama-sama nating ipagdiwang ang araw na ito nang may puso at pasasalamat.

Mula sa Antipona Kilos Tayo, isang mainit na pagbati sa bawat pamilya ng Barangay Antipona.

Viva San Roque! Viva! 🙏🎉
Antipona Kilos Tayo — Tibay ng Pamayanan, Panalo ang Kinabukasan! 💙

**nNgSanRoque
💙✌🏻🙏🏻

Masarap na Tanghalian, Masarap na Samahan 🍽️❤️Pagkatapos ng paglilingkod, nawawala ang pagod, ano man ang nasa hapag, ma...
15/08/2026

Masarap na Tanghalian, Masarap na Samahan 🍽️❤️

Pagkatapos ng paglilingkod, nawawala ang pagod, ano man ang nasa hapag, mas nagiging masarap kapag tunay, wagas, at taos-puso ang mga taong kahati natin sa bawat kwentuhan at tawanan. 🙏💙

anTIpona Kilos taYO
AlyansangDeng
TeamTikyo&TeamAndeng
SerbisyongmayMalasakit
SolidoatTunay✌🏻💙

12/08/2026

Maulan nanaman, Masarap ang lugaw na may itlog o kaya special ube champorado kapartner ang tinapay ☺️☺️☺️

Keep safe everyone!

💙✌🏻ANTIPONA KILOS TAYO💙✌🏻Sa panahon ng pagbaha at pagsubok, hindi kailangang mag-isa. Sama-sama tayong kumikilos, nagmam...
10/08/2026

💙✌🏻ANTIPONA KILOS TAYO💙✌🏻

Sa panahon ng pagbaha at pagsubok, hindi kailangang mag-isa. Sama-sama tayong kumikilos, nagmamalasakit at nagtutulungan. 🫶

Ngayong naapektuhan ng pagbaha ang ating mga kabarangay, magkasamang kumilos ang Antipona Kilos Tayo at Alyansang Deng sa pangunguna nina Kon. Ronald “Tikyo” De Vera at Andrea “Andeng” Nicolas, kasama ang buong team, upang mamahagi ng mainit na lugaw at nilagang itlog sa mga mamamayan ng Barangay Antipona. 🍲🥚

Simple man ang aming naipamahagi, ang hangad namin ay maipadama na may mga taong handang tumulong at makiisa sa oras ng pangangailangan.

Bayanihan. Malasakit. Sama-samang Kilos.
Dahil sa Antipona Kilos Tayo, bawat Antiponahin ay mahalaga!💙✌🏻





09/08/2026
🥚💙 TULONG SA PANAHON NG PAGSUBOK 💙🥚Sa gitna ng hagupit ng Bagyong Luis at Maymay, nagsikap ang Team Antipona Kilos Tayo ...
09/08/2026

🥚💙 TULONG SA PANAHON NG PAGSUBOK 💙🥚

Sa gitna ng hagupit ng Bagyong Luis at Maymay, nagsikap ang Team Antipona Kilos Tayo at Alyansang Dheng na makapag-abot ng munting tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo at pagbaha sa pamamagitan ng pamimigay ng mga tray ng itlog para sa kanilang hapag-kainan.

Kanilang binigyan prioridad lalo na ang mga pamilyang lumikas sa mga evacuation center dulot ng malaking pagbaha.

Hindi man kalakihan, ang bawat tray ay simbolo ng pagmamalasakit, bayanihan, at pagkakaisa. 🤝

Patuloy tayong KUMILOS, MAGLINGKOD, AT TUMULONG dahil sa Antipona, walang maiiwan sa panahon ng pangangailangan. 💙✌🏻

Antipona Kilos Tayo!
Serbisyo para sa lahat, malasakit sa bawat pamilya. 💙✌🏻

04/08/2026

Address

Antipona
Bocaue
3018

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Antipona Kilos Tayo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category