Sangguniang Barangay ng Duhat

Directions

Sangguniang Barangay ng Duhat Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sangguniang Barangay ng Duhat, Government Organization, Duhat, Bocaue.

MAHALAGANG ANUNSYO SA LAHAT NG MGA KA-BARANGAY!Isang magandang balita para sa ating lahat! Matapos ang pagsasaayos, masa...
02/10/2026

MAHALAGANG ANUNSYO SA LAHAT NG MGA KA-BARANGAY!

Isang magandang balita para sa ating lahat! Matapos ang pagsasaayos, masaya naming ipinababatid na ganap nang tapos ang bagong renobasyon ng ating Barangay Hall!

Mula sa Lunes, lahat ng ating mga serbisyo-publiko ay babalik na at magpapatuloy sa ating bagong ganda at mas pinaayos na Barangay Hall upang mas lalo pa kayong mapaglingkuran nang mas mabilis, maayos, at komportable.

Kailan Lilipat/Babalik ang mga Serbisyo: Lunes Ika 5 ng Oktubre 2026

Saan: Bagong Renovate na Barangay Hall (Original Barangay Hall)

Kasabay nito, isang taos-pusong pasasalamat ang nais nating pabatid sa ating butihing Mayor Jon Jon Villanueva sa kanyang walang-sawang suporta at pagpapagawa ng ating napakagandang Barangay Hall. Dahil sa kanyang malasakit, mas magiging maayos at komportable ang paghahatid ng mga serbisyo para sa buong komunidad.

Inaanyayahan po ang lahat na bisitahin ang ating bagong tahanan ng serbisyo. Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta at kooperasyon!
Magkita-kita po tayo!

📢 SENIOR CITIZEN MILESTONE PAYOUTIsang munting tulong at pagkilala para sa ating mga minamahal na senior citizen. 💙Maram...
01/10/2026

📢 SENIOR CITIZEN MILESTONE PAYOUT
Isang munting tulong at pagkilala para sa ating mga minamahal na senior citizen. 💙
Maraming salamat po at mabuhay ang ating mga nakatatanda!

Happy, Happy Birthday po, Congressman Atty. Agay Cruz! Patuloy ang aming pagbati at pasasalamat sa isangmabuting lider n...
30/09/2026

Happy, Happy Birthday po, Congressman Atty. Agay Cruz!

Patuloy ang aming pagbati at pasasalamat sa isang
mabuting lider na laging kaisa ng bawat pamilya rito
sa Barangay Duhat.

Mula sa buong pusong pagkakaisa ng Pamahalaang Barangay ng Duhat at ng aming mga mamamayan, dalangin po namin ang mas marami pang taon ng malusog na pangangatawan, patuloy na biyaya, at tagumpay sa inyong paglilingkod.

Mabuhay po kayo, Congressman, at patuloy na maging inspirasyon sa marami! ✌🏻🧡💙

Isang Taos-pusong Pagbati mula sa Sangguniang Barangay ng Duhat sa pangunguna ng ating Kapitan Hon. FAUSTINO M. DELA CRU...
29/09/2026

Isang Taos-pusong Pagbati mula sa Sangguniang Barangay ng Duhat sa pangunguna ng ating Kapitan Hon. FAUSTINO M. DELA CRUZ! 🥦🥕🥬

​🎉 CHAMPION! 1ST PLACE – GULAYAN SA PAARALAN (EDDIS LEVEL COMPETITION) 🎉
​
Muling pinatunayan ng Duhat Elementary School ang kanilang galing, sipag, at pagkakaisa matapos makamit ang Unang Gantimpala sa katatapos lamang na Eddis Level Gulayan sa Paaralan Competition!
​Ang tagumpay na ito ay katibayan ng husay sa pamumuno ng kanilang butihing Punong-Guro, Sir Michael I. Galvez, kasama ang dedikasyon ng ating Agriculture Coordinator, Sir Mark Lehi R. Amar.

​Hindi rin magiging posible ang masaganang aning ito kung wala ang walang-sawang suporta at pagtutulungan ng SPTA Officer & Members (SY 2026-2027), pati na rin ng ating mga masisipag at matitiyagang mga magulang ng mga mag-aaral ng Duhat ES.

​Salamat sa inyong pagmamahal sa kalikasan at sa pagtataguyod ng sapat at masustansyang pagkain para sa ating mga kabataan. Tunay na kapag may tyaga at pagkakaisa, may masaganang bunga!

​Muli, congratulations, Duhat Elementary School! Ipinagmamalaki kayo ng buong Barangay Duhat! 💚👏

​

MAHALAGANG PAALALA SA ATING MGA KABARANGAYPara sa kapanatagan at kapayapaan ng ating komunidad, pinaalalahanan ang bawat...
29/09/2026

MAHALAGANG PAALALA SA ATING MGA KABARANGAY

Para sa kapanatagan at kapayapaan ng ating komunidad, pinaalalahanan ang bawat isa na manatiling alerto at mapagmatyag.
Kung may mapansin po kayong:

👤 Mga kahina-hinalang indibidwal na hindi pamilyar sa ating lugar

👁️ Mga kakaibang kilos o galaw sa inyong paligid
🚨 Anumang insidente o pangyayari na maaaring magdulot ng panganib

Huwag po magdalawang-isip na agad itong i-report sa ating mga opisyal ng Barangay Council o sa ating mga tanod. Maaari rin po kayong mag-send ng personal message (PM) dito sa ating official page upang agad nating maipaabot ang babala sa iba nating mga kapitbahay.

Tandaan: Ang kaligtasan at seguridad ng ating
barangay ay nagsisimula sa ating pagkakaisa.
Magtulungan po tayo. Maging mata at tainga ng bawat isa para sa isang ligtas at payapang pamayanan!

ANUNSYO​PARA SA LAHAT NG MGA MAMAMAYAN NG BARANGAY:​Nais po naming ipagbigay-alam sa publiko na ang Tanggapan ng Baranga...
28/09/2026

ANUNSYO

​PARA SA LAHAT NG MGA MAMAMAYAN NG BARANGAY:

​Nais po naming ipagbigay-alam sa publiko na ang Tanggapan ng Barangay ay magsasara simula 1:00 PM ngayong araw, Setyembre 28, 2026.

​Ito ay upang bigyang-daan ang paggunita at pakikiisa sa "Kainang Pilipino Mahalaga Day".

​Magbabalik po ang normal na operasyon at serbisyo ng ating barangay bukas, Setyembre 29, 2026.

​Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na kooperasyon.

📢 Baka po may nakakakilala o nakakita sa asong ito.Female Husky po na nawawala at baka may makapansin sa paligid ng Evan...
27/09/2026

📢 Baka po may nakakakilala o nakakita sa asong ito.
Female Husky po na nawawala at baka may makapansin sa paligid ng Evangelista St. Tricycle Terminal. I messege nyo na lamang po mismong may ari

Maraming Salamat po

BAGONG TAHANAN NG KARUNUNGAN AT PAG-ASA: MALIGAYANG PAGBUBUKAS NG ATING NEW DAYCARE BUILDING! Isang malaking hakbang par...
25/09/2026

BAGONG TAHANAN NG KARUNUNGAN AT PAG-ASA: MALIGAYANG PAGBUBUKAS NG ATING NEW DAYCARE BUILDING!

Isang malaking hakbang para sa kinabukasan ng ating mga kabataan! Buong galak at karangalan nating ipinapakilala ang ating Bagong Daycare Building (2 Room) isang mas ligtas, mas kumportable, at mas masayang pasilidad para sa simula ng pagkatuto ng ating mga minamahal na estudyante.
Ang tagumpay na ito ay hindi magiging posible kung hindi dahil sa pagtutulungan ng ating mga lider at ng buong komunidad. Isang taos-pusong pasasalamat sa ating:

kay Mayor JJV – Maraming salamat po sa pagkakaloob ng maganda at modernong gusaling ito na magsisilbing pundasyon ng pangarap ng ating mga bata.

kay Punong Barangay Faustino M. dela Cruz Kap, Salamat po sa inyong walang sawang suporta, malasakit, at dedikasyon para sa ikagaganda at ikabubuti ng ating mga kabataan at ng buong Barangay Duhat.

kay Kagawad Jay Sabino (Chairman on Education) – Sa inyong patuloy na paggabay at pagtutok sa mga programang pangedukasyon.

Sangguniang Barangay at Bumubuo ng Pamahalaang Barangay ng Duhat – Sa inyong pagkakaisa at serbisyong tapat para sa ating komunidad.

Isang napakalaking pasasalamat din sa ating mahal na mga g**o na sina Teacher Cristy at Ate Lhyn maraming salamat sa inyong tiyaga, mula preparasyon, pagmamahal, at walang pagod na paggabay sa ating mga maliliit na mag-aaral araw-araw! ❤️

Salamat din nang marami sa ating mga Parents sa inyong patuloy na tiwala at pakikipagbalikatan, at lalong-lalo na sa Pamilya ni Mr. Ogie Supremo sa inyong mahalagang suporta at ambag sa proyektong ito.

Para sa mas maliwanag at masaganang kinabukasan ng kabataang Duhatueño! Maligayang pagbubukas sa ating New Daycare Center! 👧🧒📚

ANUNSYO PUBLIKO: PANSAMANTALANG PAGKAWALA NG KURYENTE (MERALCO)​Para sa: Lahat ng residente ng Sitio Gitna, Duhat, Bocau...
24/09/2026

ANUNSYO PUBLIKO: PANSAMANTALANG PAGKAWALA NG KURYENTE (MERALCO)

​Para sa: Lahat ng residente ng Sitio Gitna, Duhat, Bocaue, Bulacan particularly on Mendoza Street

​Nais naming ipagbigay-alam sa ating mga kababayan na magkakaroon ng installation ng secondary attachment ang Meralco ngayon.

​Petsa/Oras ng Simula: tentative 11:00 AM

​Inaasahang Tagal: Humigit-kumulang 3 hanggang 4 na oras

​Dahil dito, magkakaroon po ng temporary power interruption sa inyong lugar habang isinasagawa ang maintenance work. Pinapaalalahanan ang lahat na mag-ingat at i-unplug muna ang mga sensitibong kasangkapan sa bahay.

​Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at kooperasyon.

📢 PAALALA AT ANUNSYO PARA SA ATING MGA SENIOR CITIZENS 📢​Magandang araw po sa lahat!​Nasa ibaba po ang opisyal na listah...
22/09/2026

📢 PAALALA AT ANUNSYO PARA SA ATING MGA SENIOR CITIZENS 📢
​Magandang araw po sa lahat!
​Nasa ibaba po ang opisyal na listahan ng ating mga minamahal na Senior Citizens na mavavalidate para sa kanilang SOCIAL PENSION.

​📅 Kailan: September 26, 2026 (SABADO)
⏰ Oras: 1:00 PM
📍 Saan: Municipal Covered Court, Brgy. Igulot, Bocaue, Bulacan

​MGA DAPAT DALHIN (REQUIREMENTS):
Pakidala lamang po ang inyong Senior Citizen’s ID

​Paki-check po ang listahan sa ibaba para malaman kung kabilang ang inyong pangalan o ang pangalan ng inyong mga magulang/kamag-anak.
​Maraming salamat po at mag-iingat ang lahat sa pagpunta! ❤️

Address

Duhat
Bocaue
3018

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Barangay ng Duhat posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share