27/10/2026
NURSES WEEK 2026 | PAGLILINGKOD NA MAY PUSO, MALASAKIT, AT DEDIKASYON!
Ang tunay na diwa ng pagiging nars ay hindi nasusukat sa posisyon o responsibilidad, kundi sa bawat buhay na naaabot, bawat pasyenteng napapagaan ang dinaramdam, at bawat pamilyang nabibigyan ng pag-asa. Sa bawat sakripisyo, pagod, at hamon ng kanilang tungkulin, patuloy na nangingibabaw ang kanilang malasakit at dedikasyon sa pagbibigay ng serbisyong may puso.
Ngayong Nurses Week 2026, ibinabahagi ni Mrs. Maria Cristine A. Bravo-Marciano, Supervising Administrative Officer ng DOH-Joni Villanueva General Hospital, ang isang makabuluhang mensahe ng pagkilala at pasasalamat sa ating mga nars na patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa buong institusyon. Nawa'y magsilbi itong paalala na ang bawat munting pagkilos na may malasakit ay may malaking epekto sa buhay ng ating mga pasyente at sa komunidad na ating pinaglilingkuran.
Sa lahat ng ating JVGH Nurses, maraming salamat sa inyong walang sawang sakripisyo, katatagan, at pusong handang maglingkod. Kayo ay mahalagang bahagi ng ating misyon na maghatid ng dekalidad, makatao, at people-centered na serbisyong pangkalusugan.