Huling araw na ng kampanya, abot-abot po ang aking pasasalamat dahil sa buong apatnapu't limang araw ng kampanya ay hindi niyo po kami iniwan at lalo pang nag-umapaw ang inyong pagsuporta't pagmamahal sa aming TEAM ☝🏻
Naniniwala po ako na ipapanalo po natin ang laban na ito. Sama-sama po tayong tumindig para sa ating kinabukasan.
Hanggang sa abot ng aking kakayahan, ang inyo pong lingkod ay patuloy na mag-aalay ng maka-masang serbisyo para sa inyo Bocaueños. 💙💚
Bukas po ay bawal ng mangampanya, tayo po ay mamahinga at taimtim na manalangin para sa kaayusan ng eleksyon. At sa darating na lunes, LET US EXERCISE OUR RIGHT TO VOTE.
⚫️𝟭𝟴. 𝙎𝙏𝘼.𝘼𝙉𝘼, 𝘼𝘽𝙎
⚫️𝟭𝟴. 𝙎𝙏𝘼.𝘼𝙉𝘼, 𝘼𝘽𝙎
#18
☝🏻💙💚
Aldrin B. Sta. Ana - Konsehal ng Masa
Alay sa Bocaueño, maka-masang Serbisyo! ☝🏻
𝑨𝒍𝒂𝒚 𝒔𝒂 𝑩𝒐𝒄𝒂𝒖𝒆𝒏̃𝒐, 𝒎𝒂𝒌𝒂-𝒎𝒂𝒔𝒂𝒏𝒈 𝑺𝒆𝒓𝒃𝒊𝒔𝒚𝒐 #5
Maliban sa pandemyang ating kinakaharap ay may iba pang mga problema na dumarating sa ating buhay, gaya na lang ng pagbaha sa ibat-ibang lugar gawa ng malakas na pag-ulan at normal na pagtaas ng level ng tubig (high tide).
Gaya na lamang sa Kakulisan sa Brgy. Bambang. Dahil sa sunod sunod na buhos ng malakas na ulan ay halos hindi na mawala ang tubig sa kanilang mga daraan, ang iba pa nga'y pinapasok na ang bahay kaya't ang mga naninirahan doon ay halos nakababad na ang mga binti sa baha.
Kasama ang aming team, atin silang pinuntahan noon upang personal natin silang mabisita, makamusta at maibigay ang ating mga dalang relief goods at electric kettle sa bawat kababayan nating na naninirahan dito.
Sa ganitong pagkakataon ay nakikita at nalalaman natin ang buhay ng ating mga kababayan. Dito ko napatunayan na ang bawat Bocaueño ay singtatag ng mga kawayang sumisimbolo sa ating bayan na sa kahit anong unos ang dumating sa kanilang buhay ay hindi matitinag at hindi bibigay. Patuloy na yayabong para sa tagumpay.
Nawa'y maging simbolo tayo ng pag-asa sa ating kapwa.
Maraming Salamat din po sa aking team at kay Atty. Arnel Alcaraz- Aksyon Agad sa walang sawang pagtulong sa aking bayan. 👍🏻
Asahan po ninyo ang tuloy-tuloy na pagbibigay natin ng serbisyo para sa inyo Bocaueños.
⚫️𝟭𝟴. 𝙎𝙏𝘼.𝘼𝙉𝘼, 𝘼𝘽𝙎
⚫️𝟭𝟴. 𝙎𝙏𝘼.𝘼𝙉𝘼, 𝘼𝘽𝙎
#18
#1
☝🏻💙💚
𝑨𝒍𝒂𝒚 𝒔𝒂 𝑩𝒐𝒄𝒂𝒖𝒆𝒏̃𝒐, 𝒎𝒂𝒌𝒂-𝒎𝒂𝒔𝒂𝒏𝒈 𝑺𝒆𝒓𝒃𝒊𝒔𝒚𝒐 #4
Noong ibinaba ang lockdown sa ating bansa dahil sa pagkakaroon ng pandemya. Marami ang nahirapan sa mga pagbabagong dulot nito ngunit iba ang mga Pilipino. Pagdating sa problema ay laging nagdadamayan.
Sa pagkakataon na ito ay nabuo ang pagkaka-isa at pagtutulungan ng sambayanan kaya nagkaroon ng COMMUNITY PANTRY "MAGBIGAY AYON SA KAKAYAHAN, KUMUHA AYON SA PANGANGAILANGAN". Nag-umpisa sa Maginhawa St. sa Quezon City, na nagsilbing inspirasyon sa buong bansa hanggang sa ating bayan
Sa bawat baranggay at eskinita sa ating bayan ay may mga Bocaueños na nagtayo ng community pantry na bukas para sa lahat.
Atin itong personal na pinuntahan upang dalin ang mga pagkain, facemask at alcohol na maaring makadagdag sa kanilang mga ipinamimigay upang mas marami pa ang makinabang.
Nakagagalak sa pakiramdam na makita na sa kahit anong problema ang ating pagdaanan ay nangingibabaw pa din ang pag-mamahal at pagmamalasakit natin sa ating mga kapwa.
Nawa'y laging maghari sa ating puso ang pag-ibig.
Saludo ako sainyo Bocaueños! Mabuhay!💚
Asahan po ninyo na sa kahit anong pagsubok ay lagi po akong handa upang makatulong at magbigay ng maka-masang serbisyo sa abot ng aking makakaya. 💙☝🏻
⚫️𝟭𝟴. 𝙎𝙏𝘼.𝘼𝙉𝘼, 𝘼𝘽𝙎
⚫️𝟭𝟴. 𝙎𝙏𝘼.𝘼𝙉𝘼, 𝘼𝘽𝙎
#18
💚💚💚💙💙💙
𝑨𝒍𝒂𝒚 𝒔𝒂 𝑩𝒐𝒄𝒂𝒖𝒆𝒏̃𝒐, 𝒎𝒂𝒌𝒂-𝒎𝒂𝒔𝒂𝒏𝒈 𝑺𝒆𝒓𝒃𝒊𝒔𝒚𝒐 #3
Upang makatulong sa ating mga kababayan sa panahon ng pandemya. Isa pa sa ating mga ibinahagi ay ang prutas na PONKAN 🍊na siyang mayaman sa vitamin C. Ito ay dagdag tulong upang lumakas ang ating resistensya panlaban sa virus.
Tayo po ay nagpunta sa ibat-ibang bahagi ng ating bayan upang maibigay ang mga ponkan. Atin din po silang hinikayat na mas lalong mag-ingat at pangalagaan ang kanilang pangangatawan.
Iba talaga ang hatid na kilig ng mga Ponkan na ating ipinamimigay. Ramdam na ramdam ko ang taos-pusong pasasalamat at matatamis na ngiti mula sa mga Bocaueños.
Salamat po Atty. Arnel Alcaraz- Aksyon Agad dahil mula noon hanggang ngayon ay nag-uumapaw ang pagtulong mo sa aking mga kababayan. 👍🏻💛
Bocaueños, asahan po ninyo na patuloy po ang paghahatid natin ng maka-masang serbisyo. ☝🏻
⚫️𝟭𝟴. 𝙎𝙏𝘼.𝘼𝙉𝘼, 𝘼𝘽𝙎
⚫️𝟭𝟴. 𝙎𝙏𝘼.𝘼𝙉𝘼, 𝘼𝘽𝙎
#18
☝🏻💙💚
𝑨𝒍𝒂𝒚 𝒔𝒂 𝑩𝒐𝒄𝒂𝒖𝒆𝒏̃𝒐, 𝒎𝒂𝒌𝒂-𝒎𝒂𝒔𝒂𝒏𝒈 𝑺𝒆𝒓𝒃𝒊𝒔𝒚𝒐 #2
Magmula nung dumating ang pandemya, napakadaming pagbabago ang naganap sa ating bayan. Nagkaroon ng lockdown, ang iba ay nawalan ng trabaho. Ngunit iba ang mga Bocaueños, maparaan at masumikap sa buhay. Kaya naman sa kani-kanilang mga tahanan ay nag-umpisa ng maliit na mga negosyo upang matugunan ang mga pangangailangan nila sa buhay.
Upang makatulong tayo sa ating mga kababayan, personal po tayong tumungo sa kanilang lugar upang maiabot ang mga payong na kanilang hiniling na maari nilang magamit sa pag-hahanap buhay. Ito ay magsisilbi nilang panangga sa mainit at maulan na panahon. ⛱
Maraming Salamat din po Atty. Atty. Arnel Alcaraz- Aksyon Agad sa mga payong na iyong handog sa aking mga kababayan. Tunay kang may malasakit at maaasahan ng iyong kapwa. 👍🏻💛
Tuloy-tuloy po ang ating agarang pag-aksyon at maka-masang serbisyo para sa inyo Bocaueños.
⚫️𝟭𝟴. 𝙎𝙏𝘼.𝘼𝙉𝘼, 𝘼𝘽𝙎
⚫️𝟭𝟴. 𝙎𝙏𝘼.𝘼𝙉𝘼, 𝘼𝘽𝙎
#18
☝🏻💙💚
𝑨𝒍𝒂𝒚 𝒔𝒂 𝑩𝒐𝒄𝒂𝒖𝒆𝒏̃𝒐, 𝒎𝒂𝒌𝒂-𝒎𝒂𝒔𝒂𝒏𝒈 𝑺𝒆𝒓𝒃𝒊𝒔𝒚𝒐 #1
Simula nung dumating ang pandemya, isa po sa aking mga na-isip na paraan upang makatulong sa ating mga kababayan ay ang mamahagi ng mga isda. 🐟
Di pa man sumisikat ang araw, tayo po ay nagpupunta na sa punduhan sa lumang palengke upang kumuha at bumili ng mga sariwang isda at mantika. Matapos neto ay mag-uumpisa naman po tayong maglibot sa ibat-ibang bahagi ng ating bayan upang ito ay ating maipamahagi. Habang tayo ay nagpapamigay, nagkakaroon tayo ng pagkakataon na makisalamuha sa bawat Bocaueños. May mga nag-aalok po ng kape't pandesal at kung anu-ano pang pagkain na meron sa kanilang hapag kasabay ng kwentuhan.
Ang sarap sa pakiramdam na talaga namang makikita mo ang kagalakan sa iyong kapwa sa munting tulong na ating naipa-abot.
Asahan po ninyo na tuloy-tuloy ang ating pagbibigay ng makamasang serbisyo para sa inyo Bocaueño.
𝐁𝐨𝐜𝐚𝐮𝐞𝐧̃𝐨𝐬, 𝐅𝐈𝐒𝐇 𝐁𝐄 𝐖𝐈𝐓𝐇 𝐘𝐎𝐔! 💚
#18
☝🏻💚💙
17/04/2022
Ngayong araw ng Pasko ng muling Pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo ay ipinapaalala niya sa atin na sa kabila ng ating mga problemang dinaranas sa ating buhay, sa ating pagsunod sa Kanya ay atin pa ring makakamtan sa dulo ang kaligtasan at tagumpay.
Happy Easter po, Bocaueños! 🤍
Pagpalain nawa tayo ng ating Panginoon. 🙏🏻
☝🏻💚💙
14/04/2022
Pagbati sa ating mga bagong tagapagtanggol ng katotohanan. Nag-uumapaw ang kasiyahan sa aming mga puso sa inyong tagumpay. Nawa'y patuloy kayong maglingkod ng may katapatan at buong puso sa ating bayan. ☝🏻
Ipinagmamalaki namin kayo, Bocaueños! At sa lahat ng mga bagong abogado ng bayan. Padayon! 🇵🇭
☝🏻💚💙
11/04/2022
Anumang pagsubok ang ating kaharapin ay kaya natin itong malampasan basta't sama-sama at tulong-tulong tayong mga Bocaueños.
Mabuhay ang Bayan ng Bocaue!
☝🏻💚💙🤍
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Telephone
Website
Address
Bocaue
3018
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |
