03/10/2026
๐ Pagpupugay sa ating mga Minamahal na G**o! โค๏ธ
Kahapon ay masayang ipinagdiwang ng DepEd Bocaue District ang Teachersโ Day na ginanap sa Elida Convention Center Dr. Yangas Colleges, Incorporated.
Mas naging makabuluhan ang pagtitipon dahil atin pong nakasama ang ating ang ating Vice Mayor Atty. Sherwin Tugna, DepEd District Supervisor Sir Jonar David, Retired Teachers, School Principals kasama ang mga g**ong patuloy na nagbibigay ng kanilang panahon, lakas at puso para sa edukasyon ng ating mga kabataan.
Sa ating mga g**o, taos-puso po ang aming pasasalamat sa inyong walang sawang dedikasyon at sakripisyo. Hindi lamang po kayo nagtuturo ng mga aralinโkayo rin ang humuhubog sa pangarap, karakter at kinabukasan ng bawat batang inyong ginagabayan.
Sa bawat mahabang araw, bawat pasensyang inyong ibinibigay, bawat batang inyong hinihikayat na mangarap, at bawat hamong inyong hinaharapโmaraming salamat po. Ang inyong mga ginagawa ay maaaring hindi laging nakikita o nasusuklian, ngunit ang inyong impluwensya ay mananatili sa puso at buhay ng inyong mga mag-aaral. Sa inyong mga kamay nagsisimula ang paghubog sa susunod na henerasyon ng mga lider, propesyonal, manggagawa at mabubuting mamamayan.
Happy Teacherโs Day po! โค๏ธ