23/03/2026
Pagbati sa Inyong Tagumpay!
Ang buong pamayanan ng Macabaclay, Bongabon, Nueva Ecija ay malugod na bumabati sa inyong kahanga-hangang tagumpay!
Ang inyong dedikasyon, pagsisikap, at determinasyon ay nagsilbing inspirasyon sa aming lahat. Ipinagmamalaki namin ang inyong tagumpay na nagbigay karangalan sa ating komunidad.
Nawa’y magsilbi itong hakbang tungo sa mas marami pang tagumpay sa hinaharap.
Mabuhay kayo at patuloy na magningning ang inyong galing!
Ipinagmamalaki ng Macabaclay National High School ang husay, dedikasyon, at talento ng ating street dancers na nagkamit ng 2nd Runner-up sa katatapos na Pandan Festival sa Mapandan, Pangasinan. Para sa aming puso kayo ang tunay na kampeon. Ikinararangal kayo ng ating inang paaralan maging ng buong Bayan ng Bongabon at Lalawigan ng Nueva Ecija. Patuloy kayong magningning!