10/11/2026
BAGONG SK CHAIRPERSON NG BARANGAY OGBOT, NANUMPA NA SA KANIYANG PANUNUNGKULAN
Pormal nang nanumpa si Joyce Anne Fosana bilang bagong Sangguniang Kabataan (SK) Chairperson ng Barangay Ogbot, Bayan ng Bongabong, Oriental Mindoro.
Pinalitan niya si dating SK Chairperson Jessica Francisco, na kasalukuyan nang naglilingkod bilang miyembro ng Philippine National Police (PNP).
Ang panunumpa ni Fosana ay bahagi ng proseso ng succession upang matiyak ang pagpapatuloy ng pamumuno at paghahatid ng mga programa at serbisyo para sa kabataan ng Barangay Ogbot.
Sa pagkakataong ito, binigyang-diin ang hamon ni Mayor Mike Malaluan sa bagong SK Chairperson na yakapin ang responsibilidad ng pamumuno nang may integridad, malasakit at dedikasyon. Hinikayat din siyang ipagpatuloy ang mga nasimulang programa, maging bukas sa pakikipagtulungan, at higit sa lahat, unahin ang kapakanan at pangangailangan ng kabataan ng kanilang barangay.
Inaasahan ang patuloy na pakikiisa ng Sangguniang Kabataan at ng buong komunidad sa pagsusulong ng mga programang magbibigay ng makabuluhang oportunidad at magpapalakas sa partisipasyon ng kabataan sa lokal na pamamahala.
Isang bagong yugto ng paglilingkod at pamumuno para sa kabataan ng Barangay Ogbot!