22/09/2026
⚖️ ABOT-KAMAY NA KATARUNGAN PARA SA ATING MGA KABABAYAN
Matagumpay na naisagawa sa Bongabong ang Synchronized Barangay Legal Aid Day ng IBP Oriental Mindoro Chapter bilang bahagi ng Law Month 2026.
Maraming salamat sa mga abogado mula sa iba’t ibang lugar na naglaan ng oras at kaalaman upang magbigay ng libreng legal advice, notarization, at legal education sa ating mga kababayan.
Saludo sa lahat ng barangay officials, empleyado ng pamahalaan at ating mga kababayan na naglingkod at nakibahagi.
Serbisyong legal. Kaalaman sa batas. Katarungang mas abot-kamay.