07/05/2026
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐
๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ (๐๐๐๐)
| Noong ika-06 ng Mayo 2026, matagumpay na nagsagawa ang mga tauhan ng Coast Guard Sub-Station Bongao ng Safety, Security, Environmental and Numbering System (SSEN) operations sa Luuk Mangit, Brgy. Pababag, Bongao, Tawi-Tawi bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng Philippine Coast Guard laban sa ilegal na gawain sa karagatan at upang mapanatili ang kaligtasan at seguridad ng maritime domain.
Alinsunod sa Memorandum Circular (MC) Blg. 2017-001, ang pagpapatupad ng SSEN ay naglalayong magtalaga ng natatanging pagkakakilanlan o numero sa bawat rehistradong sasakyang pandagat na nakarehistro sa Philippine Coast Guard (PCG). Sa pamamagitan nito, higit na napapalakas ang pagpapatupad ng maritime safety, maritime security, at environmental protection sa loob ng Philippine maritime jurisdiction.
Ang nasabing aktibidad ay mahalagang hakbang upang mapigilan ang paggamit ng mga sasakyang pandagat sa mga ilegal na aktibidad gaya ng piracy, terrorism, smuggling, at iba pang banta sa pambansang seguridad. Bukod dito, nakatutulong din ito sa mas episyenteng monitoring, identification, at tracking ng mga sasakyang pandagat sa nasasakupan.
Patuloy na ipinapakita ng Coast Guard Sub-Station Bongao ang matibay nitong dedikasyon at pangako sa paghahatid ng tapat na serbisyo publiko, pagpapanatili ng ligtas at maayos na karagatan, at pangangalaga sa kalikasan para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino.