06/08/2026
Agosto 06, 2026
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Lung Month 2026, sa ilalim ng superbisyon ni SJO4 Rusdy Y Hussein, Acting Warden, at sa gabay at pamumuno ni JCSUPT ERWIN KENNY P RONQUILLO, MM, MPSA, Regional Director, BJMP BARMM, matagumpay na nagsagawa ang Bongao District Jail, sa pakikipagtulungan sa Integrated Provincial Health Office (IPHO) – Tawi-Tawi, ng isang Medical Outreach Activity para sa 146 Persons Deprived of Liberty (PDL).
Pinangunahan ni Dr. Rowell Quioge, NTP and Medical Coordinator, kasama ang mga kawani ng IPHO-Tawi-Tawi, ang pagsasagawa ng TB Awareness Lecture, PPD Screening o di kaya ang tinatawag na Mantoux skin testing, at pamamahagi ng hygiene kits. Nagkaroon din ng makabuluhang talakayan hinggil sa pag-iwas, maagang pagtukoy, at wastong pangangalaga laban sa tuberculosis upang mapalawak ang kaalaman at mapangalagaan ang kalusugan ng mga PDL.
Bilang pagtatapos ng programa, namahagi rin ng meryenda ang IPHO sa mga kalahok bilang pagpapakita ng kanilang suporta at malasakit.
Ang gawaing ito ay sumasalamin sa patuloy na pagtutulungan ng BJMP Bongao DJ at IPHO Tawi-Tawi sa pagsusulong ng mga programang pangkalusugan at sa pagbibigay ng dekalidad na serbisyong medikal para sa kapakanan ng mga Persons Deprived of Liberty, tungo sa isang mas ligtas, mas malusog, at mas makataong pamayanan sa loob ng ating mga piitan.