Alaras Law Office
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Alaras Law Office, Notary public, Purok Bougainvilla, Brgy. Talisay, Bontoc Southern Leyte, Bontoc.
29/04/2026
Pinawalang-sala ng ang isang ina sa kasong parricide kaugnay ng pagkamatay ng kanyang anak na babae. Inabswelto siya sa pananagutang kriminal matapos mapatunayan na mayroon siyang schizophrenia, isang kondisyong nag-alis sa kanyang kakayahang matukoy ang kamalian ng kanyang ginagawa.
Sa desisyong isinulat ni Associate Justice Samuel H. Gaerlan, pinagbigyan ng Ikatlong Dibisyon ng Korte Suprema ang apela ng isang ina at binaliktad ang sentensya nito sa kasong parricide base sa legal insanity o kawalan ng katinuan ng pag-iisip dulot ng schizophrenia, isang exempting circumstance sa ilalim ng Revised Penal Code.
Naharap sa sakdal ang ina matapos siyang makitang kayakap ang kanyang limang-taong gulang na anak habang tumatalon mula sa isang tulay, na nauwi sa pagkamatay ng bata.nBagama’t nailigtas ang ina, hindi na nahanap ang bata hanggang matagpuan ang katawan nito sa ilog kinabukasan.
Ikinatwiran ng ina na wala siya sa tamang pag-iisip nang panahong iyon. Ang huli niyang natandaan ay ang paglalakad niya kasama ang kanyang anak. Sinabi niyang nagkamalay na lang siya habang lumulutang na sa ilog.
Isang lisensyadong doktor mula sa National Center for Mental Health (NCMH) ang nagpatunay na ang ina ay may diagnosis na schizophrenia.
Hinatulan ng Regional Trial Court (RTC) ang ina ng reclusion perpetua o hanggang apatnapung taong pagkakakulong sa paniniwalang matino siya nang mangyari ang insidente. Inihain lamang niya ang depensang insanity matapos ang pagpresenta ng ebidensiya ng prosekusyon. Pinagtibay ito ng Court of Appeals.
Hindi sumang-ayon ang Korte Suprema. Sinabi nito na walang kriminal na pananagutan ang ina dahil naging hadlang ang kondisyon ng kanyang pag-iisip para maunawaan niya ang kamalian ng kanyang ginawa.
Ang insanity o kawalan ng katinuan ay isang sakit o depekto ng utak na makikita sa pananalita o kilos ng isang tao. Sa ilalim ng Artikulo 12 ng Revised Penal Code, isa ito sa mga pagkakataon na nagpapalaya sa isang tao mula sa pananagutang kriminal.
Sa kasong People v. Paña, naglatag ang Korte Suprema ng tatlong basehan para mapatunayang ang insanity bilang exempting circumstance:
•Una, dapat umiiral ang insanity sa oras ng paggawa ng krimen;
•Pangalawa, dapat napatunayan ito ng medisina; at
•Pangatlo, dapat nawalan ng kakayahang unawain ang kamalian ng kanyang kilos ang akusado dahil dito.
Ayon sa Korte Suprema, napatunayan ng ina ang kanyang kondisyon sa tulong ng testimonya at mga ulat mula sa mga psychiatrist. Ang schizophrenia ay isang malalang sakit kung saan hindi na makilala ng tao ang pagkakaiba ng pantasya sa realidad, na kadalasang may kasamang mga guni-guni (hallucinations at delusions).
Bagama't malaya sa pananagutang kriminal, nananatiling may pananagutang sibil ang ina. Iniutos ng SC na magbayad siya sa mga tagapagmana ng biktima ng PHP 75,000 bilang civil indemnity; PHP 200,000 para sa moral, exemplary, at temperate damages.
Iniatas din ng SC ang agarang paglilipat sa ina mula sa Correctional Institution for Women patungo sa NCMH para sa kanyang gamutan. Maaari lamang siyang mapalaya sa utos ng RTC base sa rekomendasyon ng kanyang doktor.
Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=164320.
Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=164308.
Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.
29/04/2026
HINDI DAPAT LAHAT NG PASAN AY NASA TAUMBAYAN, HABANG BILYON-BILYON ANG KINIKITA NG MERALCO
Tandaan natin: bilang MONOPOLY FRANCHISE, protektado sa kompetisyon ang electric companies. May pribilehiyo sila, kaya dapat may obligasyon din sila sa publiko.
Kailangang suriing mabuti ang EPIRA (Electric Power Industry Reform Act) Law at baguhin ang rules ng Energy Regulatory Commission (ERC) para ang mga electric companies ang sumalo sa Lifeline Discount, hindi ang taumbayan.
Comment below kung sang-ayon kayo, at i-share ito para mas marinig ang boses natin.
01/01/2026
30/12/2025
The has laid down guideposts for proving who owns or controls a social media account in criminal cases.
In a Decision written by Associate Justice Ramon Paul L. Hernando, the SC’s First Division affirmed the conviction of an individual ( # # #) for committing psychological violence under Section 5 (i) of the 𝘈𝘯𝘵𝘪-𝘝𝘪𝘰𝘭𝘦𝘯𝘤𝘦 𝘈𝘨𝘢𝘪𝘯𝘴𝘵 𝘞𝘰𝘮𝘦𝘯 𝘢𝘯𝘥 𝘛𝘩𝘦𝘪𝘳 𝘊𝘩𝘪𝘭𝘥𝘳𝘦𝘯 (𝘈𝘯𝘵𝘪-𝘝𝘈𝘞𝘊) 𝘈𝘤𝘵 against his ex-girlfriend (AAA) by posting derogatory statements about her on 𝘍𝘢𝘤𝘦𝘣𝘰𝘰𝘬.
The SC sentenced # # # to up to eight years in prison, imposed a PHP 100,000 fine, and ordered # # # to undergo psychological counseling or psychiatric treatment.
The SC stressed that in criminal cases, the prosecution must prove not only the elements of the crime but also the identity of the offender.
It explained that for crimes committed through social media, the basic features of the platform such as 𝘍𝘢𝘤𝘦𝘣𝘰𝘰𝘬, must be considered.
Noting that 𝘍𝘢𝘤𝘦𝘣𝘰𝘰𝘬 is widely used in the Philippines, the SC held that a 𝘍𝘢𝘤𝘦𝘣𝘰𝘰𝘬 account can easily be created by anyone claiming to be at least 13 years old with an email address or mobile number.
Once an account is created, the user can add friends, exchange private messages, and post statements, photos, or videos visible to others depending on the user’s privacy settings. Fake or dummy accounts can easily spread, enabling disinformation, identity theft, or crimes.
Given this, the SC ruled that guideposts are necessary to establish who owns or controls a social media account. It said the following must be shown to prove ownership or access:
1. Admission of ownership or authorship;
2. Being seen accessing the account or composing the post;
3. Containing information known only to the offender or a few people;
4. Language consistent with the offender’s characteristics;
5. Records from the internet service provider, telecommunications company, or social media site, and results from device forensic analysis showing geolocation features, and other attributes linking the account to the offender;
6. Acts consistent with previous posts; or
7. Other instances showing ownership, access, or authorship.
Applying these, the SC found that several factors proved # # # wrote the 𝘍𝘢𝘤𝘦𝘣𝘰𝘰𝘬 post. The account name bore his full name, and the profile photo showed him with his child from his current live-in partner.
AAA’s sister had also received messages from the same account for years.
Read the full text of the Press Release at https://sc.judiciary.gov.ph/?p=158535.
Read the full text of the Decision at https://sc.judiciary.gov.ph/?p=158446.
Copying of this content is subject to the SC PIO’s Credit Attribution Policy: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.
03/06/2025
Naglabas ang ng dagdag na mga alituntunin sa plea bargaining o pag-amin sa mas mababang krimen sa drug cases — kailangang ihain ng mga prosecutor ang lahat ng kanilang batayan sa pagtutol sa plea bargain agreement. Kung hindi, ituturing na abandonado o “waived” na ang mga ito.
Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Japar B. Dimaampao, pinagtibay ng En Banc ng Korte ang desisyon ng Regional Trial Court (RTC) na hinatulang guilty si Rodulfo Ferraren Aquino (Aquino) sa illegal possession of drug paraphernalia sa ilalim ng Section 12 ng Republic Act No. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. In-update din ng Korte ang Clarificatory Guidelines on Plea-Bargaining in Drugs Cases, na kilala rin bilang Montierro guidelines.
Narito ang mga dagdag na guidelines mula sa Korte Suprema:
1. Kung tumutol ang prosekusyon sa plea bargaining motion, lahat ng hindi binanggit na basehan ay ituturing na inabandona na.
2. Kung iilan lang sa basehan ng pagtutol ng prosekusyon ang tinalakay ng trial court, maaaring utusan ng mas mataas na hukuman o ng Korte Suprema ang korte na resolbahin ang mga natitirang isyu.
3. Kung hindi kumpleto ang mga record sa appellate court o Korte Suprema at hindi malinaw kung ano ang sitwasyon, maaari ring utusan ang mababang korte na muling pagdesisyunan ang kaso batay sa alituntunin sa Montierro at sa kasong ito.
Kinasuhan si Aquino sa Dumaguete City ng illegal possession at sale ng shabu. Sa kabila ng pagtutol ng prosekusyon, pinayagan siya ng Regional Trial Court (RTC) na makapag-plea bargain at maghain ng guilty plea sa mas mababang krimen na illegal possession of drug paraphernalia.
Pinawalang-bisa ng Court of Appeals (CA) ang hatol ng RTC dahil walang pagsang-ayon ng prosekusyon.
Binaliktad naman ng Korte Suprema ang desisyon ng CA dahil malinaw sa kaso ng People v. Montierro na maaaring isantabi ng korte ang pagtutol ng prosekusyon kung dahil lamang sa paglabag sa mga panuntunan ng Department of Justice (DOJ).
Pero, giit ng Korte, kailangan pa rin sumunod sa guidelines ng Korte Suprema. Kailangan ding tingnan kung maituturing bang habitual offender ang akusado at kung malakas ang ebidensya laban sa kanya.
Sa kaso ni Aquino, hindi na ito natingnan ng RTC dahil nauna ang plea bargain bago pa makapagpresenta ng ebidensya ang prosekusyon. Pero sa halip na ibalik ang kaso sa RTC na makakapagpatagal lang sa kaso, inilapat ng Korte Suprema ang Omnibus Motion Rule sa ilalim ng Rules of Court, kung saan lahat ng basehan sa pagtutol ay dapat naihain sa pinaka-unang pagkakataon.
Sa huli, ibinalik ng Korte Suprema ang naging hatol ng RTC na apat na taong pagkakakulong at multang PHP 60,000.
Basahin ang buong press release sa https://tinyurl.com/y627x9fk.
Basahin ang buong teksto ng Desisyon sa https://tinyurl.com/4pcu6ke3.
Basahin ang Concurring Opinion ni Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting sa https://tinyurl.com/5898sb24.
02/06/2025
A DOSE OF LAW | SC voids foreclosure over incomplete loan records
Published 2 June 2025, The Daily Tribune
In a recent decision, the Supreme Court nullified the foreclosure of a mortgaged property due to the lender’s failure to provide a full accounting of the borrowers’ loan payments — a ruling that reinforces the duty of financial institutions to maintain accurate records and uphold transparency.
Dean Nilo Divina discusses the case of Cruz v. [Bank] (G.R. No. 236605, 29 July 2024).
Please check the comments for the link.
22/03/2025
𝗝𝗨𝗦𝗧 𝗜𝗡 | Two passengers made a bomb joke on board Cebu Pacific flight 5J-617 today, March 22, upon landing at Bohol-Panglao International Airport at 11:20 a.m.
A flight attendant overheard the remark, leading to the passengers being taken into police custody.
By 12:43 p.m., authorities had cleared the aircraft of any threat.
📷 CAAP
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Purok Bougainvilla, Brgy. Talisay, Bontoc Southern Leyte
Bontoc
6604
