LGU Botolan

Directions Website

LGU Botolan Welcome to the official page of the Local Government Unit of Botolan. Sulong Botolan!

๐Ÿฒ๐Ÿฐ ๐——๐—”๐—ฌ๐—ฆ ๐—ง๐—ข ๐—š๐—ข ๐ŸŽ64 days until Christmas! Christmas preparations may come with a long list, but let's not forget what the ...
22/10/2026

๐Ÿฒ๐Ÿฐ ๐——๐—”๐—ฌ๐—ฆ ๐—ง๐—ข ๐—š๐—ข ๐ŸŽ

64 days until Christmas! Christmas preparations may come with a long list, but let's not forget what the season is truly about. โค๏ธ

MASSIVE ANTI-RABIES VACCINATION PROGRAMPatuloy ang pagsisikap na mapanatiling ligtas at malusog ang ating mga alagang ha...
21/10/2026

MASSIVE ANTI-RABIES VACCINATION PROGRAM

Patuloy ang pagsisikap na mapanatiling ligtas at malusog ang ating mga alagang hayop at komunidad sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Massive Anti-Rabies Vaccination sa pangunguna ng Municipal Agriculture Office - LGU Botolan at Provincial Veterinary Office, katuwang ang mga kawani nito.

๐Ÿ“ Mga lugar na pinuntahan:
๐Ÿ“… Oktubre 13, 2026 โ€“ Barangay Maguisguis, Owaog Nebloc, at Belbel
๐Ÿ“… Oktubre 21, 2026 โ€“ Barangay Poonbato at Villar

Layunin ng programang ito na maprotektahan ang ating mga alagang aso at pusa laban sa rabies at maiwasan ang pagkalat ng nakamamatay na sakit na ito.

Ang pagbabakuna ay mahalagang hakbang tungo sa isang ligtas at rabies-free na komunidad. Kaya naman, hinihikayat ang lahat ng pet owners na pabakunahan ang kanilang mga alagang hayop at maging responsable sa kanilang pangangalaga.

Bakuna para sa alaga, proteksiyon para sa pamilya!

BRIEFING ORIENTATION ON THE PREPARATION AS ORGANIC CERTIFICATION BODY (OCB)๐Ÿ“ Villanueva Hall, Botolan, Zambales๐Ÿ“… Oktubre...
21/10/2026

BRIEFING ORIENTATION ON THE PREPARATION AS ORGANIC CERTIFICATION BODY (OCB)

๐Ÿ“ Villanueva Hall, Botolan, Zambales
๐Ÿ“… Oktubre 21, 2026

Matagumpay na isinagawa ngayong araw ang Briefing Orientation on the Preparation as Organic Certification Body (OCB) para sa limang (5) Core Group at mga miyembro ng Botolan Organic PGS Group, Inc., sa pangunguna ng Department of Agriculture (DA) โ€“ Regional Field Office III, Organic Agriculture Division, katuwang ang Agricultural Training Institute (ATI), Provincial Agriculture Office, at Municipal Agriculture Office-LGU Botolan.

Ang Participatory Guarantee System (PGS) ay isang sistema ng pagkilala at pagpapatunay na ang mga produktong organiko ay sumusunod sa mga itinakdang pamantayan ng organikong pagsasaka. Itinataguyod nito ang pakikilahok, pagtutulungan, at pananagutan ng mga magsasaka at iba pang katuwang sa komunidad upang mapangalagaan ang integridad ng mga produktong organiko.

Layunin ng briefing orientation na gabayan at ihanda ang grupo sa mga kinakailangang proseso, pamantayan, at dokumentasyon kaugnay ng paghahanda bilang Organic Certification Body (OCB), alinsunod sa mga naaangkop na pamantayan at regulasyon sa organikong agrikultura.

Sa pamamagitan ng gawaing ito, higit na pinatitibay ang kaalaman at kakayahan ng mga miyembro tungo sa pagpapalawak ng organikong pagsasaka, pagpapataas ng tiwala sa mga produktong organiko, at pagsusulong ng ligtas na pagkain at napapanatiling kabuhayan ng mga magsasaka. ๐ŸŒพ

Sama-sama sa pagsusulong ng de-kalidad, ligtas, at napapanatiling organikong agrikultura!

๐—ข๐—–๐—ง๐—ข๐—•๐—˜๐—ฅ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—ฃ๐—”๐——๐—”๐—š๐—”๐—ช ๐—ก๐—œ๐—ก ๐—˜๐— ๐—ฃ๐—Ÿ๐—˜๐—ฌ๐—”๐——๐—ข ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฒNapuno ng sigla at excitement ang buong araw ng kawani ng Lokal na Pamahala...
21/10/2026

๐—ข๐—–๐—ง๐—ข๐—•๐—˜๐—ฅ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—ฃ๐—”๐——๐—”๐—š๐—”๐—ช ๐—ก๐—œ๐—ก ๐—˜๐— ๐—ฃ๐—Ÿ๐—˜๐—ฌ๐—”๐——๐—ข ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Napuno ng sigla at excitement ang buong araw ng kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Botolan sa pangunguna ng ating butihing Mayor Hon. Jun Omar Ebdane sa opisyal na pagsisimula ng mga palaro ngayong Padagaw nin Empleyado.

Nagsimula sa Zumba at Team Building Games ang Padagaw kung saan naipamalas ng bawat departamento ang kanilang galing sa pagsayaw at pag-indak, maging ang kanilang lakas, pagkakaisa at diskarte upang manalo sa mga Team Games. Walang patid ang tawanan at cheer mula sa bawat team na siyang bumuhay ng programa.

Pagsapit ng hapon, lalong uminit ang kompetisyon sa pagsisimula ng official game proper. Nagpakitang-gilas ang bawat Team sa Basketball, Volleyball, Pickleball, Badminton, Table Tennis, Dart, Chess at maging sa larangan ng e-sports na Mobile Legends.

Sa bawat laro ay nangingibabaw ang husay, disiplina at tunay na sportsmanship ng ating mga lingkod-bayan.

๐Ÿฒ๐Ÿฑ ๐——๐—”๐—ฌ๐—ฆ ๐—ง๐—ข ๐—š๐—ข ๐ŸŽ„65 araw na lamang! Ang Pasko ay paalala na ang pagkakaisa ay isa sa pinakamagandang bagay na maaari natin...
21/10/2026

๐Ÿฒ๐Ÿฑ ๐——๐—”๐—ฌ๐—ฆ ๐—ง๐—ข ๐—š๐—ข ๐ŸŽ„

65 araw na lamang! Ang Pasko ay paalala na ang pagkakaisa ay isa sa pinakamagandang bagay na maaari nating ipagdiwang.

๐—œ๐—ก ๐—ฃ๐—›๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฆ | ๐—ฃ๐—”๐——๐—”๐—š๐—”๐—ช ๐—ก๐—œ๐—ก ๐—˜๐— ๐—ฃ๐—Ÿ๐—˜๐—ฌ๐—”๐——๐—ข ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—”๐——๐—˜Ngayong araw, October 20, 2026, opisyal nang binuksan ang taunang Padagaw n...
20/10/2026

๐—œ๐—ก ๐—ฃ๐—›๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฆ | ๐—ฃ๐—”๐——๐—”๐—š๐—”๐—ช ๐—ก๐—œ๐—ก ๐—˜๐— ๐—ฃ๐—Ÿ๐—˜๐—ฌ๐—”๐——๐—ข ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—”๐——๐—˜

Ngayong araw, October 20, 2026, opisyal nang binuksan ang taunang Padagaw nin Empleyado. Isa itong makulay at masayang selebrasyon para sa ating mga masisipag at matitiyagangg lingkod-bayan na tunay na bida sa araw na ito.

Pinangunahan ng ating butihing Mayor, Hon. Jun Omar Ebdane, kasama si Municipal Administrator Jeffrey Bautista, mga Sangguniang Bayan Members, mga Department Heads at ang buong pamilya ng Lokal na Pamahalaan ng Botolan ang pagbubukas ng Padagaw nin Empleyado. Sama-samang nagmartsa ang bawat kawani taglay ang ngiti, sigla at pagkakaisa para sa pagsisimula ng mga kapana-panabik na aktibidad at palaro.

Ang Padagaw nin Empleyado ay hindi lamang isang pagtitipon, kundi pagkilala sa walang sawang paglilingkod ng ating mga empleyado para sa mamamayan ng Botolan.

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | ๐—Ÿ๐—š๐—จ ๐—•๐—ผ๐˜๐—ผ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ฆ๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—ฑ๐—ผ๐—น๐˜€Naging punong-puno ng sigla, galing at nagpakitang-gilas ang mga kawani ng Lokal na P...
20/10/2026

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | ๐—Ÿ๐—š๐—จ ๐—•๐—ผ๐˜๐—ผ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ฆ๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—ฑ๐—ผ๐—น๐˜€

Naging punong-puno ng sigla, galing at nagpakitang-gilas ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan sa LGU Botolan Singing Idols nitong nakaraang Lunes, Oktubre 19, 2026, na ginanap sa Polytechnic College of Botolan (PCB).

Pagbati sa ating mga natatanging mang-aawit na nagpakitang-gilas at nag-uwi ng karangalan:
๐Ÿ† ๐—–๐—›๐—”๐— ๐—ฃ๐—œ๐—ข๐—ก: ๐—ฃ๐—ผ๐—น๐˜†๐˜๐—ฒ๐—ฐ๐—ต๐—ป๐—ถ๐—ฐ ๐—–๐—ผ๐—น๐—น๐—ฒ๐—ด๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ ๐—•๐—ผ๐˜๐—ผ๐—น๐—ฎ๐—ป (๐—ฃ๐—–๐—•)
๐Ÿฅ‡ ๐Ÿญ๐—ฆ๐—ง ๐—ฅ๐—จ๐—ก๐—ก๐—˜๐—ฅ-๐—จ๐—ฃ: ๐—ฃ๐—ผ๐—น๐˜†๐˜๐—ฒ๐—ฐ๐—ต๐—ป๐—ถ๐—ฐ ๐—–๐—ผ๐—น๐—น๐—ฒ๐—ด๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ ๐—•๐—ผ๐˜๐—ผ๐—น๐—ฎ๐—ป (๐—ฃ๐—–๐—•)
๐Ÿฅˆ ๐Ÿฎ๐—ก๐—— ๐—ฅ๐—จ๐—ก๐—ก๐—˜๐—ฅ-๐—จ๐—ฃ: ๐——๐—ฟ. ๐—™๐—น๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—–. ๐——๐—ผ๐—ฏ๐—น๐—ฒ ๐— ๐—ฒ๐—บ๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—›๐—ผ๐˜€๐—ฝ๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—น (๐——๐—™๐—–๐——๐— ๐—›)

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa, sumuporta at nagbahagi ng kanilang angking galing sa entablado. Patunay lamang ito na ang bayan ng Botolan ay tunay na tahanan ng mga mahuhusay at natatanging talento.

๐™ˆ๐™ช๐™ก๐™ž, ๐™˜๐™ค๐™ฃ๐™œ๐™ง๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ก๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ๐™จ ๐™จ๐™– ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™ฌ๐™ž๐™ฃ๐™ฃ๐™š๐™ง๐™จ!

20/10/2026
๐Ÿฒ๐Ÿฒ ๐——๐—”๐—ฌ๐—ฆ ๐—ง๐—ข ๐—š๐—ข โœจHabang papalapit ang Pasko, patuloy nating dalhin ang diwa ng malasakit saan man tayo naroroon.
20/10/2026

๐Ÿฒ๐Ÿฒ ๐——๐—”๐—ฌ๐—ฆ ๐—ง๐—ข ๐—š๐—ข โœจ

Habang papalapit ang Pasko, patuloy nating dalhin ang diwa ng malasakit saan man tayo naroroon.

๐—›๐—ฎ๐—ฝ๐—ฝ๐˜† ๐—•๐—ถ๐—ฟ๐˜๐—ต๐—ฑ๐—ฎ๐˜†, ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด. ๐—ก๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜† ๐—•๐—ถ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—พ๐˜‚๐—ถ๐˜‡!Taos-pusong bumabati ang Pamahalaang Lokal ng Botolan sa pangunguna ng ating m...
20/10/2026

๐—›๐—ฎ๐—ฝ๐—ฝ๐˜† ๐—•๐—ถ๐—ฟ๐˜๐—ต๐—ฑ๐—ฎ๐˜†, ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด. ๐—ก๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜† ๐—•๐—ถ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—พ๐˜‚๐—ถ๐˜‡!

Taos-pusong bumabati ang Pamahalaang Lokal ng Botolan sa pangunguna ng ating mahal na Mayor Hon. Jun Omar Ebdane, sa ating masipag at dedikadong ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜€๐˜„๐—ผ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐Ÿฎ๐—ป๐—ฑ ๐——๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—ญ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐˜€ ๐—›๐—ผ๐—ป. ๐——๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐˜€ "๐—ก๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜† ๐—•๐—ถ๐—ป๐—ด" ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—พ๐˜‚๐—ถ๐˜‡.

Panalangin po namin ang inyong patuloy na kalusugan, kaligtasan at higit pang karunungan upang ipagpatuloy ang inyong pamumuno at paglilingkod sa bayan.

May God bless you with more years of joy, wisdom and good health!

Address

Botolan Municipal Bldg. , Brgy. Batonlapoc
Botolan
2202

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LGU Botolan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share