Comelec Bucay Abra

Directions Website Contact the organization

Comelec Bucay Abra Official page of the Office of the Election Officer of COMELEC BUCAY

13/07/2026

๐๐€๐๐€๐‹๐€ ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž | ๐”๐ค๐จ๐ฅ ๐ฌ๐š ๐ง๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ฉ ๐ง๐š ๐ž๐ฆ๐š๐ข๐ฅ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐ง ๐„๐ฅ๐ž๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ

Mariing pinapaalalahanan ang publiko na maging maingat at mapanuri sa mga natatanggap na email na mistulang mula sa Commission on Elections at humihingi ng personal at sensitibong impormasyon tulad ng email sa kanan mula sa [email protected].

WALANG STAKEHOLDERS RELATIONS DIVISION ang anumang departamento ng COMELEC at HINDI DIRECTOR O KAWANI NG COMELEC SI ATTY. MARIA CARMELA B. GONZALES.

Ang mga opisyal na email address ng COMELEC ay gumagamit ng domain name na .gov.ph. Huwag pagkatiwalaan ang anumang electronic mail na hindi mula sa email address na tangan ang domain name na ito.

Bukod sa kahina-hinalang email address, HUWAG AGAD I-CLICK ANG ANUMANG LINK SA EMAIL. Ito ay maaaring isang phishing scam at maging sanhi ng pagnakaw at paggamit ng iyong impormasyon sa hindi magandang gawain.

Panatilihing safe at secured ang ating personal at sensitibong impormasyon. Makipag-ugnayan lamang sa COMELEC sa pamamagitan ng pagpunta sa mga pisikal na tanggapan nito o sa mga opisyal na email address na makikita sa โ€œContact Usโ€ ng www.comelec.gov.ph.

24/06/2026
22/06/2026

๐‚๐€๐‹๐„๐๐ƒ๐€๐‘ ๐Ž๐… ๐€๐‚๐“๐ˆ๐•๐ˆ๐“๐ˆ๐„๐’ ๐ˆ๐ ๐‚๐Ž๐๐๐„๐‚๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐–๐ˆ๐“๐‡ ๐“๐‡๐„ ๐๐Ž๐•๐„๐Œ๐๐„๐‘ ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐˜ ๐€๐๐ƒ ๐’๐€๐๐†๐†๐”๐๐ˆ๐€๐๐† ๐Š๐€๐๐€๐“๐€๐€๐ ๐„๐‹๐„๐‚๐“๐ˆ๐Ž๐๐’

๐Ÿ“… October 20, 2025 - May 18, 2026
๐Ÿ‘‰Voter Registration Period (Nationwide except BARMM)

๐Ÿ“… February 9 - March 31, 2026
๐Ÿ‘‰Voter Registration Period in BARMM

๐Ÿ“… September 28 - October 5, 2026
๐Ÿ‘‰Filing of Certificates of Candidacy

๐Ÿ“… September 28 - October 21, 2026
๐Ÿ‘‰Campaigning is Prohibited

๐Ÿ“… October 3 - November 9, 2026
๐Ÿ‘‰Election Period
๐Ÿ‘‰Gun Ban

๐Ÿ“… October 22-31, 2026
๐Ÿ‘‰Campaign Period

๐Ÿ“… November 1, 2026
๐Ÿ‘‰Eve of Election Day
๐Ÿ‘‰Liquor Ban
๐Ÿ‘‰Campaigning is Prohibited

๐Ÿ“… November 2, 2026
๐Ÿ‘‰ELECTION DAY
๐Ÿ‘‰Liquor Ban
๐Ÿ‘‰Campaigning is Prohibited

๐Ÿ“… December 2, 2026
๐Ÿ‘‰Last Day to File Statement of Contributions and Expenditures (SOCE)

โ—๏ธPAALALA: Suspended ang voter registration sa Antipolo City, Rizal mula January 19 - March 22, 2026 upang magbigay-daan sa mga aktibidad kaugnay ng isasagawang March 14, 2026 Special Elections sa 2nd Legislative District ng Antipolo City.

References:
COMELEC Resolution No. 11177:https://comelec.gov.ph/php-tpls-attachments/2025BSKE/Resolutions/com_res_11177.pdf
COMELEC Resolution No. 11191:https://comelec.gov.ph/php-tpls-attachments/2025BSKE/Resolutions/com_res_11191.pdf



22/06/2026

๐—ฉ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ฑ ๐—œ๐—— ๐—ฏ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฉ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ฟโ€™๐˜€ ๐—–๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ถ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป? ๐Ÿค”

OPO! Ang Voter's Certification ay isang opisyal na dokumento mula sa COMELEC na nagpapatunay na ikaw ay isang rehistradong botante.

Tinatanggap ito bilang valid ID sa mga ahensya ng gobyerno, tulad ng:

โœ… Department of Foreign Affairs (DFA) โ€“ para sa pagkuha o pag-renew ng passport.

โœ… ...at iba pang piling transaksyon!

๐Ÿ’ก Tip: Siguraduhing kumuha nito sa opisyal na opisina ng COMELEC sa inyong munisipyo o lungsod kung kailangan mo ng alternatibong ID.

19/06/2026

๐๐€๐†๐‹๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐€๐– ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž | ๐Ÿ ๐‰๐ฎ๐ง๐ž ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’๐’Š๐’๐’Š๐’๐’‚๐’˜ ๐’”๐’‚ ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐’‘๐’‚๐’‰๐’‚๐’š๐’‚๐’ˆ ๐’๐’‚ ๐’๐’‚๐’ˆ๐’ƒ๐’Š๐’ƒ๐’Š๐’ˆ๐’‚๐’š-๐’Œ๐’‚๐’๐’Š๐’•๐’–๐’‰๐’‚๐’ ๐’•๐’–๐’๐’ˆ๐’Œ๐’๐’ ๐’”๐’‚ ๐’Š๐’”๐’‚๐’”๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’˜๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‰๐’‚๐’๐’‚๐’๐’‚๐’.

Mariing pinag-iingat ang publiko sa mga nakakalitong pahayag sa social media kung matutuloy o hindi ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ngayong taon.

Para sa kaalaman at kapanatagan ng lahat, ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ay isasagawa sa November 2, 2026, ayon sa Republic Act No. 12232.

Ang batas na ito ay pinirmahan ni Pangulong Ferdinand โ€œBongbongโ€ Marcos, Jr. noong August 13, 2025. Hindi na ito maituturing na โ€œBreaking Newsโ€ tulad nang nakasaad sa social media post ng Asenso Ka Barangay page sa kanang bahagi.

PAALALA na ang pagpapalaganap ng maling impormasyon upang maging sanhi ng kalituhan ng mga botante ay maaaring ituring na Election Offense sa ilalim ng Section 261(z)(11) ng Omnibus Election Code.



Pakaamo apo.
31/03/2026

Pakaamo apo.

Address

Commission On Elections, Ground Floor, Municipal Hall Bldg. South Poblacion
Bucay
2805

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Comelec Bucay Abra posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Comelec Bucay Abra:

Shortcuts

Share