02/05/2026
TATAY GOB. EGAY, MAYOR MAILA, AT LMP CAGAYAN PRESIDENT MAYOR CERI ANTIPORDA NAKIPAGDIALOGO SA KABATAAN, TINALAKAY ANG YOUTH LEADERSHIP CAMP AT MGA PROGRAMA TULAD NG “EGAY CUP”, YOUTH CAMP, SPORTS CLINIC, AT “EGAY LISTER”
Nagkaroon ng makabuluhang pagpupulong si Tatay Gob. Egay kasama sina Mayor Maila Ting-Que, League of Mayors of the Philippines – Cagayan Chapter President Mayor Ceri Antiporda, at mga konsehal na sina Councilor Mark Dayag at Councilor Myrna Te, upang makipag-ugnayan sa mga youth leaders sa Cagayan. Layunin ng pulong na palakasin ang partisipasyon ng kabataan sa governance at hubugin ang mga programang magpapalawak ng kanilang liderato at kakayahan.
Kabilang sa mga pangunahing tinalakay ang pagbuo ng Youth Leadership Camp na magsisilbing plataporma para sa training, values formation, at leadership development ng kabataan sa lalawigan. Inilatag rin ang mga paunang konsepto para sa “EGAY CUP,” isang inisyatibang magtataguyod ng sports development, camaraderie, at youth engagement sa iba’t ibang komunidad.
Ipinakilala rin ang panukalang programang “EGAY Lister,” isang inisyatiba ng Gobernador na naglalayong kilalanin at parangalan ang mga natatanging kabataan sa iba’t ibang larangan—mula akademya, sports, leadership, hanggang community service.
Kasama rin sa pagpupulong sina Deputy Chief of Staff Atty Jay Em Cuntapay at Executive Assistant to the Governor Dr Archie Articulo. Sa kabuuan, binigyang-diin ni Tatay Gob. Egay ang mahalagang papel ng kabataan bilang katuwang sa inclusive development, at ang pangangailangang bigyan sila ng tamang oportunidad, direksyon, at suporta upang maging susunod na haligi ng One Cagayan.