08/10/2026
Panoorin! Patuloy ang PNP Buguey sa pagsasagawa ng masinsinang Mobile Patrol Operation mula Brgy. Maddalero hanggang San Vicente, Buguey, Cagayan ngayong October 8, 2026.
Layunin ng aktibidad na ito na mapalakas ang presensya ng kapulisan sa mga pangunahing lansangan at pamayanan, mapigilan ang anumang uri ng kriminalidad, mapanatili ang kapayapaan at kaayusan, at makapagbigay ng maagap na pagtugon sa anumang insidente o pangangailangan ng publiko.
Sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pagpapatrulya, nananatiling nakahanda ang PNP Buguey na pangalagaan ang kaligtasan at seguridad ng bawat mamamayan.
Para sa emergency at police assistance, tumawag lamang sa 911.