27/05/2026
Humanda na para sa paparating na 3rd SK Intercolor Basketball League Opening Ceremony na gaganapin ngayong Linggo, May 31, 2026!
Magsisimula ang assembly para sa parade sa ganap na 3:30 ng hapon, habang opisyal namang sisimulan ang programa sa 4:00 PM.
Abangan din ang Battle of Muses mula sa bawat koponan na siguradong magdadagdag kulay at sigla sa ating opening ceremony, kasunod ang dalawang official games para lalong painitin ang laban sa hardcourt!
Kaya ihanda na ang inyong pinakamalakas na cheer, suporta, at higit sa lahat… mahabang pasensya! 😂
Kita-kits sa Barangay Sta. Lucia Basketball Court!
18/05/2026
ANNOUNCEMENT
The screening of players and jersey fitting will be held on May 19, 2026, 1:00 PM at the Barangay Hall.
All coaches, managers, and players are REQUIRED to attend to ensure proper screening and fitting procedures. Please arrive on time and be guided accordingly.
⚠️ Paalala po na ang lahat ng lineups na naka-post sa ibaba ay HINDI PA OPISYAL.
Kung may nais pong iapela, linawin, o iprotesta hinggil sa mga manlalarong sa tingin ninyo ay hindi kwalipikado, maaari po itong ihain bukas sa panahon ng screening. Hinihikayat po ang lahat na panatilihin ang maayos at respetadong pakikipag-usap upang masiguro ang patas na proseso para sa lahat.
16/05/2026
BUKAS NA PO, ARAW NG LINGGO ANG LAST DAY NG PAGPAPASA NG LINEUP. 📍
14/05/2026
3rd SK Intercolor Basketball League
Bumuo na ng lineup para sa paparating na liga!
DEADLINE OF LINEUP:
MAY 17, 2026 – SUNDAY
ENTRANCE FEE: 2,000
RULES:
• Maari lamang sumali ang mga players na may edad 15 pataas
• Ang bawat team ay dapat binubuo ng hindi bababa sa 15 na players
• Hindi na tatanggap ng line up pagkalampas ng May 17.
• Maaari ka lamang sumali sa ligang ito kung ikaw ay nagtataglay ng alin sa dalawa:
1. BOTANTE ng barangay Sta. Lucia;
2. Lehitimong RESIDENTE ng barangay Sta. Lucia.
• HINDI TATANGGAPIN ang pangalan ng isang player kung ito ay hindi magbibigay ng REQUIREMENTS na hinihingi sa araw ng screening.
PAANO MAGPASA NG LINEUP:
• Ang Sangguniang Kabataan ay magbibigay ng FORM na makukuha sa ating Barangay Health Center
• Sa FORM isusulat ang pangalan ng TEAM, PLAYERS, COACH, MANAGER (kung mayroon).
• Ang pagbibigay ng FORM ay magsisimula sa MAY 13
hanggang MAY 17.
• Ang lineup na HINDI NAKASULAT sa FORM ay hindi tatanggapin.
• Kasama ng Form ang mga REQUIREMENTS na kailangan upang makasali.
OFFICIAL JERSEY OUTFITTER: RS PIXELS CUSTOM APPAREL
-Ang RS PIxels ang ating official outfitter. Kung kaya ang bawat teams
ay REQUIRED na dito magpagawa ng uniform.
13/05/2026
Matagumpay na naisagawa ang ating Libreng Tuli Program sa barangay sa pangunguna ng Sangguniang Kabataan sa pamumuno ni SK Chairman Darren Waminal, katuwang ang Municipal Health Office.
Nagkaroon din ng pamimigay ng libreng gamot para sa ating mga kabarangay bilang bahagi ng programang pangkalusugan.
Maraming salamat sa ating mga BHW sa kanilang oras, tulong, at suporta para maging maayos at matagumpay ang programang ito.
Serbisyong may aksyon para sa komunidad. 💙
10/05/2026
SK Cash Incentives Distribution!🎓
Matagumpay na naipagkaloob ng Sangguniang Kabataan ng Sta. Lucia ang SK Cash Incentives sa mga mag-aaral na nagtapos ng Senior High School at College, sa pangunguna ni Darren Waminal.
Ang programang ito ay isang pagkilala sa sipag, tiyaga, at dedikasyon ng ating mga kabataan sa kanilang pag-aaral.
Patuloy ang suporta ng SK Sta. Lucia sa mga kabataang nagbibigay dangal at pag-asa sa ating komunidad.
10/05/2026
Libreng Tuli sa Barangay!
Ang Sangguniang Kabataan ng Sta. Lucia, katuwang ang Municipal Health Office, ay magsasagawa ng Libreng Tuli sa ika-13 ng Mayo, araw ng Miyerkules, ganap na ika-8 ng umaga.
📍 Maaaring magpatala sa ating Barangay Health Center.
⚠️ Hanggang unang 40 pasyente lamang po ang tatanggapin.
06/05/2026
SK Cash Incentives Distribution🎓
Sa May 10, araw ng Linggo, sa ganap na ika-9 ng umaga sa ating Barangay Hall, magkita-kita tayo sa ating Katipunan ng Kabataan Assembly!
Para sa mga tatanggap ng incentives, ihanda lamang ang mga kinakailangang requirements. INCOMPLETE REQUIREMENTS, NO INCENTIVES.
Narito ang listahan ng mga makatatanggap :
28/04/2026
SK Cash Incentives for Graduates!🎓
Isang munting regalo para sa ating mga kabataang nagsipagtapos!🎉
Kung ikaw ay:
✔️ Lehitimong residente ng Brgy. Sta. Lucia
✔️ Senior High School Graduate (AY 2025–2026)
✔️ College Graduate (AY 2025–2026)
Maari kang makakuha ng Cash Incentives mula sa SK!
📌Paano mag-register?
Mag-register sa pamamagitan ng pag-scan ng QR Code o sa link na ito:
https://bit.ly/42yalc2
https://bit.ly/42yalc2
https://bit.ly/42yalc2
📌Mga kinakailangan sa pag-register:
* School ID o Certificate or Registration (COR or COE) (AY 2025–2026)
* Dapat may address na nagpapatunay na ikaw ay residente ng Brgy. Sta. Lucia
📌Tatanggap lamang kami ng registration hanggang Biyernes, May 1, 2026.
Pagkatapos mag-register, maghintay lamang ng anunsyo para sa distribution at mga kailangang ipasa.
06/04/2026
All eyes on Team Sta. Lucia! 👑
Our Muse, Jennica Sharlane, proudly clinched the 2nd Runner-Up title in the Battle of Muses, standing out among 36 remarkable candidates during the 1st Mayor’s Basketball Cup 2026.
Congratulations for bringing pride and honor to Sta. Lucia! 💙🏀
📸: ACB Photography and Films
04/04/2026
Sta. Lucia enters! 🔥
New stage. New battle.
1st Mayor’s Basketball Cup 2026 🏀
Opening starts tomorrow, let’s make this loud.
Support the team! 💪🏽
#10 G. COMPRADO
#22 J. BATARA
#16 R. SANTOS
#4 P. SANTOS
#26 S. SANTOS
#2 E. DELA CRUZ
#29 R. DELA CRUZ
#23 R. FRANCISCO
#20 B. FRANCISCO
#25 J. MAGPAYO
#6 G. SANTIAGO
#24 R. RAMOS
#9 R. SALAYSAY
#14 J. PAGSANJAN
#7 J. LIWANAG
#21 R. GARCIA
#19 J. LACANILAO
Coach: Konsi Roger Magpayo