Vice Mayor Aron Ronald Cruz

Vice Mayor Aron Ronald Cruz

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Vice Mayor Aron Ronald Cruz, Public Service, Bulacan.

Photos from 12ᴛʜ ꜱᴀɴɢɢᴜɴɪᴀɴɢ ʙᴀʏᴀɴ ɴɢ ʙᴜʟᴀᴋᴀɴ's post 09/03/2026

Ika-31 Pangkaraniwang Pagpupulong ng Sangguniang Bayan ng Bulakan
Isinagawa ang ika-31 pangkaraniwang pagpupulong ng Sangguniang Bayan kung saan tinalakay ang iba’t ibang panukalang ordinansa, resolusyon, at mga usaping may kaugnayan sa patuloy na pagpapaunlad ng ating bayan. Inilahad din ang mga panukalang nangangailangan ng pagsusuri at pag-aaral ng mga kaukulang lupon.
Sa pamamagitan ng mga deliberasyon at koordinasyon ng mga kasapi ng Sanggunian, patuloy na hinahanap ang mga hakbang at solusyon upang mas mapabuti ang serbisyo at mga programang inihahatid sa mamamayan ng Bulakan.

Photos from 12ᴛʜ ꜱᴀɴɢɢᴜɴɪᴀɴɢ ʙᴀʏᴀɴ ɴɢ ʙᴜʟᴀᴋᴀɴ's post 03/02/2026

Ika-29 na Pangkaraniwang Pagpupulong
ng Ika-12 Sangguniang Bayan ng Bulakan
Matagumpay na naisagawa ang ika-29 na pangkaraniwang pagpupulong ng ika-12 Sangguniang Bayan ng Bulakan kung saan masusing tinalakay ang mga mahahalagang isyu at usaping kinahaharap ng ating bayan kasabay ang pagbibigay ng pagkakataon sa ating kandidata sa Binibining Bulacan 2026 na si Bb. Sophia Estares upang makapagsalita at madinig ang kanyang boses. Layunin ng pagpupulong na makabuo ng mga konkretong hakbang at solusyon para sa patuloy na kaunlaran at kapakanan ng bawat Bulakenyo. Hawak kamay nating tinutugunan ang mga hamon ng bayan para sa isang mas maayos at progresibong Bulakan.

Photos from 12ᴛʜ ꜱᴀɴɢɢᴜɴɪᴀɴɢ ʙᴀʏᴀɴ ɴɢ ʙᴜʟᴀᴋᴀɴ's post 25/01/2026

Isinagawa ang Ika-28 na Regular na Sesyon ng Sangguniang Bayan ng Bulakan, kung saan tinalakay ang mga mahahalagang isyu at nagpasya sa iba’t ibang resolusyon na naglalayong isulong ang kaunlaran at kapakanan ng mamamayan ng dakilang Bayan ng Bulakan. Hawak kamay para sa mas maunlad na kinabukasan.


19/01/2026
Photos from 12ᴛʜ ꜱᴀɴɢɢᴜɴɪᴀɴɢ ʙᴀʏᴀɴ ɴɢ ʙᴜʟᴀᴋᴀɴ's post 18/01/2026

𝐈𝐤𝐚-𝟐𝟕 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚𝐫𝐚𝐧𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐩𝐮𝐩𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐥𝐚𝐤𝐚𝐧

Isinagawa ang Ika-27 na Pangkaraniwang Pagpupulong ng Sangguniang Bayan ng Bulakan kung saan tinalakay ang mahahalagang panukalang pambayang kautusan at kapasiyahang bayan na naglalayong isulong ang kaunlaran at kapakanan ng mamamayan.

Tinalakay ang mahahalagang panukalang pambayang kautusan at kapasiyahang bayan, kabilang ang 𝗣𝗿𝗼𝗽𝗼𝘀𝗲𝗱 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗢𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗡𝗼. 𝟮𝟬𝟮𝟲-𝟬𝟭 (𝗜𝗴𝗴. 𝗥𝗰𝗵𝗶𝗲 𝗘. 𝗦𝗮𝗻 𝗝𝗼𝘀𝗲) hinggil sa Environmental Clearance System, at 𝗣𝗮𝗻𝘂𝗸𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗽𝗮𝘀𝗶𝘆𝗮𝗵𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗕𝗹𝗴. 𝟬𝟬𝟯-𝟮𝟬𝟮𝟲 (𝗜𝗴𝗴. 𝗣𝗮𝘁𝗿𝗶𝗰𝗸 𝗜𝗮𝗻 𝗗𝗖. 𝗖𝗮𝘁𝗶𝗻𝗱𝗶𝗴) na sumusuporta sa Classroom-Building Acceleration Program (CAP). Kasama rin ang pagsusuri sa mga kautusang pambarangay at resolusyon ng Sangguniang Kabataan para sa taunang badyet at programa ng kabataan.

Patuloy ang Sangguniang Bayan ng Bulakan sa pagtupad sa tungkulin upang matiyak ang maayos, responsableng, at makataong pamamahala para sa lahat ng Bulakenyo.


18/01/2026

Makata Cup 2026

ARANGKADA BULAKAN 𝐔39
Basketball Tryout

January 19, 2026
6:00 P.M @ Arabela Estate Covered Court Matungao, Bulakan

- For Bulakan's Registered Voters only
- Please bring light and dark jerseys

01/01/2026

Sa pagdiriwang natin sa panibagong taon, nawa’y magdala ito ng masaganang biyaya, matibay na pagkakaisa, at patuloy na kaunlaran para sa bawat pamilyang Bulakenyo. Hawak kamay nating harapin ang mga hamon at yakapin ang mga bagong oportunidad tungo sa mas maunlad at mas ligtas nating pamumuhay.

Maraming salamat sa patuloy ninyong tiwala at pagmamahal.
Isang masagana at mapagpalang bagong taon sa ating lahat!


31/12/2025

Isang masagana at mapayapang Bagong Taon sa ating lahat Bulakenyos! 🎆💛

25/12/2025

Bilang inyong Pangalawang Punong Bayan ng Bulakan, taimtim po akong nananalangin na ang kapaskuhang ito ay magdala ng masayang samahan ng pamilya, maayos at marangal na pamumuhay, at malusog na pangangatawan para sa ating lahat.

Nawa’y manaig ang pagmamahalan, pagkakaisa, at pag-asa sa bawat tahanan. Hawak kamay po nating salubungin ang bagong taon na may pananampalataya at positibong pananaw para sa mas maunlad na Bulakan.

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon! 🫰


22/12/2025

Maligayang Kaarawan Kapatid Konsehal Benjo M. Cruz

𝙈𝙖𝙡𝙞𝙜𝙖𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙖𝙧𝙖𝙬𝙖𝙣!
𝙆𝙤𝙣𝙨𝙚𝙝𝙖𝙡 𝘽𝙚𝙣𝙟𝙤 𝙈. 𝘾𝙧𝙪𝙯

Nawa ay bigyan kapa ng Lumikha ng mahabang buhay at malakas na pangangatawan upang marami pang kababayan natin ang iyong matulungan at makapag-ambag kapa ng lubos sa minamahal nating bayan. Pagpalain ka nawa ng Poong Maykapal at bigyan ka ng masayang buhay sa mga dadating pang taon.


Photos from 12ᴛʜ ꜱᴀɴɢɢᴜɴɪᴀɴɢ ʙᴀʏᴀɴ ɴɢ ʙᴜʟᴀᴋᴀɴ's post 28/11/2025

𝗜𝗸𝗮-𝟮𝟭 𝗻𝗮 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝗿𝗮𝗻𝗶𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗽𝘂𝗽𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴.

Sa Ika-21 na Pangkaraniwang Pagpupulong ng 12th Sangguniang Bayan ng Bulakan, muling pinagtibay ang ating pangako sa tapat at makabuluhang paglilingkod. Tinalakay ang Annual Budget para sa taong 2026, kasama ang pondo para sa pamamahala ng basura at iba pang mahahalagang usapin na maghahatid ng maayos, malinis, at maunlad na pamumuhay para sa bawat Bulakenyo.

Patuloy ang ating pagkilos, pagtutok, at sama-samang paghubog ng mas maaliwalas na kinabukasan para sa Dakilang Bayan ng Bulakan.


Want your business to be the top-listed Government Service in Bulacan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Bulacan
3017