19/10/2025
Maligayang Kaarawan sa ating lokal na tagapangulo, Ceejay Bradecina! 💛
Salamat sa iyong tapat na paglilingkod, at malasakit para sa bawat miyembro ng ating samahan. Nawa’y magpatuloy kang maging inspirasyon at sandigan ng ONEMENESES.
Mabuhay ka at nawa’y magdala pa ng mas maraming liwanag at pag-asa.🎊
01/10/2025
Galit ka ba sa lantarang korapsyon at pang-aabuso sa kapangyarihan? Hindi sapat ang magreklamo lang sa social media,oras na para kumilos! Tuloy ang laban para sa tunay na pagbabago!
Makibahagi sa kilusang binubuo ng mamamayan at kapwa estudyante ng Bulacan State University upang maitatag ang isang mas organisado at matatag na pwersang bayan. Sa pamamagitan ng mass education discussions, forums, at trainings, paiigtingin natin ang ating kaalaman at kakayahan para sa sama-samang pagkilos. Sa pangangasiwa ng mga kinakailangan ng kabataan at estudyante, bitbit natin ang SANDIGAN AGENDA NO. 2 na kinakailangang pinangangasiwaan ito nang mabuti, tapat at progresibong pamamahala.
Mabuti dahil naglilingkod sa kabataan at estudyante. Tapat at hindi korap. Progresibo na nagtutulak ng pagbabago. Kinakailangang mapanday ang ganitong tipo ng pamamahala upang matiyak na nakukuha ng kapuwa ang kanilang inaasam at pangangailangan. Kasabay ng SANDIGAN AGENDA NO. 3, sama-sama nating sugpuin ang nagpapahirap at nagpapalugmok sa mamamayan, ang katiwalian at ang pananamantala.
Kaya naman para sa lahat ng handang maging progresibo, makamasa, at palaban. Hindi lang ito protesta, ito’y sama-samang pagkilos para wakasan ang katiwalian at ipaglaban ang karapatan ng mamamayan. Sama-sama nating baguhin ang sistema—mula BulSU hanggang Bayan! ✊
Maging kabilang sa laban:
https://forms.gle/PtEGE28TuRJCWxuZ9
https://forms.gle/PtEGE28TuRJCWxuZ9
https://forms.gle/PtEGE28TuRJCWxuZ9
30/09/2025
Ang panawagan ng BulSUONE sa ginaganap na rally: 'Advance the People Power!'
Sa lantarang korapsyon ng pondo mula sa buwis ng taong bayan, makatwiran ang galit ng sambayanan at mga Iskolar ng bayan. Kagyat na dapat mag-resign, alisin, at ikulong ang mga korap na opisyales. Higit pa, sama-sama nating itulak ang tunay na pagbabagong panlipunan.
May korap dahil bulok ang sistema at pulitika ng bansa. Kaya BulSUan at BulSUONE, lumaban! Maglingkod sa bayan!
21/09/2025
BANTAYOG NG KATOTOHANAN: ORGANISADONG PANININDIGAN✊
Hindi para manood, kundi makiisa.
Hindi para manahimik, kundi tumindig.
Sama-sama para sa katotohanan, katarungan, at pagbabago.
19/09/2025
ISKOLAR PARA SA BAYAN!
Nakikiisa ang ONE MENESES laban sa mga gawaing taliwas sa katarungan at katotohanan. Mariin naming tinututulan ang KORAPSYON na sumisira sa ating bansa.
Ngayong araw naganap ang isang pagkilos sa Bulacan. Nagsimula ng alas-diyes ng umaga sa DPWH District 1 Bulacan Office ang pagkilos ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas at Nagkakaisang Magbubukid ng Malolos kasama ang mga estudyante mula sa BulSU. Pagsapit ng tanghali, isinagawa ang programang walkout ng mga BulSUans. Pagsapit ng ikalawa ng hapon, ginanap ang press conference sa Barasoain Church na dinaluhan ng mga taong simbahan, mangingisda, magsasaka, kabataan, at manggagawa. Pagsapit ng ikaapat ng hapon, nagsagawa ng multisektoral na pagkilos sa Bulacan Capitol Grounds.
Nakataya sa bawat laban na ito ang kinabukasan ng kabataan, ang kalikasan, at mismong buhay ng bawat mamamayan. Hindi tayo dapat magpikit-mata. Kapag hinayaan natin ang baluktot na sistema, lalo lamang masasadlak ang ating inang bayan sa utang, pang-aapi, pagbagsak ng ekonomiya, at patuloy na gutom at kahirapan ng mga pamilya.
Ngayon ang panahon para muling tumindig. Sama-sama nating isigaw na ang tao at ang bayan ay lumalaban. ✊🇵ðŸ‡
Captured by: Ceejay Bradecina