MENRO Angat

MENRO Angat

Share

This is the Municipality Environment and Natural Resources Office (MENRO) official page.

01/05/2026

𝟭 𝗗𝗔𝗬 𝗧𝗢 𝗚𝗢!

Are you ready? Join us for Kabataan para sa Kalikasan: A Youth Empowerment Webinar on Environmental Responsibility and Sustainability!

📅 April 30, 2026 (Thursday)
⏰ 9:00 AM – 12:00 NN
🖥️ Microsoft Teams

Hurry up and sign up here!

bit.ly/KabataanParaSaKalikasan2026
bit.ly/KabataanParaSaKalikasan2026
bit.ly/KabataanParaSaKalikasan2026

01/05/2026
Photos from EMB Central Luzon Region's post 06/04/2026

Hello, mga taga-Angat! Exciting news!
Permitting on Wheels is rolling into Marilao, Bulacan!

May mga tanong ba kayo tungkol sa environmental applications? O gusto niyo lang malaman ang aming mga serbisyo? Dito, makakakuha kayo ng sagot diretso mula sa mga eksperto.

Tara na sa gaganaping One Stop Shop at CEPA Caravan para sa hands on guidance at on site assistance.

📅 April 14, 2026 (Martes), 9 AM – 5 PM
📍 Diamond Hall, New Marilao Municipal Hall, Brgy. Patubig

📅 April 15, 2026 (Miyerkules), 9 AM – 5 PM
📍 Municipal Atrium, Brgy. Patubig

To confirm your attendance, kindly accomplish the form through this link:
https://bit.ly/POWConfirmationFormApril2026
https://bit.ly/POWConfirmationFormApril2026

Sama sama tayong kumilos para sa mas Luntian, malinis, at sustainable na kinabukasan. Kita kits, Taga Angat!


27/03/2026

Celebrating Earth Hour, 2026
Sumali sa milyun-milyong boses ngayong Earth Hour. Sama-sama tayong magbigay oras para sa Inang Kalikasan.
MARCH 28,2026
8:30 PM - 9:30 PM

Photos from MENRO Angat's post 21/03/2026

March 15, 2026
Barangay Santo Cristo , Angat, Bulacan

Matagumpay na nakapag sagawa ng IEC/SOBA TUNGKOL sa R.A 9003,

Binigyang diin sa nasabing aktibidad ang pagpapa akala na ISABUHAY NA ANG TAMANG PAMAMAHALA NG BASURA lalo na ang WASTE SEGREGATION.

Ipinaalala din na hindi na TATANGGAP ng mixed waste ang transfer station sa CENTRAL MRF .

Kaya’t tungkulin ng bawat mamamayan na pairalin ang disiplina sa tamang segregation upang makamit ang mas maayos at ligtas na kapaligiran.

Photos from MENRO Angat's post 21/03/2026

MARCH 15, 2026
BRGY. Marungko, Angat, Bulacan.

Kasabay ng pagsasagawa ng SOBA sa Marungko , ay nagsagawa din ng IEC/CEPA ang Tanggapan ng Menro Angat hinggil sa PINAIGTING na ADBOKASIYA sa WASTE SEGREGATION at wastong pamamahala sa Basura. Na nakapaloob sa R.A. 9003 Act of 2000.

Binigyang diin din na ang CENTRAL MRF ay Hindi na TATANGGAP ng MIXED waste . Kung makarating angGarbage Truck na may MIXED WASTE ay posibleng bumalik ito sa Brgy. MRF at doon isasagawa ng mga Brgy. Officials o mga kinatawan sa BRGY MRF ang paghihiwalay.

Kaya’t tungkulin ng bawat mamamayan na pairalin ang disiplina sa tamang segregation upang makamit ang mas maayos at ligtas na kapaligiran.

Photos from MENRO Angat's post 21/03/2026

Pagtibayin ang Tamang Segregation para sa Mas Malinis na Kinabukasan

Sa isinagawang IEC/CEPA hinggil sa R.A. 9003 Ecological Solid Waste Management Act of 2000, muling binigyang-diin ang kahalagahan ng tamang paghihiwalay ng basura bilang mahalagang hakbang sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng komunidad. Nitong Marso 15, 2026 sa Barangay Encanto, Angat, Bulacan kasabay ng isinagawang SOBA.

Paalala: Hindi na tatanggap ng mixed waste ang Transfer Station at Central MRF. Kaya’t tungkulin ng bawat mamamayan na pairalin ang disiplina sa tamang segregation upang makamit ang mas maayos at ligtas na kapaligiran.

Photos from MENRO Angat's post 21/03/2026

MARCH 7, 2026
Niugan Covered Court, Brgy. Niugan, Angat, Bulacan

Segregation: Responsibilidad ng Bawat Tahanan

Patuloy na isinusulong ang tamang waste segregation sa IEC/CEPA isinagawa hinggil sa R.A. 9003 Ecological Solid Waste Management Act of 2000 — kasabay ng SOBA sa Barangay Niugan.

Paalala: Hindi na tatanggap ng mixed waste ang Transfer Station at Central MRF.

Sama-sama nating pairalin ang disiplina sa paghihiwalay ng basura tungo sa mas malinis, maayos, at ligtas na kapaligiran!

Photos from MENRO Angat's post 21/03/2026

"Segregate Today, Save Tomorrow!”
Pinaigting ang adbokasiya sa tamang waste segregation sa isinagawang IEC/CEPA tungkol sa R.A. 9003 Ecological Solid Waste Management Act of 2000 — kasabay ng SOBA na isinagawa sa Paltok Covered Court, Paltok, Angat, Bulacan noong Marso 7, 2026.

Binigyang diin dito na hindi na tatanggap ng mixed waste ang Transfer Station ng Angat na located sa Binagbag.

Sama-sama nating isabuhay ang tamang paghihiwalay ng basura tungo sa mas malinis na komunidad!

22/01/2026

Upang mabigyang-daan ang gaganaping inagurasyon ng bagong Municipal Hall sa Brgy. San Roque, ipinaaalam po sa lahat na sa Lunes, ika-26 ng Enero 2026, ang mga tanggapan sa bagong munisipyo ay bukas lamang mula ika-8:00 ng umaga hanggang ika-12:00 ng tanghali.

Hinihikayat po namin ang lahat ng mamamayan na planuhin ang inyong mga transaksyon sa nasabing oras upang maiwasan ang abala. Ang maikling oras ng serbisyo ay pansamantala lamang upang masiguro ang maayos at matagumpay na pagdiriwang ng inagurasyon.

Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong pakikiisa at pang-unawa.

Want your business to be the top-listed Government Service in Bulacan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


Angat
Bulacan
3012