19/08/2026
𝐀𝐥𝐭𝐞𝐫𝐧𝐚𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐰𝐨𝐫𝐤 𝐚𝐫𝐫𝐚𝐧𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐚𝐭 𝐥𝐞𝐚𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐨𝐝𝐞𝐬 𝐬𝐚 𝐍𝐂𝐑 𝐚𝐭 𝟏𝟕 𝐩𝐫𝐨𝐛𝐢𝐧𝐬𝐲𝐚 𝐢𝐩𝐚𝐭𝐮𝐭𝐮𝐩𝐚𝐝 𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬, 𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟐𝟎
Sa Memorandum Circular No. 131 na nilagdaan ni Executive Secretary Ralph G. Recto, ipinag-utos ng Malacañang ang pagpapatupad ng naaangkop na alternative work arrangements sa mga tanggapan ng pamahalaan at alternative learning modes at learning continuity measures sa mga pampubliko at pribadong paaralan bukas, Agosto 20, bilang paghahanda sa inaasahang patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng habagat.
Ang hakbang ay alinsunod sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at dahil sa banta ng localized flooding at mga panganib sa paglalakbay dulot ng patuloy na pag-ulan.
Ipatutupad ang alternative work arrangements at alternative learning modes sa mga sumusunod na lugar:
* National Capital Region
* Abra
* Benguet
* Ilocos Norte
* Ilocos Sur
* La Union
* Pangasinan
* Bataan
* Bulacan
* Nueva Ecija
* Pampanga
* Tarlac
* Zambales
* Batangas
* Cavite
* Laguna
* Rizal
* Occidental Mindoro
Hindi sakop ng alternative work arrangements ang mga ahensyang may kinalaman sa pagbibigay ng basic at health services, paghahanda at pagtugon sa mga sakuna at kalamidad
Ang mga Contract of Service (COS) at Job Order (JO) workers na ilalagay sa alternative work arrangements ay patuloy na tatanggap ng kaukulang sahod o bayad, alinsunod sa umiiral na mga patakaran at regulasyon.
Ipinauubaya ng Malacanang sa mga Local Chief Executives ang kapangyarihang mag-pasiya kung kinakailangang suspendihin ang pasok sa mga lugar na kanilang nasasakupan na hindi napabilang sa memorandum circular.
Nasa diskresyon naman ng pamunuan ng pribadong sektor ang pagdeklara ng suspensyon sa trabaho.
Pinag-iingat ang lahat.