11th Sangguniang Bayan ng Bulakan

11th Sangguniang Bayan ng Bulakan

Share

This will serve as the official page of Sangguniang Bayan ng Bulakan for the year 2022-2025.

10/06/2025

Ang Municipal Ordinance No. 2024-396 ng Sangguniang Bayan ng Bulakan na may pamagat na “Barangay Tanod Excellence Award Ordinance” ay aprubado na ng Sangguniang Panlalawigan!

Isinulong ni Hon. Christopher Aron Del Rosario, ang Ordinansang ito ay pagkilala sa sakripisyo at dedikasyon ng ating mga Barangay Tanod sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa Barangay.

✌️

Photos from 11th Sangguniang Bayan ng Bulakan's post 22/04/2025

Nagbigay-pugay ang 11th Sangguniang Bayan ng Bulakan sa pangunguna ng inyong lingkod, Vice Mayor Igg. Atty. Aika Sanchez sa isang huwarang lingkod-bayan.
Isang Luksang Parangal para kay Tatay Vice Igg. Alberto “Berting” Bituin — dating Konsehal at Pangalawang Punong Bayan.

Isang buhay na inalay para sa kapakanan ng mamamayan.
Pugay at pasasalamat, Tatay Vice Berting.

17/04/2025

🕯️ Paggunita at Pagpupugay 🕊️

Isang lingkod-bayan ang pumanaw—Hon. Alberto “Berting” Bituin, dating Bise Alkalde ng ating Bayan. Salamat sa kanyang tapat at buong pusong paglilingkod para sa ating minamahal na Bulakan, Bulacan.

Lubos ang pakikiramay ng inyong lingkod Vice Mayor Atty. Aika Sanchez at ng buong Ika-11 Sangguniang Bayan ng Bulakan sa naiwang pamilya, kaibigan, at mga mahal sa buhay.

Hindi malilimutan ang kanyang ambag at dedikasyon. Paalam, Tatay Vice Berting. 🙏

Photos from 11th Sangguniang Bayan ng Bulakan's post 10/03/2025

Matagumpay na naisagawa ang Ika-140 na Regular Session ng 11th Sangguniang Bayan ng Bulakan!

Sa pangunguna ng inyong lingkod, Best Vice Atty. Aika Sanchez, at ng buong 11th Sangguniang Bayan, matagumpay nating naidaos ang 140th Regular Session ngayong araw. Patuloy tayong gumagawa ng mahahalagang resolusyon at ordinansa na magpapalakas sa kaunlaran at progreso ng Binagong Bulakan!

Nakibahagi rin sa ating sesyon ngayong araw ang ilang mga propesor mula sa Bulacan State University Meneses Campus, sa pangunguna ng BulSU Meneses Campus Faculty researchers na sina Dr. Avegail T. Paez, Maureen C. Paiton at Leila M. Valero, upang ipresenta ang resulta ng kanilang pananaliksik sa Sangguniang Bayan. Atin din pong pinasasalamatan ang presensya ng kanilang Dekana, Dean Marita R. Parobrob na kanilang kasama kanina. Ang inyong lingkod kasama ang ating Working Mayor, Vergel C. Meneses ay lubos na pinahahalagahan ang ganitong uri ng pag-aaral, dahil sa pamamagitan nito, masusing napag-aaralan ang mahahalagang datos at nagkakaroon ng makabuluhang diskusyon upang maisulong ang mga nararapat na aksyon para sa ating bayan. Maraming salamat sa inyong mahalagang ambag!




08/03/2025

Akay natin ang Isa't -isa. ✌❤

Happy weekend mga mahal kong Bulakenyos!




Photos from Aika Sanchez's post 06/03/2025

Handog na Trabaho para sa Bulakenyo! Local Recruitment Activity of Best Vice Atty. Aika Sanchez in Partnership with Coverdesk PH and in collaboration of PESO Bulakan.

Ang inyo pong lingkod Best Vice Atty. Aika Sanchez kasama ang ating Working Mayor, Vergel C. Meneses ay lubos na naniniwala sa kahalagahan ng pagbibigay ng oportunidad sa ating mga kababayan, taus-pusong pasasalamat sa lahat ng lumahok at nagnanais magkaroon ng mas magandang kinabukasan.

Naniniwala po tayo na ang pagkakaroon ng maayos at disenteng trabaho ay isang malaking hakbang tungo sa pag-unlad ng bawat pamilya at ng buong bayan ng Bulakan. Sa pamamagitan ng Local Recruitment Activity na ito, hindi lang po natin binibigyan ng pag-asa ang ating mga job seekers, kundi pinapatunayan din natin na ang ating pamahalaan ay patuloy na kumikilos para sa kapakanan ng bawat Bulakenyo.

Narito ang photo highlights ng ating matagumpay na event! 📸




Photos from 11th Sangguniang Bayan ng Bulakan's post 05/03/2025

Matagumpay ang Ika-140 na Regular Session ng 11th Sangguniang Bayan ng Bulakan!

Noong nakaraang Lunes, matagumpay nating naisagawa ang 140th Regular Session sa pangunguna ng inyong lingkod, Best Vice Atty. Aika Sanchez, kasama ang 11th Sangguniang Bayan. Patuloy tayong nagsusulong ng mahahalagang resolusyon at ordinansa na magdadala ng mas maunlad at mas progresibong Binagong Bulakan!




03/03/2025

HAPPY WOMEN'S MONTH, BULAKENYAS!

Ang inyo pong lingkod bilang inyo pong pangalawang Punong Bayan ay lagi ninyong kasama sa pagsusulong ng ating mga karapatan, Kasama n’yo po ako sa mga programang patuloy na mag-aangat at magpapalakas sa ating mga kababaihan.

MABUHAY TAYONG MGA BULAKENYA.
MABUHAY TAYONG MGA KABABAIHAN.

- Best Vice Atty, Aika Sanchez




Photos from 11th Sangguniang Bayan ng Bulakan's post 26/02/2025

Magandang gabi, mga kababayan!

Dumalo po ang inyong lingkod, Best Vice Atty. Aika Sanchez, sa Vice Mayor's League of the Philippines 1st Quarter 2025 - Regular National Executive Board Meeting na ginanap sa Century Park Hotel noong Pebrero 24-26, 2025.

Patuloy nating isinusulong ang mas epektibong pamamahala at mas makabuluhang paglilingkod sa ating mga kababayan. Sama-sama tayong kumikilos para sa mas maunlad at progresibong lokal na pamahalaan!




22/02/2025
Photos from 11th Sangguniang Bayan ng Bulakan's post 19/02/2025

Matagumpay ang Ika-138 na Regular Session ng 11th Sangguniang Bayan ng Bulakan!

Noong nakaraang Lunes, matagumpay nating naisagawa ang 138th Regular Session sa pangunguna ng inyong lingkod, Best Vice Atty. Aika Sanchez, kasama ang 11th Sangguniang Bayan. Patuloy nating isinusulong ang mahahalagang resolusyon at ordinansa para sa ikauunlad ng ating bayan.

Naganap din ang isang courtesy call ni PLTCOL Norman Gatcho, ang bagong Hepe ng Pulis Bulakan. Malugod natin siyang tinanggap bilang katuwang sa pagpapanatili ng kaayusan, kapayapaan, at seguridad sa ating bayan.




Want your business to be the top-listed Government Service in Bulacan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Camino Real Street Brgy. San Jose
Bulacan
3017