Barangay Bagong Buhay III - CSJDM, Bulacan

Barangay Bagong Buhay III - CSJDM, Bulacan

Share

This is the official page of Brgy Bagong Buhay III CSJDM, Bulacan

02/06/2026

BASAHIN

Double win para sa mga San Joseño! Bigo ang Primewater na pigilan ang City Government ng San Jose del Monte sa mga gagawing hakbang upang maisaayos ang sitwasyon ng tubig sa Lungsod matapos paboran ng dalawang magkaibang korte ang interes ng publiko na ipinaglalaban ni Mayor Ate Rida Robes. Nauna nang ibinasura ng Regional Trial Court - Bulacan ang isinampang Temporary Restraining Order (TRO) petition ng PrimeWater laban sa pansamantalang pangangasiwa ng City Government ng San Jose del Monte sa operasyon ng tubig. Ngayon naman, nagdesisyon din ang RTC - Las Piñas pabor din sa LGU.

Ayon sa mga desisyon ng mga korte sa Bulacan at Las Piñas, higit na mahalaga ang pagtugon sa krisis sa suplay ng tubig na nararanasan ng libu-libong San Joseño kaysa sa Joint Venture Agreement ng Primewater at ng San Jose del Monte Water District.


02/06/2026

Congratulations passer 🥳✊🏻

🎉 🎉🎉 Congratulations to our ALS Elementary and Junior High School learners for successfully passing the Accreditation and Equivalency (A&E) Test! 🎉

Your hard work, determination, and perseverance have finally paid off. Every challenge you faced became a stepping stone toward this remarkable achievement. Today, we celebrate not only your success but also your courage to pursue education and never give up on your dreams.

May this milestone inspire you to continue reaching greater heights and embracing new opportunities ahead. ❤️💚💙

02/06/2026

Pasukan na! Handa ka na ba?

Sa pagbubukas ng School Year 2026-2027, tatlong term na lang ang magiging Sistema ng school calendar sa basic education. Ayon yan sa DepEd Order No. 009 s. 2026.

Ano kaya ang kaibahan nito sa dati at ano ang mga magiging epekto nito sa mga mag-aaral at ating mga g**o? Yan ang Dapat Alam Mo, San Joseño!







02/06/2026

PANOORIN

Pinaboran ng Regional Trial Court Bulacan ang Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte laban sa mga inihaing kaso ng Primewater Infrastructure Corporation laban sa LGU. Kasama na sa mga nabasura ang sinasabi ng kumpanya na nagdulot sa kanila ng pinsalang pinansyal.

📹 DZMM


26/05/2026

ICYMI


EID'L ADHA (FEAST OF SACRIFICE)
MAY 27
REGULAR HOLIDAY

Bilang paggunita sa Eid'l Adha, idineklara ng Malacañan Palace sa pamamagitan ng Proclamation No. 1264 s. 2026 na Regular Holiday ang Miyerkules, May 27, 2026.

SOURCE: https://www.facebook.com/share/p/17gBFQiLHF/



26/05/2026

Magandang Buhay po! 📚✏️🎒

MABUTING BALITA PARA SA MGA MAGULANG SA BARANGAY Barangay Bagong Buhay III - CSJDM, Bulacan

Sa pangunguna nina Kapitana Helen Batuigas at Kap Mario Batuigas, magkakaroon po ng pamimigay ng school supplies para makatulong sa paghahanda ng mga bata sa pagpasok sa paaralan.

🎁 Mga ipapamigay:
✔️ Notebook
✔️ Papel
✔️ Lapis
✔️ Crayons

👧👦 Para sa mga mag-aaral na:
• Kinder
• Grade 1
• Grade 2
• Grade 3

Kung ang inyong anak ay kulang pa sa school supplies, mag-register lamang po sa designated link per grade level sa ibaba upang maisama sa listahan ng mga mabibigyan.

Para sa mga mag-aaral mula Kinder, Grade 1 & Grade 2
https://forms.gle/xsM7YJnp91R38jef7
https://forms.gle/xsM7YJnp91R38jef7
https://forms.gle/xsM7YJnp91R38jef7

Para sa mga mag-aaral mula Grade 3
https://forms.gle/5B2zrc2VG2qa6C1t8
https://forms.gle/5B2zrc2VG2qa6C1t8
https://forms.gle/5B2zrc2VG2qa6C1t8

⏳ First Come, First Serve po!

Limitado lamang po ang bilang kaya magpalista na agad.
Maraming salamat po!



19/05/2026

PABATID SA PUBLIKO!

Inaabisuhan po ang lahat ng mga magulang at residente ng Barangay Bagong Buhay III na magkakaroon po ng Vaccination for Infants at Bunot ng ngipin (Tooth Extraction) sa mga nagnanais magpabunot ng ngipin ang anesthesia ay may kaukulang bayad, magtungo lamang sa itinakdang araw at oras.

Ito ay gaganapin sa darating na Miyerkules, May 20, 2026 | 8:00 ng umaga sa Barangay Health Station.




18/05/2026
17/05/2026

PABATID mula sa COMELEC-San Jose del Monte City, Bulacan, Region III

Para sa mga hindi pa rehistradong botante na samantalahin ang huling araw ng Voter Registration ngayong May 18, 2026 (Lunes).

Huling Araw ng Registration: May 18, 2026
Venue: Basement 2, SM City San Jose Del Monte
Oras: 8:00 AM – 5:00 PM

Paalala rin na pansamantalang suspendido ang pag-iisyu ng Voter’s Certification.

Makilahok at gamitin ang iyong karapatang bumoto. Magparehistro na!





17/05/2026

BASAHIN

Naglabas ng El Niño Alert ang Department of Agriculture (DA) batay sa pinakahuling projection ng DOST-PAGASA na may 79% na posibilidad na maranasan ang El Niño mula Hunyo hanggang Agosto 2026 at maaaring tumagal hanggang unang bahagi ng 2027.

Ayon sa DA, inaasahang magdudulot ang El Niño ng matinding init, kakulangan sa ulan, tagtuyot, at posibleng epekto sa sektor ng agrikultura at pangingisda tulad ng pagbaba ng produksyon, pagtaas ng presyo ng mga bilihin, at pagkawala ng kita ng mga magsasaka at mangingisda.

Kaugnay nito, hinihikayat ng DA ang mga magsasaka at mangingisda na magsagawa ng mga hakbang tulad ng pagtitipid sa tubig, paggamit ng drought-resistant seeds, wastong pangangalaga sa mga alagang hayop at palaisdaan, at pagkuha ng insurance mula sa PCIC upang mabawasan ang posibleng pinsala at pagkalugi.

Patuloy namang nagsasagawa ng paghahanda at koordinasyon ang Department of Agriculture kasama ang iba’t ibang ahensya upang mabantayan at matugunan ang mga posibleng epekto ng El Niño.

Samantala, nakahanda rin ang Pamahalaang Lungsod sa pagpapatupad ng mga kaukulang hakbang at tulong para sa mga residenteng maaaring lubos na maapektuhan ng inaasahang El Niño sa mga susunod na buwan hanggang sa unang bahagi ng susunod na taon.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang website ng DA at ang Official page ng Department of Agriculture – DRRM Operations Center.


Want your business to be the top-listed Government Service in Bulacan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


BRGY BAGONG BUHAY III
Bulacan
3023

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm