28/09/2026
๐ต๐ญ PAGPUPUGAY SA ika-150 TAONG ANIBERSARYO NG KAPANGANAKAN NI HENERAL ANACLETO โMatanglawinโ ENRIQUEZ
Ang Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas (NHCP) at Pamahalaang Bayan ng Bulakan, sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, ay nakiisa sa pagdiriwang ng Ika-150 Anibersaryo ng Kapanganakan ni Heneral Anacleto Enriquez, na may temang:
โSulyap kay Matanglawin: Pagpupugay sa 150 Taong Kabayanihan ni Anacleto Enriquezโ
๐ San Francisco, Bulakan, Bulacan
๐
25 Setyembre 2026 | Biyernes
๐ 8:00 N.U.
Sinimulan ang paggunita sa pag-aalay ng bulaklak, na pinangunahan nina Dir. Carminda R. Arevalo, Kgg. Daniel R. Fernando na kinatawan ni G. James Santos, at Kgg. Vergel C. Meneses.
Sinundan ito ng isang panalangin na pinangunahan ni Rev. Msgr. Javer M. Joaquin, Rektor at Kura Paroko ng Pandiyosesis na Dambana at Parokya ng Nuestra Seรฑora de la Asuncion.
Nagbigay naman ng Bating Pagtanggap si Kgg. Veronica Michaela V. Meneses, Kasangguni ng Sangguniang Bayan ng Bulakan at Tagapangulo ng Komite sa Kasaysayan, Sining, Kultura at Turismo.
Naghatid ng Mensahe ng Pakikiisa si G. James Santos, bilang kinatawan ni Punong Lalawigan Kgg. Daniel R. Fernando, na sinundan ng mensahe ni Dir. Carminda R. Arevalo, Patnugot Tagapagpaganap ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.
Samantala, bilang Panauhing Pandangal, nagbigay ng mensahe si Punong Bayan Kgg. Vergel C. Meneses, na sinundan ng Mensahe ng Pagtugon mula sa kaanak ni Anacleto Enriquez na si Kgg. Vicente โTitoโ Enriquez, dating Punong Bayan ng Bulakan.
Sa pamamagitan ng paggunita, muling binigyang-halaga ang kabayanihan, buhay at ambag ni Heneral Anacleto Enriquezโisang mahalagang bahagi ng makulay na kasaysayan ng Bulakan at ng ating bayan.
Mabuhay ang ating kasaysayan!
Mabuhay ang kabayanihan ng mga Bulakenyo!
G**o ng Palatuntunan:
Gng. Emerlyn L. Salvador
ctto: BULAKAN MIO