City of San Jose Del Monte Barangay Graceville

City of San Jose Del Monte Barangay Graceville

Share

This is the official page of Brgy. Graceville

Photos from City of San Jose Del Monte Barangay Graceville's post 04/06/2026

-TINGNAN-

Sa pamumuno ni Kap. Len Garcia, matagumpay na isinagawa ang ika-11 Regular na Pagpupulong ng Sangguniang Barangay ng Graceville.

Sa pagpupulong, tinalakay ang iba't ibang mahahalagang usapin ng barangay at nagbigay ng ulat ang mga kagawad kaugnay ng mga programang saklaw ng kani-kanilang komite.

Nagkaroon din ng presentasyon ang ilang residente ng Graceville tungkol sa isang sistemang kanilang binuo na maaaring makatulong sa pagpapabuti at pagpapabilis ng mga serbisyong ipinagkakaloob ng barangay sa araw-araw.

Patuloy ang Pamahalaang Barangay Graceville sa pagsusulong ng mga makabagong inisyatiba para sa mas mahusay at mabuting paglilingkod sa mamamayan.





̃o

04/06/2026

11th Regular Session
June 4, 2026

03/06/2026

📢 BARANGAY LOCAL RECRUITMENT ACTIVITY 📢
Magandang araw, mga ka-Barangay Graceville!

Inaanyayahan po ang lahat ng naghahanap ng trabaho na dumalo sa Barangay Local Recruitment Activity na gaganapin sa:

📅 Petsa: Hunyo 5, 2026 (Biyernes)
⏰ Oras: 8:00 AM – 3:00 PM
📍 Lugar: Graceville Eco-Park, Barangay Graceville, CSJDM, Bulacan

Mga Bakanteng Posisyon:
✅ Sort/Pack – 100 Male / 100 Female
✅ Backroom Staff (Inbound) – 100 Male / 100 Female
✅ Backroom Staff (Outbound) – 100 Male / 100 Female

Sa pakikipagtulungan ng PESO CSJDM at Staffluence Resources, Inc., ito ay isang magandang pagkakataon upang makahanap ng trabaho at magkaroon ng mas maayos na kabuhayan.

📌 Paalala: Magdala ng updated résumé o biodata, valid ID, at iba pang kinakailangang dokumento para sa mas mabilis na aplikasyon.

Huwag palampasin ang pagkakataong ito! Tara na at samantalahin ang mga oportunidad na naghihintay sa inyo.





̃o

Photos from City of San Jose Del Monte Barangay Graceville's post 03/06/2026

-TINGNAN-

Tagumpay ang isinagawang Community Based Training ng Public Employment Service Office (PESO) na “Soap Making” ngayong ika-3 ng Hunyo 2026 sa Graceville Eco-Park.

Dinaluhan ito ni Kap Len Garcia kasama ang miyembro ng Sangguniang Barangay, ALS Learners, mga kinatawan ng Homeowners Association (HOA), Overseas Filipino Workers (OFW) at iba pang residente ng barangay.

Layunin ng pagsasanay na ito na makapaghatid ng karagdagang kaalaman at kasanayan sa paggawa ng sabon na maaaring magsilbing alternatibong pagkakakitaan o maging panimulang kabuhayan para sa mga kalahok.

Patuloy ang suporta ng Pamahalaang Barangay Graceville sa mga programang naglalayong mapalawak ang kaalaman at mapabuti ang kabuhayan ng bawat mamamayan.





̃o

Photos from City of San Jose Del Monte Barangay Graceville's post 03/06/2026

-TINGNAN-

Ngayong ika-3 ng Hunyo 2026 dumulog ang ilang residente ng Zone 2 National Road sa tanggapan ni Punong Barangay Len Garcia upang humingi ng payo hinggil sa kanilang usapin sa lupa.

Pinakinggan ni Kap Len Garcia ang kanilang hinaing at katanungan at nagbigay ng paunang gabay ukol sa mga wastong hakbang na maaaring gawin alinsunod sa umiiral na batas at proseso.

Patuloy na bukas ang tanggapan ng Pamahalaang Barangay Graceville upang magbigay ng serbisyo, gabay, at tulong sa mga mamamayan sa abot ng makakaya nito.





̃o

03/06/2026

CONGRATULATIONS!

Malugod na binabati ng Pamahalaang Barangay Graceville, sa pangunguna ni Kap. Len Garcia, ang ating masipag at dedikadong SK Kagawad Mark Kristian Valerio sa matagumpay na pagpasa sa Certified Public Accountant (CPA) Licensure Examination.

Ang iyong tagumpay ay bunga ng sipag, tiyaga, dedikasyon, at pananampalataya. Isa kang inspirasyon sa kabataan at sa buong komunidad ng Graceville na patuloy na mangarap at magsikap upang makamit ang kanilang mga mithiin sa buhay. Nawa'y magsilbi itong panibagong hakbang tungo sa mas marami pang tagumpay at pagkakataong makapaglingkod sa ating pamayanan at sa bansa. Muli, taos-pusong pagbati sa iyong tagumpay!




̃o

03/06/2026

Community Based Training
Soap Making
June 3, 2026

Photos from City of San Jose Del Monte Barangay Graceville's post 02/06/2026

-TINGNAN-

Tagumpay na isinagawa ang pagpapasinaya ng bagong Alternative Learning System (ALS) Building at Lupon Office sa Barangay Graceville ngayong ika-2 ng Hunyo 2026 sa pangunguna ni Kap Len Garcia at ng mga miyembro ng Sangguniang Barangay.

Dinaluhan ang nasabing programa ng mga ALS learners kasama ang kanilang Mobile Teacher na si G. Sherwin Rojas, gayundin ng mga mag-aaral at g**o mula sa Graceville Elementary School at Graceville National High School.

Naging bahagi rin ng makabuluhang okasyon ang mga panauhing pandangal at saksi sa aktibidad na sina Schools Division Superintendent Dr. Leonardo C. Canlas, EdD, CESO VI; ALS Supervisor G. Senen B. Jane; G. Froilan V. Herrera DALSC at ang Punong Lungsod ng San Jose del Monte, Mayor Florida P. Robes.

Kasabay ng pagpapasinaya ay nagsagawa rin ang Pamahalaang Barangay Graceville ng pamamahagi ng mga cleaning materials bilang suporta sa Brigada Eskwela, gayundin ng mga school supplies para sa mga mag-aaral ng ALS, 10 Child Development Center, Graceville Elementary School, at Graceville National High School.

Ang proyektong ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Barangay Graceville na mapalawak ang access sa dekalidad na edukasyon at mapalakas ang suporta sa mga mag-aaral at paaralan sa komunidad.





̃o

02/06/2026

Blessing of ALS Building and School Supplies Distribution
JUNE 2, 2026

Want your business to be the top-listed Government Service in Bulacan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Blk 6 Lot 4 Graceville Avenue Graceville II Subd. Brgy. Graceville, CSJDM
Bulacan
3023

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 12pm