Sangguniang Kabataan ng Sumapang Bata

Directions Contact the organization

Sangguniang Kabataan ng Sumapang Bata Sangguniang Kabataan na may hangaring bigyan ng sigla at kulay ang kinabukasan ng bawat Kabataan

🎉🏀 OPENING CEREMONY NA! 🏀🎉Handog ng Sangguniang Kabataan ng Sumapang Bata, narito na ang pinakahihintay na pagbubukas ng...
04/03/2026

🎉🏀 OPENING CEREMONY NA! 🏀🎉

Handog ng Sangguniang Kabataan ng Sumapang Bata, narito na ang pinakahihintay na pagbubukas ng

🏆 SK SUMAPANG BATA SUMMER BASKETBALL LEAGUE 2026 🏆

📅 Marso 22, 2026

🎊 PARADE OF TEAMS
🕓 Magsisimula sa ganap na ika-4 ng hapon
📍 Mula Purok Uno, patungong bilmitan papuntang Purok 6 at babalik sa Sumapang Bata Basketball Court

At sa ganap na 🕕 ika-6 ng gabi, susundan ito ng:
✨ Pormal na Opening Program
✨ Pagpapakilala ng mga Koponan at kanilang mga Muse
✨ Mga Presentasyon
✨ At opisyal na pagbubukas ng liga

Inaanyayahan ang buong Barangay na makiisa at makisaya sa makulay at masiglang pagsisimula ng ating Summer League! Sama-sama nating suportahan ang ating mga kabataang manlalaro. 💙

Kita-kits, Sumapang Bata! 🔥🏀




🏀🔥 SK SUMAPANG BATA SUMMER BASKETBALL LEAGUE 2026 🔥🏀Handa na ba ang lahat? Oras na para ipakita ang husay, disiplina, at...
26/02/2026

🏀🔥 SK SUMAPANG BATA SUMMER BASKETBALL LEAGUE 2026 🔥🏀
Handa na ba ang lahat? Oras na para ipakita ang husay, disiplina, at tunay na sportsmanship ng mga taga-Sumapang Bata! 💪

Narito ang mga TEAM DIVISIONS:

🏀 Bunso – 8 to 10 years old
🏀 Sangko – 11 to 14 years old
🏀 Diko – 15 to 18 years old
🏀 Kuya – 19 to 30 years old
🏀 Senior – 31 years old & above

📌 MAXIMUM OF 12 PLAYERS PER TEAM

━━━━━━━━━━━━━━━━━━
📢 PAALALA SA MGA NAGNANAIS SUMALI

Ang mga maaaring sumali ay:

✔️ Rehistrado at kabilang sa opisyal na talaan (census) ng Barangay Sumapang Bata
✔️ Rehistradong botante ng Barangay Sumapang Bata

Layunin ng patakarang ito na masiguro na ang liga ay para sa mga lehitimong residente ng ating barangay.

━━━━━━━━━━━━━━━━━━
📝 REQUIREMENTS

🔹 17 YEARS OLD & BELOW
• Parent’s Consent Form (mula sa SK Sumapang Bata)
• Photocopy ng valid ID ng magulang (Nanay o Tatay lamang) na may address sa Barangay Sumapang Bata
• Team Gallery Form (mula sa SK Sumapang Bata)
• Isang (1) pirasong Formal 2x2 ID Picture
• Photocopy ng valid ID o School ID na may address sa Barangay Sumapang Bata
• Original and Photocopy of PSA

🔹 18 YEARS OLD & ABOVE
• Voter’s Certificate (para sa kwalipikadong botante)
• Team Gallery Form (mula sa SK Sumapang Bata)
• Isang (1) pirasong Formal 2x2 ID Picture
• Photocopy ng valid ID na may address sa Barangay Sumapang Bata
• Original and Photocopy of PSA

━━━━━━━━━━━━━━━━━━
📅 DATES TO REMEMBER
📍 Lahat ng aktibidad ay gaganapin sa SK Office | 1:00 PM onwards

🗓 February 28 (Saturday)
Claiming of Registration Forms, Waiver & Parent Consent

🗓 March 1–8, 2026 ONLY
Submission of Complete Requirements
⚠️ No extension.

🗓 March 14–15, 2026
Team Photoshoot

📢🏀 DAGDAG PAALALA 🏀📢

Upang mapanatili ang kaayusan at propesyonal na daloy ng ating liga, mahigpit na ipatutupad ang mga sumusunod:

👕 NO JERSEY, NO PLAY
✔️ Kinakailangang naka-official team jersey ang bawat manlalaro tuwing laro.
✔️ Hindi papayagang makalaro ang sinumang walang tamang uniporme.

🎨 UNIFORM COLOR POLICY
✔️ Bawat team sa bawat division ay kinakailangang may sariling kulay ng jersey.
✔️ Hindi maaaring magkapareho o magkahawig ang kulay ng jersey ng mga team sa parehong division.
✔️ First come, first reserve basis sa pagpili ng kulay.

Ang mga patakarang ito ay upang maiwasan ang kalituhan sa laro at mapanatili ang maayos at organisadong kompetisyon.

🎉 Opening Ceremony – TBA

━━━━━━━━━━━━━━━━━━

Ito ay hindi lamang isang liga, kundi isang pagkakataon upang palakasin ang pagkakaisa, disiplina, at samahan ng bawat kabataan at residente ng Sumapang Bata.

Makilahok. Makisaya. Makipagtagisan.
🏀 Laro na, Sumapang Bata! 💛💙

🏀🔥 SK Sumapang Bata Summer Basketball League 🔥🏀📢 ABANGAN!Handa na ba ang lahat para sa pinaka-aabangang liga ng tag-init...
22/02/2026

🏀🔥 SK Sumapang Bata Summer Basketball League 🔥🏀
📢 ABANGAN!

Handa na ba ang lahat para sa pinaka-aabangang liga ng tag-init? 💪🌞
Ipinagmamalaki ng Sangguniang Kabataan ng Sumapang Bata ang pagbabalik ng ating Summer Basketball League ngayong:

🗓 MARCH 2026

Sama-sama nating buhayin ang diwa ng sportsmanship, pagkakaisa, at husay ng kabataang Sumapang Bata! 🏆✨

📌 Mga detalye tulad ng registration, mechanics at iba pang detalye ay iaanunsyo sa mga susunod na araw.

Kaya’t ihanda na ang inyong mga koponan at siguraduhing updated sa aming page!




🏀🔥 MCDN INTER-BASKETBALL LEAGUE 2026 TRYOUTS 🔥🏀Handa na ba kayong ipakita ang inyong galing sa court? Ito na ang pagkaka...
22/02/2026

🏀🔥 MCDN INTER-BASKETBALL LEAGUE 2026 TRYOUTS 🔥🏀

Handa na ba kayong ipakita ang inyong galing sa court? Ito na ang pagkakataon para maging bahagi ng pinakaabangang liga ngayong 2026! 💪🏽🏆

📅 Petsa: Ika-7 ng Marso 2026
⏰ Oras: 6:00 ng gabi
📍 Venue: Sumapang Bata Basketball Court

📌 Mga Kategorya:

👶 BUNSO Division
(2014 – 2016)

🧒 SANGKO Division
(2011 – 2013)

🏀 DIKO Division
(2008 – 2010)

📢 PAALALA:
Para sa mga mapipili, mangyaring ihanda ang mga sumusunod na requirements:

✅ Parent Consent (para sa Bunso Division) na Manggagaling sa aming Tanggapan
✅ Voter’s Certificate (para sa Sangko at Diko Division)
✅ Team Gallery
✅2x2 Formal Picture

Siguraduhing kumpleto ang mga dokumento upang maging opisyal na kalahok sa liga.

Kita-kits sa court! 🔥🏀




📢 P A B A T I D | SATELLITE VOTER REGISTRATIONInaanyayahan po ang lahat ng karapat-dapat na mamamayan, lalo na ang ating...
07/01/2026

📢 P A B A T I D | SATELLITE VOTER REGISTRATION

Inaanyayahan po ang lahat ng karapat-dapat na mamamayan, lalo na ang ating mga kabataang botante, na makiisa at lumahok sa gaganaping Satellite Voter Registration na layong gawing mas madali at mas malapit sa komunidad ang proseso ng pagpaparehistro bilang botante.

📍 Venue: Multipurpose Hall
📅 Petsa: January 17, 2026 (Saturday)
⏰ Oras: 8:00 AM – 5:00 PM

📌 Saklaw ng Serbisyo:
✔️ New Voter Registration
✔️ Reactivation ng mga deactivated voters
✔️ Correction of Entries (pangalan, petsa ng kapanganakan, atbp.)
✔️ Transfer of Registration (paglipat ng presinto o lugar)

📣 Paalala:
• Magdala ng valid ID o anumang dokumentong maaaring patunay ng pagkakakilanlan.
• Siguraduhing tama at kumpleto ang inyong mga impormasyong ibibigay.
• Ang pagpaparehistro ay LIBRE at bukas para sa lahat ng kwalipikadong botante.

💬 Mahalaga ang inyong boses!
Ang pagboto ay isang karapatan at tungkulin ng bawat mamamayan. Makiisa at tiyaking ikaw ay rehistradong botante upang maging bahagi ng mga desisyong huhubog sa kinabukasan ng ating komunidad at bansa.

👉 Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa inyong Sangguniang Kabataan ng Sumapang Bata.




🇵🇭

🎄✨ TAGUMPAY NA NAISAGAWA! ✨🎄Matagumpay na naisakatuparan ang Katipunan ng Kabataan (KK) Assembly at PaSKuhan ng Sumapang...
25/12/2025

🎄✨ TAGUMPAY NA NAISAGAWA! ✨🎄

Matagumpay na naisakatuparan ang Katipunan ng Kabataan (KK) Assembly at PaSKuhan ng Sumapang Bata noong ika-22 ng Disyembre, na dinaluhan ng masigla at nagkakaisang kabataan ng ating barangay.

Ang nasabing gawain ay naging daan upang mapalalim ang kamalayan ng kabataan sa mga programa at proyekto ng Sangguniang Kabataan, gayundin ang pagbabahagi ng saya, pagkakaisa, at diwa ng Pasko sa pamamagitan ng iba’t ibang palaro, aktibidad, at munting handog. 🎁🎉

Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng kabataang nakiisa, sa mga opisyales ng Barangay, at sa mga taong tumulong upang maging matagumpay ang aktibidad na ito. Ang inyong suporta at pakikiisa ang patunay na buhay na buhay ang diwa ng bayanihan sa Sumapang Bata. 🤝💙

Patuloy nating palakasin ang boses at pagkakaisa ng kabataan tungo sa isang mas aktibo, responsable, at makabuluhang komunidad.

Mula sa Sangguniang Kabataan ng Sumapang Bata
💚✨





SANGGUNIANG KABATAAN YEAR-END ASSESSMENTDECEMBER 22, 2025 | 7:00 PMMagandang araw, mga Kapwa-Barangay!Malugod pong ipina...
04/12/2025

SANGGUNIANG KABATAAN YEAR-END ASSESSMENT
DECEMBER 22, 2025 | 7:00 PM

Magandang araw, mga Kapwa-Barangay!

Malugod pong ipinababatid ng Sangguniang Kabataan ng Sumapang Bata ang gaganaping Year-End Assessment at Christmas Thanksgiving Celebration bilang pasasalamat at pagbabalik-tanaw sa mga nagdaang proyekto at pagtutulungan ng ating komunidad.

Inaanyayahan po namin ang lahat ng mamamayan—anumang edad—na makisaya at makiisa sa masayang pagtitipong ito na puno ng iba’t ibang laro, masasayang aktibidad, at papremyo na siguradong ikaliligaya ng lahat.

Bilang handog ng SK, magkakaroon din po ng pamamahagi ng mga laruan para sa mga batang edad 10 pababa bilang maliit na regalo ngayong Kapaskuhan.

📅 Petsa: December 22, 2025
⏰ Oras: Pagkatapos ng Simbang Gabi, sa ganap na ika-7 ng gabi
📍 Lugar: Sumapang Bata Court

Tara na’t magsama-sama, magdiwang, at magpasalamat!
Merry Christmas and Happy New Year, Sumapang Bata! 🎄✨

𝐊𝐀𝐓𝐈𝐏𝐔𝐍𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍 𝐀𝐒𝐒𝐄𝐌𝐁𝐋𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟓𝐃𝐞𝐜𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟐𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟓 | 𝟐:𝟎𝟎 𝐏𝐌📣 Inaanyayahan ang lahat ng kabataan ng Barangay Sumapang ...
04/12/2025

𝐊𝐀𝐓𝐈𝐏𝐔𝐍𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍 𝐀𝐒𝐒𝐄𝐌𝐁𝐋𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟓
𝐃𝐞𝐜𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟐𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟓 | 𝟐:𝟎𝟎 𝐏𝐌

📣 Inaanyayahan ang lahat ng kabataan ng Barangay Sumapang Bata na dumalo sa taunang Katipunan ng Kabataan (KK) Assembly para sa Fiscal Year 2025.

Ito ay isang mahalagang pagtitipon kung saan ilalahad ng Sangguniang Kabataan ang mga nagawa, plano, at mga programang nakalaan para sa kapakanan ng ating kabataan. Hinihikayat ang lahat na makiisa, makinig, at maging bahagi ng paghubog ng mas maunlad na komunidad.

🎉 Tema: “Kabataang Nagkakaisa: Kaagapay sa Patuloy na Pag-unlad ng Barangay.”

📍 Lugar: Sumapang Bata Basketball Court
🗓 Petsa: December 22, 2025 Lunes
⏰ Oras: 2:00 PM

Sama-sama nating palakasin ang boses ng kabataan!

Buwan ng Values at Reading Month 2025 📚✨Ngayong Buwan ng Nobyembre, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Values at Reading ...
27/11/2025

Buwan ng Values at Reading Month 2025 📚✨

Ngayong Buwan ng Nobyembre, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Values at Reading Month na may temang “Bagong Pilipinas, Bagong Pag-asa: Pagkakaisa at Pananagutan para sa Makabuluhang Pagbabago.” Kaugnay nito, ang Sangguniang Kabataan ng Sumapang Bata ay inimbitahan ng Sumapa Bata Elementary School upang maibahagi ang Talambuhay ng ating Patronang si Sta. Teresita ng Batang Hesus at ang Kasaysayan ng Barangay Sumapang Bata sa ating mga mag-aaral.

Pinangunahan ang pagbabahagi ni SK Treasurer Jhon Poul V. Ventura bilang Resource Speaker, kasama sina SK Secretary John Cedrick P. Pagtalunan at SK Volunteer Jayvee Labrador, na buong-pusong naghandog ng kaalaman at inspirasyon para sa ating kabataan.

Lubos ang aming pasasalamat sa Sumapa Bata Elementary School sa paanyaya at pagtitiwala. Patuloy po naming susuportahan ang mga programang nagtataguyod ng pagkakaisa, karunungan, at paghubog ng makabayang kabataan tungo sa makabuluhang pagbabago.






Address

Sampaguita Street Purok 3 Sumapang Bata, Malolos
Bulacan
3000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan ng Sumapang Bata posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sangguniang Kabataan ng Sumapang Bata:

Shortcuts

Share