German Salas Acosta

Directions Website

German Salas Acosta Vice Mayor German Salas Acosta

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ NAKIISA PO TAYO sa 126th Civil Service Commission Anniversary Kick-Off Ceremony na may temang:โ€œBawat Kawani, Lingkod ...
03/09/2026

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ NAKIISA PO TAYO sa 126th Civil Service Commission Anniversary Kick-Off Ceremony na may temang:

โ€œBawat Kawani, Lingkod Bayani: Puso, Dangal at Galing Para sa Bayan.โ€ ๐Ÿ’™

Isang paalala ang pagdiriwang na ito sa mahalagang papel ng bawat lingkod-bayan sa paghahatid ng tapat, mahusay, at makabuluhang serbisyo sa ating mga mamamayan.

Saludo po tayo sa lahat ng lingkod-bayan na patuloy na nagsisilbi nang may puso, dangal, at galing para sa bayan. Mabuhay ang ating mga kawani! ๐Ÿ™Œ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

๐Ÿฆ‚๐Ÿค๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ Bilang Acting Mayor, nakiisa po tayo sa pagdiriwang ng ika-5 Founding Anniversary ng Reformist Guardians Internatio...
27/08/2026

๐Ÿฆ‚๐Ÿค๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ Bilang Acting Mayor, nakiisa po tayo sa pagdiriwang ng ika-5 Founding Anniversary ng Reformist Guardians International โ€“ Bulalacao Chapter.

Sa ating mensahe, binigyang-diin natin ang kahalagahan ng pagkakaisa, respeto, at pagsunod sa mga alituntunin bilang pundasyon ng isang matatag na samahan.

Ang kanilang Constitution and By-Laws ang magsilbing gabay at โ€œbibliyaโ€ ng organisasyon sa bawat desisyon at pagkilosโ€”at higit sa lahat, manatiling buo at matatag anuman ang kulay o paninindigang politikal.

Magkakaiba man ang ating pananaw, mahalagang manaig ang pagkakaibigan, respeto, at pagkakaisa para sa iisang layuninโ€”ang maglingkod at makatulong sa kapwa at sa komunidad.

๐Ÿฆ‚ Maligayang ika-5 Anibersaryo, Reformist Guardians International โ€“ Bulalacao Chapter! Nawaโ€™y patuloy kayong maging matatag, nagkakaisa, at tapat sa inyong misyon ng paglilingkod. ๐Ÿ’™๐Ÿค

๐ŸŽ—๏ธ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ  Paggunita sa Ninoy Aquino DayNgayong araw, ating ginugunita ang Ninoy Aquino Day, bilang pag-alala sa buhay, sakri...
21/08/2026

๐ŸŽ—๏ธ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ Paggunita sa Ninoy Aquino Day

Ngayong araw, ating ginugunita ang Ninoy Aquino Day, bilang pag-alala sa buhay, sakripisyo, at paninindigan ni Benigno โ€œNinoyโ€ Aquino Jr. para sa demokrasya at kalayaan ng ating bansa.

๐ŸŽ—๏ธ Nawaโ€™y magsilbing inspirasyon ang kanyang tapang at pagmamahal sa bayan upang patuloy nating pahalagahan ang demokrasya, pagkakaisa, at kalayaang ipinaglaban ng mga Pilipino.

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ Mabuhay ang demokrasya. Mabuhay ang Pilipinas! ๐ŸŽ—๏ธ

๐ŸŒค๏ธ Magandang Martes, Bulalacaonon! ๐Ÿ’—Sumilip na si Haring Araw ngayong umaga, pero medyo umaambon pa rin kaya mag-ingat a...
11/08/2026

๐ŸŒค๏ธ Magandang Martes, Bulalacaonon! ๐Ÿ’—

Sumilip na si Haring Araw ngayong umaga, pero medyo umaambon pa rin kaya mag-ingat at magdala pa rin ng payong. โ˜”At dahil pink ang ating suot ngayong araw, bagay na bagay sa panibagong linggoโ€”maliwanag, positibo, at puno ng pag-asa. ๐Ÿ’—โœจ

Bagong linggo, bagong pagkakataon para maglingkod, kumilos, at gumawa ng mabuti.

Magandang Martes po sa ating lahat! Ingat permi! ๐Ÿ’—

โ€œAkoโ€™y iyong dinggin, iligtas ngayon din! Sanaโ€™y ikaw ang aking maging batong kublihan; matibay na kuta para sa aking ka...
09/08/2026

โ€œAkoโ€™y iyong dinggin, iligtas ngayon din! Sanaโ€™y ikaw ang aking maging batong kublihan; matibay na kuta para sa aking kaligtasan.โ€
โ€” Awit 31:2

Sa panahon ng pangamba, pagod, at mga pagsubok, lagi nating tandaan na may Diyos tayong maaari nating takbuhan. Siya ang ating kanlungan, matibay na sandigan, at pinagmumulan ng lakas at pag-asa.

Nawaโ€™y sa bawat araw, matuto tayong magtiwala sa Panginoon at manalig na hindi Niya tayo pababayaan sa anumang hamon na ating kinakaharap. ๐Ÿ™๐Ÿ’™

Manalig, manalangin, at magpatuloy.

Nakiisa po tayo sa Opening of Classes ng Mindoro State University (MinSU) Bulalacao Class Extension kasama si Mayor Lume...
29/07/2026

Nakiisa po tayo sa Opening of Classes ng Mindoro State University (MinSU) Bulalacao Class Extension kasama si Mayor Lumelito "LG" M. Cabagay upang ipakita ang ating suporta sa mga mag-aaral sa pagsisimula ng panibagong taong panuruan.

Sa ating maikling mensahe, hinikayat natin ang mga estudyante na maging disiplinado, pahalagahan ang oportunidad na makapag-aral, at patuloy na magsumikap upang maabot ang kanilang mga pangarap. Ang edukasyon ay isa sa pinakamahalagang susi sa pag-unlad ng bawat indibidwal at ng ating bayan.

Bilang munting suporta sa kanilang pag-aaral, namahagi rin tayo ng ilang school supplies upang makatulong sa kanilang paghahanda sa bagong akademikong taon.

๐Ÿ’™ Nawa'y maging mabunga, ligtas, at matagumpay ang taong panuruan para sa lahat ng ating mga mag-aaral.

Padayon, MinSU Bulalacao! Padayon, mga Bulalacaonon! ๐ŸŽ’โœจ

29/07/2026

๐Ÿ“– ๐—ฃ๐—”๐—”๐—ก๐—ข ๐—ก๐—š๐—” ๐—•๐—” ๐—ก๐—”๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ฆ๐—”๐—ž๐—”๐—ง๐—จ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—จ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—จ๐—ก๐—œ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก?

Marami ang nagtatanong kung paano nagiging ordinansa, resolusyon, o programa ang isang panukalang inihahain ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan.

Hindi po ito agad-agad na naaaprubahan. Dumadaan ito sa masusing proseso upang matiyak na napag-aaralan, napag-uusapan, at napakikinggan ang iba't ibang opinyon bago ito maipatupad para sa kapakanan ng mamamayan.

๐Ÿ“Œ Narito ang karaniwang proseso:
โœ… Paghahain ng panukala
โœ… Referral sa kaukulang komite
โœ… Committee Hearing o pagdinig
โœ… Pagsusumite ng Committee Report
โœ… Deliberasyon at pagboto ng Sanggunian
โœ… Pag-apruba ng ordinansa o resolusyon
โœ… Pagpapatibay ng Punong Bayan (kung kinakailangan)
โœ… Implementasyon ng mga kaukulang tanggapan

๐Ÿ“ Mahalagang Paalala:

Ang mga panukalang ordinansa ay dumaraan pa sa tatlong pagbasa (Three Readings) bago tuluyang maaprubahan:

๐Ÿ”น First Reading โ€“ Binabasa ang titulo ng panukala at nire-refer ito sa kaukulang committee para pag-aralan.

๐Ÿ”น Second Reading โ€“ Dito isinasagawa ang masusing talakayan, pagdinig, at pag-amyenda kung kinakailangan bago ito pagbotohan.

๐Ÿ”น Third Reading โ€“ Isinasagawa ang pinal na pagboto. Kapag naaprubahan ng mayorya ng mga miyembro ng Sanggunian, isusumite ito sa Punong Bayan para sa kanyang aksyon.

๐Ÿ’ก Tandaan: Hindi lahat ng panukala ay ordinansa. Ang mga resolusyon ay karaniwang hindi na dumaraan sa tatlong pagbasa at maaaring maaprubahan sa mismong sesyon, depende sa uri at nilalaman nito.

Ang bawat hakbang sa prosesong ito ay mahalaga upang matiyak na ang mga batas at programa ng ating lokal na pamahalaan ay legal, makatarungan, at tunay na makikinabang ang bawat Bulalacaonon.

SB'S ESPESYAL NA PAGPUPULONG NA GINANAP NOONG IKA-23 NG HULYO, 2026, 2:00 NG HAPON SA SANGGUNIANG BAYAN SESSION HALL01. ...
26/07/2026

SB'S ESPESYAL NA PAGPUPULONG NA GINANAP NOONG IKA-23 NG HULYO, 2026, 2:00 NG HAPON SA SANGGUNIANG BAYAN SESSION HALL

01. PAGTAWAG NG KAAYUSAN
02. PANIMULANG PANALANGIN SA PANGUNGUNA NI KGG. RAMON G. MAGBANUA
03. PAGTAWAG NG MGA PANGALAN
04. UNANG PAGBASA

i. LN-26-07-052-Letter from the Office of the Mayor dated July 22, 2026:
a.
Resolution favorably endorsing to the Provincial Development Council (PDC) of Oriental Mindoro to include in its priority program/project the construction of Multi-Purpose Facility (Phase 1/Main Facility) located at Barangay Poblacion in the amount of PhP30M;
b. Resolution favorably endorsing to the Provincial Development Council (PDC) of Oriental Mindoro to include in its priority program/project the construction of Multi-Purpose Facility (Extension/Auxiliary Facility) located at Barangay Poblacion in the amount of PhP10M.

05. PANALANGING PASASALAMAT SA PANGUNGUNA NI KGG. RAMON G. MAGBANUA
06. PAGTITINDIG

23/07/2026

๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—ฉ๐—˜๐—— | ๐— ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—น ๐—ข๐—ฟ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—ก๐—ผ. ๐Ÿฎ๐Ÿฒ-๐Ÿฌ๐Ÿฒ-๐Ÿฐ๐Ÿฏ๐Ÿฒ

Pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Bulalacao sa ikatlo at pinal na pagbasa ang Municipal Ordinance No. 26-06-436, na nagsasa-institusyon at nagpapatibay sa pagtatatag at pagpapatakbo ng Municipal Health System (MHS) bilang mahalagang bahagi ng Province-wide Health System (PWHS) ng Oriental Mindoro.

Layunin ng ordinansa na magpatibay ng isang mas maayos, organisado, at episyenteng sistema ng pamamahala sa serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng pag-aangkop ng mga management support systems at paglalaan ng kinakailangang pondo para sa implementasyon nito.

Ang nasabing ordinansa ay inakda at inisponsor ni SB Member Jerus Jade B. Reyes at pormal na inaprubahan ng Sangguniang Bayan sa ikatlo at pinal na pagbasa bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng dekalidad at mas accessible na serbisyong pangkalusugan para sa mamamayan ng Bulalacao.

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐ŸŽ–๏ธ Ngayong araw, ikinagagalak at ipinagmamalaki po nating tanggapin sa ating tanggapan si 2nd Lt. Lesther John M. Ysug...
21/07/2026

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐ŸŽ–๏ธ Ngayong araw, ikinagagalak at ipinagmamalaki po nating tanggapin sa ating tanggapan si 2nd Lt. Lesther John M. Ysug, isang tubong Bulalacao mula sa Barangay Maasin, na nagsagawa ng courtesy call. Kasama niya sa pagbisita ang kanyang ama at si Sir Gelera, isang Army Reservist.

Kamakailan lamang ay nagtapos si 2nd Lt. Ysug sa Officer Candidate School (OCS) Philippine Army Class 03 "Talagilab", na ginanap sa Camp O'Donnell, Capas, Tarlac.

Bilang pagkilala sa kanyang natatanging pagganap, ginawaran siya ng:
๐Ÿ… Physical Fitness Excellence Award
๐Ÿ… Conduct Excellence Award

Ang kanyang tagumpay ay isang malaking karangalan hindi lamang para sa kanyang pamilya kundi para sa buong Bayan ng Bulalacao. Nawa'y magsilbi siyang inspirasyon sa ating kabataan na mangarap nang mataas, magsikap, at maglingkod sa bayan nang may dangal, disiplina, at katapatan.

๐Ÿ’™ Taos-puso po naming binabati si 2nd Lt. Lesther John M. Ysug at hinihiling ang patuloy na paggabay at pagpapala ng Poong Maykapal sa kanyang tungkulin bilang lingkod ng ating bansa.

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ Mabuhay ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas! Mabuhay ang Bulalacao!

Address

Poblacion
Bulalacao
5214

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when German Salas Acosta posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category