PESO Burdeos

Directions Contact the organization

PESO Burdeos Peso Burdeos

💼 NAGHAHANAP KA BA NG TRABAHO? 💼Narito ang latest Regional LMI Weekly Report para sa linggong ito (October 8, 2026)!  Ti...
08/10/2026

💼 NAGHAHANAP KA BA NG TRABAHO? 💼

Narito ang latest Regional LMI Weekly Report para sa linggong ito (October 8, 2026)!

Tingnan ang mga nangungunang Job Vacancies sa buong Region IV-A CALABARZON:
✅ Production Machine Operators
✅ Call Center Agents
✅ Production Workers & Helpers
✅ Service Crew, Cashiers, & Technicians

📍 Para mag-apply, mag-register sa PhilJobNet.gov.ph o bumisita sa ating PESO Burdeos Office para gabayan kayo!

📢𝗟𝗘𝗧’𝗦 𝗚𝗢, EVERYONE! 📢💼✨ 𝗬𝗢𝗨𝗥 𝗡𝗘𝗫𝗧 𝗖𝗔𝗥𝗘𝗘𝗥 𝗢𝗣𝗣𝗢𝗥𝗧𝗨𝗡𝗜𝗧𝗬 𝗜𝗦 𝗪𝗔𝗜𝗧𝗜𝗡𝗚!Get ready for an exciting 𝗠𝗜𝗡𝗜 𝗝𝗢𝗕 𝗙𝗔𝗜𝗥, brought to you...
10/09/2026

📢𝗟𝗘𝗧’𝗦 𝗚𝗢, EVERYONE! 📢

💼✨ 𝗬𝗢𝗨𝗥 𝗡𝗘𝗫𝗧 𝗖𝗔𝗥𝗘𝗘𝗥 𝗢𝗣𝗣𝗢𝗥𝗧𝗨𝗡𝗜𝗧𝗬 𝗜𝗦 𝗪𝗔𝗜𝗧𝗜𝗡𝗚!
Get ready for an exciting 𝗠𝗜𝗡𝗜 𝗝𝗢𝗕 𝗙𝗔𝗜𝗥, brought to you in collaboration with the 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 (𝗟𝗬𝗗𝗢)!

📅𝗦𝗘𝗣𝗧𝗘𝗠𝗕𝗘𝗥 𝟭𝟰, 𝟮𝟬𝟮𝟲 | 𝗠𝗢𝗡𝗗𝗔𝗬
⏰𝟴:𝟬𝟬 𝗔𝗠 – 𝟯:𝟬𝟬 𝗣𝗠
📍 𝟯/𝗙, 𝗧𝗵𝗲 𝗘𝘃𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿, 𝗦𝗠 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗟𝘂𝗰𝗲𝗻𝗮, 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗜𝗯𝗮𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗗𝘂𝗽𝗮𝘆, 𝗟𝘂𝗰𝗲𝗻𝗮 𝗖𝗶𝘁𝘆

Connect with employers, explore exciting job openings, and take a step closer to your dream career! 🚀

📄 Bring your updated resume
🤝 Meet potential employers
🎯 Explore career opportunities
💼 Take your next big career step!

🔥 𝗢𝗡𝗘 𝗘𝗩𝗘𝗡𝗧. 𝗠𝗢𝗥𝗘 𝗢𝗣𝗣𝗢𝗥𝗧𝗨𝗡𝗜𝗧𝗜𝗘𝗦. 𝗢𝗡𝗘 𝗦𝗧𝗘𝗣 𝗖𝗟𝗢𝗦𝗘𝗥 𝗧𝗢 𝗬𝗢𝗨𝗥 𝗗𝗥𝗘𝗔𝗠 𝗝𝗢𝗕.

📢𝗟𝗘𝗧’𝗦 𝗚𝗢, EVERYONE! 𝗦𝗘𝗘 𝗬𝗢𝗨 𝗔𝗧 𝗧𝗛𝗘 𝗠𝗜𝗡𝗜 𝗝𝗢𝗕 𝗙𝗔𝗜𝗥! 💙

🤝 Kaagapay sa Pangarap at Hanapbuhay!Dito sa PESO Burdeos, patuloy ang ating paghahatid ng serbisyo para sa bawat mamama...
03/09/2026

🤝 Kaagapay sa Pangarap at Hanapbuhay!
Dito sa PESO Burdeos, patuloy ang ating paghahatid ng serbisyo para sa bawat mamamayan na naghahangad ng magandang kinabukasan. Tulong-tulong tayo sa pag-abot ng inyong mga pangarap! 🌟

📌 EMPLOYMENT UPDATE MULA SA PESO BURDEOSIbinabahagi ng aming tanggapan ang pinakabagong datos sa lakas-paggawa mula sa D...
27/08/2026

📌 EMPLOYMENT UPDATE MULA SA PESO BURDEOS
Ibinabahagi ng aming tanggapan ang pinakabagong datos sa lakas-paggawa mula sa DOLE Region IV-A CALABARZON para sa linggo ng August 20 hanggang August 26, 2026. Ayon sa ulat na kalakip sa "LMI-Weekly-August-20-August-26.pdf", narito ang mga pangunahing oportunidad na nakatala sa Public Employment Service Office (PESO) Employment Information System (PEIS) at PhilJobNet

STAN CARAVAN MEETS WORLD CAFE OF OPPORTUNITIES 2026!Kung trabaho at skills training ang hanap mo, halina at makiisa sa S...
26/08/2026

STAN CARAVAN MEETS WORLD CAFE OF OPPORTUNITIES 2026!

Kung trabaho at skills training ang hanap mo, halina at makiisa sa Serbisyo, Trabaho At Negosyo Caravan Meets World Cafe of Opportunities sa Agosto 27, 2026 (Huwebes), 8:00 ng umaga sa Quezon Convention Center, Lucena City.

Inihahandog ito ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, sa pamamagitan ng Quezon Provincial Public Employment Service Office (QPPESO), katuwang ang TESDA, bilang bahagi ng patuloy na pagbibigay ng mga oportunidad sa trabaho at skills development para sa mga Quezonian.
Tampok sa aktibidad ang Job Fair at ang pagkakataong makapag-sign up sa iba’t-ibang skills training programs na handog ng TESDA. Para sa mga nagnanais na magkaroon ng bagong kaalaman, higit na mapaunlad ang kanilang kasanayan sa paghahanapbuhay at maging mas handa sa pagpasok sa mundo ng paggawa, ihanda ang mga sumusunod:

- Resume
- Valid ID
- ballpen

Huwag palampasin ang pagkakataong makahanap ng oportunidad at i-level up ang iyong skills! TAra Na, mga ka-Hanapbuhay!


STAN CARAVAN MEETS WORLD CAFE OF OPPORTUNITIES 2026!

Kung trabaho at skills training ang hanap mo, halina at makiisa sa Serbisyo, Trabaho At Negosyo Caravan Meets World Cafe of Opportunities sa Agosto 27, 2026 (Huwebes), 8:00 ng umaga sa Quezon Convention Center, Lucena City.

Inihahandog ito ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, sa pamamagitan ng Quezon Provincial Public Employment Service Office (QPPESO), katuwang ang TESDA, bilang bahagi ng patuloy na pagbibigay ng mga oportunidad sa trabaho at skills development para sa mga Quezonian.

Tampok sa aktibidad ang Job Fair at ang pagkakataong makapag-sign up sa iba’t-ibang skills training programs na handog ng TESDA. Para sa mga nagnanais na magkaroon ng bagong kaalaman, higit na mapaunlad ang kanilang kasanayan sa paghahanapbuhay at maging mas handa sa pagpasok sa mundo ng paggawa, ihanda ang mga sumusunod:
- Resume
- Valid ID
- ballpen

Huwag palampasin ang pagkakataong makahanap ng oportunidad at i-level up ang iyong skills! TAra Na, mga ka-Hanapbuhay!


TAGUMPAY NG PROJECT A.R.A.L, TAGUMPAY NG BAWAT KABATAANG BURDEOSIN!Mga kababayan, may maganda po kaming balita mula sa i...
07/08/2026

TAGUMPAY NG PROJECT A.R.A.L, TAGUMPAY NG BAWAT KABATAANG BURDEOSIN!

Mga kababayan, may maganda po kaming balita mula sa inyong PESO Burdeos family!

Kamakailan lang ay ginawaran ang ating opisina ng DOLE Quezon ng pagkilala bilang Natatanging Programa ng PESO at JPO dahil sa matagumpay na implementasyon ng ating Project A.R.A.L. (Alalay at Regalo para sa Pag-aaral at Paglaya sa Child Labor).

Bilang mga staff na araw-araw na bumababa sa komunidad para maipatupad ang programang ito, labis po ang aming pasasalamat:

Sa DOLE Quezon: Maraming salamat po sa pagkilala sa aming munting hakbang upang puksain ang child labor.

Sa Lokal na Pamahalaan: Salamat po sa walang patid na suporta sa aming opisina.

Sa ating mga Kababayan: Kayo po ang inspirasyon namin para pagbutihin ang aming serbisyo.

Ang award na ito ay hindi lang para sa opisina, kundi para sa mga batang natulungan nating makapag-aral muli. Makakaasa po kayo na ang buong pwersa ng PESO Burdeos ay patuloy na maghahatid ng tapat at epektibong serbisyo publiko.

Patuloy tayong magtulungan para sa kinabukasan ng ating mga kabataan!

EMPLOYMENT NEWS UPDATE: Labor Market Information (LMI) sa CALABARZONInilabas na ng DOLE Region IV-A CALABARZON ang pinak...
09/06/2026

EMPLOYMENT NEWS UPDATE: Labor Market Information (LMI) sa CALABARZON

Inilabas na ng DOLE Region IV-A CALABARZON ang pinakabagong Regional LMI Weekly Report ngayong Mayo 28, 2026. Tampok rito ang mga nangungunang bakanteng trabaho at mga lokasyon sa ating rehiyon na may pinakamataas na demand para sa mga manggagawa, batay sa datos mula Mayo 21 hanggang 26 sa PESO Employment Information System (PEIS) at PhilJobNet.

📊 MGA PANGUNAHING DETALYE:
Top 3 Vacancies sa CALABARZON:
1️⃣ Production Worker (6,659 vacancies)
2️⃣ Customer Service Assistant (1,977 vacancies)
3️⃣ Production Helper (1,322 vacancies)
(Kabilang din sa listahan ang mga Machine Operators, Technicians, Delivery Drivers, at Cashiers.)

Top 3 Lokasyon na may Pinakamaraming Bakante:
📍 General Trias, Cavite (3,559 vacancies)
📍 City of Calamba, Laguna (2,752 vacancies)
📍 Rosario, Cavite (2,562 vacancies)

Para sa mga kababayan nating naghahanap ng trabaho dito sa Burdeos, ito na ang inyong pagkakataon na malaman kung anong mga industriya ang kasalukuyang nangangailangan ng lakas-paggawa!

📌 PAANO MAG-APPLY?
Maaari kayong direktang bumisita sa opisyal na job portal ng gobyerno, ang PhilJobNet.gov.ph, upang makita ang buong listahan ng mga trabaho at makapag-apply.

📣 EMPLOYMENT OPPORTUNITY | Infanta Credit & Development Cooperative (ICDeC)Bilang suporta at pag-asiste ng Public Employ...
01/06/2026

📣 EMPLOYMENT OPPORTUNITY | Infanta Credit & Development Cooperative (ICDeC)

Bilang suporta at pag-asiste ng Public Employment Service Office (PESO) - Burdeos sa ating mga partner employers, ibinabahagi namin ang anunsyo mula sa Infanta Credit & Development Cooperative (ICDeC). Kasalukuyan silang naghahanap ng mga kwalipikadong aplikante para sa mga sumusunod na regular na posisyon:

📌 Area Coordinator

Para sa kumpletong detalye ng mga kwalipikasyon, benepisyo, at mga dokumentong kailangan para sa aplikasyon, mangyaring basahin at suriin ang mga kalakip na imahe sa post na ito.

I-tag o i-share ito sa inyong mga kakilala na naghahanap ng trabaho!

Address

Brgy. Poblacion
Burdeos
4340

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PESO Burdeos posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to PESO Burdeos:

Shortcuts

Share