Local Government Unit of Burdeos

Directions Website

Local Government Unit of Burdeos This is the official page of the Local Government Unit of Burdeos, Quezon.

LAYAG KABATAAN || PESO Career Guidance at Employment CoachingMatagumpay na isinagawa ngayong Setyembre 4, 2026, ang prog...
04/09/2026

LAYAG KABATAAN || PESO Career Guidance at Employment Coaching

Matagumpay na isinagawa ngayong Setyembre 4, 2026, ang programang "LAYAG KABATAAN: Charting the Vision to a Future-Ready Tomorrow" sa BNHS Covered Court. Ang naturang Career Guidance and Employment Coaching ay inorganisa ng Public Employment Service Office (PESO) upang magbigay ng sapat na oryentasyon, kasanayan, at gabay sa mga kabataan at mag-aaral ng Burdeos para sa kanilang hinaharap na propesyon at karera.

Naging masigla at makabuluhan ang buong palatuntunan sa personal na pagdalo ng ating Punong Bayan, Honorable Mayor Gina P. Gonzales, na nagpaabot ng kanyang warm welcome message at nag-iwan ng inspirasyon ukol sa kahalagahan ng kahandaan ng mga kabataan sa kanilang hinaharap. Binuo at pinangunahan naman ni Ms. Grace G. Ayuso, PESO Designate Manager, ang pangkalahatang talakayan, pagsasanay sa employment coaching, at ang mismong career assessment activity para sa mga participants, sa tulong at gabay ng buong PESO staff.

Naghatid din ng malaking inspirasyon at mahahalagang aral sa mga mag-aaral ang mga namumukod-tanging pinuno ng lokal na pamahalaan na nagbahagi ng kanilang motivational speeches, kabilang sina Municipal Accountant Ms. Cielo A. Ruzol, Municipal Health Officer Dr. Carmela Cybelle V. Rudio, MD, at Municipal Planning and Development Coordinator Mr. Hannibal A. Diasanta, EnP. Pormal namang nagtapos ang matagumpay na aktibidad sa pamamagitan ng pampinid na pananalita mula kay Principal II Ms. Marnita G. Banderada. Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, patuloy ang Pamahalaang Lokal ng Burdeos sa pagtataguyod ng mga programang naglalayong linangin ang potensyal ng kabataan at ihanda sila sa mas maliwanag na bukas.

πŸπŸ€ GAME DAY | SEPTEMBER 4, 2026Burdeos, get ready! The court is set for another exciting day of Basketball Boys action! ...
04/09/2026

πŸπŸ€ GAME DAY | SEPTEMBER 4, 2026

Burdeos, get ready! The court is set for another exciting day of Basketball Boys action! πŸπŸ€

BURDEOSIN, LET’S GO!

Bring the energy, support our teams, and make some noise! πŸ“£πŸ”₯

5:00 PM β€” BASKETBALL BOYS πŸ€

πŸ”₯ Midget [A] β€” Monte Carmelo vs Poblacion
πŸ”₯ JR/SR [B]β€” Judith Air Ballers vs Sabang Boys

See you on the court, Burdeosin! 🫢πŸ”₯

PAMAMAHAGI NG INDEMNITY CHECKS SA MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA NG BURDEOSPormal na pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan n...
03/09/2026

PAMAMAHAGI NG INDEMNITY CHECKS SA MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA NG BURDEOS

Pormal na pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Burdeos, sa pamamagitan ng Municipal Agriculturist Office (MAO) at katuwang ang Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC), ang pamamahagi ng indemnity checks para sa ating sektor ng agrikultura at pangisdaan.

Nasa 47 na magsasaka at mangingisda na labis na naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad ang tumanggap ng tulong pinansyal, na may kabuuang halaga na Php 321,864.05. Ang programa at pondong ito ay naglalayong umalalay sa ating mga kababayan upang sila ay mabilis na makabangon at muling maitaguyod ang kanilang mga kabuhayan.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng LGU Burdeos at MAO sa mga katuwang na ahensya upang masiguro na laging may nakaalalay na proteksyon at suporta para sa ating mga manggagawa sa agrikultura.

πŸπŸ€ GAME DAY | SEPTEMBER 3, 2026Burdeos, get ready! The court is set for another exciting day of Basketball Boys action! ...
02/09/2026

πŸπŸ€ GAME DAY | SEPTEMBER 3, 2026

Burdeos, get ready! The court is set for another exciting day of Basketball Boys action! πŸπŸ€

BURDEOSIN, LET’S GO!

Bring the energy, support our teams, and make some noise! πŸ“£πŸ”₯

5:00 PM β€” BASKETBALL BOYS πŸ€
πŸ”₯ Midget [B] β€” San Isidro Cabugao vs Crimson Boys
πŸ”₯ JR/SR [B]β€” Brew and Bites vs May Balite

See you on the court, Burdeosin! 🫢πŸ”₯

LINGKOD BAYANI REWARDS PROGRAM 2026Bilang pakikiisa ng Municipal Government of Burdeos sa pagdiriwang ng 126th Philippin...
02/09/2026

LINGKOD BAYANI REWARDS PROGRAM 2026

Bilang pakikiisa ng Municipal Government of Burdeos sa pagdiriwang ng 126th Philippine Civil Service Anniversary (PCSA) 2026, buong-pusong pinasasalamatan natin ang mga local business establishments na nakikiisa sa Lingkod Bayani Rewards Program sa pamamagitan ng pagbibigay ng special discounts at iba pang benepisyo para sa ating mga kawani ng pamahalaan ngayong Setyembre 2026.

πŸ›οΈ HALINA AT TANGKILIKIN ANG MGA NEGOSYONG KASAMA NATIN SA PROGRAMA!

Arvie U. Banderada - Philko Grill House
Miliceth Azul - Mhellenia Cakes and pastries
Herchelle Clyde G. LEYNES - TGP
Zyrien Nolledo - W and A eatery and catering services
Mary Charies L. Romero - Marcutell Hotel
Naime V. Ayuma - Casita Yolanda Transient House
Dulcenia Mendiola - Pampanga's Chicken Inasal
Maria Edelyn M. Fuertez - Yslas mini Grocery
Karen joy S. Suarez - Centro Food Station
Sydel Caguioa - Balola's Lugawan
Onang Sari Sari Store - Rona Cabrera
Khaylee Lodging - Glady Mirasol
Meipoint Restobar - Ervin Calleja

Suportahan natin ang ating lokal na mga negosyo at samantalahin ang mga espesyal na alok na inihanda para sa ating mga Lingkod Bayan. Sa bawat pagtangkilik, nakatutulong tayo sa ating mga lokal na negosyante habang ipinapakita ang ating pagpapahalaga sa kanilang pakikiisa sa programa. 🀝

πŸ’™ Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng participating establishments sa Burdeos na naglaan ng kanilang discounts at special offers para sa ating mga kawani. Ang inyong suporta ay isang magandang halimbawa ng bayanihan at pakikipagtulungan para sa kapwa Lingkod Bayan.

Maraming salamat sa inyong pakikiisa! Sama-sama nating ipagdiwang ang PCSA 2026!

(ang mga discounts and promos ay mula Setyembre 1-30, 2026 lamang)



πŸπŸ€ GAME DAY | SEPTEMBER 2, 2026Burdeos, get ready! The court is set for another exciting day of Basketball Boys action! ...
02/09/2026

πŸπŸ€ GAME DAY | SEPTEMBER 2, 2026

Burdeos, get ready! The court is set for another exciting day of Basketball Boys action! πŸπŸ€

BURDEOSIN, LET’S GO!

Bring the energy, support our teams, and make some noise! πŸ“£πŸ”₯

5:00 PM β€” BASKETBALL BOYS πŸ€
πŸ”₯ Midget [A] β€” Monte Carmelo vs San Rafael
πŸ”₯ JR/SR [B]β€” Amot Batag Ilaya vs Pulang Lupa

See you on the court, Burdeosin! 🫢πŸ”₯

Celebration of National Heroes Day 2026Ngayong ika-31 ng Agosto 2026, matagumpay na idinaos ang pagdiriwang ng National ...
31/08/2026

Celebration of National Heroes Day 2026

Ngayong ika-31 ng Agosto 2026, matagumpay na idinaos ang pagdiriwang ng National Heroes Day na nagdadala ng temang "Pagpupugay sa mga Bayaning Pilipino". Nakiisa ang lokal na pamahalaan, iba't ibang ahensya, at ang buong komunidad upang bigyang-pugay ang kabayanihan ng bawat Pilipino, tulad ng makikita sa mga kalakip na larawan.

Ang makabuluhang programa ay sinimulan sa pamamagitan ng taimtim na panalangin na pinangunahan ni G. Roden M. Rutaquio, na sinundan ng madamdaming pag-awit ng Pambansang Awit sa pamumuno ni Bb. Leiza Praise D. Jimenez. Matapos ang pormal na pagbati ng pagbubukas ni G. Christian M. Delima, nagbahagi si SFO2 Alvin H. Avenilla ng isang maikling paggunita sa sakripisyo ng ating mga magigiting na bayani.

Isang mahalagang bahagi ng pagdiriwang ang seremonyal at taimtim na Pag-aalay ng Bulaklak, kung saan nagkaisa ang iba't ibang ahensya at sektor tulad ng PNP, BFP, PCG, DepEd, Tanggapan ng Alkalde, at iba pang sangay ng pamahalaan. Upang gisingin at patuloy na magliyab ang diwa ng kabayanihan sa bawat isa, nagbahagi rin ng mahalagang mensahe sina Punong-Bayan Kgg. Gina P. Gonzales at Halig-Punong-Bayan Kgg. Romulo R. Avila Jr. bago pormal na magwakas ang programa sa pananalita ni Kgg. Erasto A. Llagas sa katauhan ni Kgg. Michael VillaseΓ±or.

Nagtapos ang aktibidad sa isang Clean-Up Drive upang aktuwal na isabuhay ang pagiging bayani para sa kalikasan at malinis na kapaligiran, sa ilalim ng gabay ng host na si G. Lodevico R. Avenilla Jr. Ang diwa ng bayanihan ay tunay na buhay na buhay!

Mabuhay ang mga Bayani ng Pilipinas!

πŸπŸ€ GAME DAY | AUGUST 31, 2026Burdeos, get ready! The court is set for another exciting day of Basketball Boys action! πŸπŸ€...
30/08/2026

πŸπŸ€ GAME DAY | AUGUST 31, 2026

Burdeos, get ready! The court is set for another exciting day of Basketball Boys action! πŸπŸ€

BURDEOSIN, LET’S GO!

Bring the energy, support our teams, and make some noise! πŸ“£πŸ”₯

5:00 PM β€” BASKETBALL BOYS πŸ€
πŸ”₯ Midget [B] β€” San Isidro Cabugao vs Mixed Power
πŸ”₯ Midget [A] β€” Balite vs Poblacion

See you on the court, Burdeosin! 🫢πŸ”₯

Address

Municipal Building
Burdeos
4340

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Local Government Unit of Burdeos posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share