Deped TAYO Butuan City

Directions Website Contact the organization

Deped TAYO Butuan City One Butuan, We love as One.

06/12/2023
21/05/2022

Mula sa lipi ng mga Bulakenyo na namulat sa mayamang sining ng kanilang bayan, bata pa lang si Sir Rafael E. Martinez o โ€œSir Raffyโ€ ay pansin na ng marami ang kanโ€™yang abilidad sa pagguhit. Bukod sa mga patimpalak at workshop na humasa sa kanโ€™yang husay, saksi rin ang marami niyang kuwaderno sa angkin niyang talento.

โ€œNoong nag-aaral pa ako sa elementarya napupuno ko ang likod ng aking k'waderno ng mga drawing ko. Madalas mga anime dahil sig**o isa ako sa mga batang 90โ€™s na namulat sa magagandang cartoons sa TV,โ€ pagbabalik-tanaw ni Sir Raffy.

Ang kanโ€™yang pagiging malikhain ang nagdala sa kanโ€™ya sa maraming oportunidad sa loob ng paaralan maging sa kanโ€™yang trabaho noon bilang book illustrator sa isang publishing house. Sa karanasan niyang ito, naramdaman niya ang self-fulfillment dahil naisabuhay niya ang isa pa niyang pangarap bukod sa pagiging g**o.

Hindi nakahon ang galing ni Sir Raffy sa sining. Nang matupad niya ang pagiging isang ilustrador, bumalik siya sa pagtuturo at sa kasalukuyan ay higit isang dekada na siya sa larangang ito. Aniya, maraming posibilidad sa mundo kayaโ€™t hindi niya sinasayang ang bawat tyansa at biyayang ipinagkakaloob sa kanโ€™ya.

โ€œNapagtanto ko na plano sig**o ng Diyos ang mapunta ako sa pagtuturo. Hindi pala ako magiging architect, graphic artist o visual artist. Ako pala ang magtuturo sa mga estudyante ko gamit ang talento kong ito. Ako pala ang kasama nilang bubuo sa mga pangarap nila.โ€

Nang sumapit ang pandemya at kinailangan ng inobasyon sa gawi ng pagtuturo, isa si Sir Raffy sa mga naglakas loob na sumagot sa panawagan ng Kagawaran na itaguyod ang DepEd TV. Pinalad siyang mapasama sa mga piling-piling Teacher-Broadcaster na magtuturo sa national television.

โ€œNoong una natakot ako. Pakiramdam ko hindi ako handa. Malaki pa rin ang pagkakaiba ng pagtuturo sa loob ng silid-aralan at pagharap sa lente ng kamera. Ang pagtuturo nga lang sa loob ng paaralan ay malaking responsibilidad na, iyon pa kaya na tuturuan mo ang mga bata sa buong Pilipinas?โ€

Hindi naiwasang sinupin ni Sir Raffy ang mga katanungang ito ngunit mas nanaig sa kanโ€™ya ang pagmamahal niya sa kanโ€™yang adbokasiyaโ€™t propesyon. Napagtanto niyang ang oportunidad na ito ay paraan upang mas maraming bata ang mahikayat niya na mahalin ang sining. Para kay Sir Raffy, โ€œang talento ay isang biyaya kaya marapat lamang na ibahagi ito sa kapwa.โ€

Maliban dito, ang isa pang motibasyon ni Sir Raffy ay ang kanโ€™yang karanasan noโ€™ng siyaโ€™y maliit pa lamang. Aniya, katulad ng maraming bata, mahiyain siyaโ€™t hindi pala-kโ€™wento, ngunit sa pamamagitan ng pagguhit, nailalabas niya ang kanโ€™yang saloobin, nararamdaman niyang hindi siya nag-iisa, at may nakakaunawa sa kanโ€™ya.

โ€œKapag may nakikita akong bata na walang tiwala sa sarili ngunit may talento naman, pinalalakas ko ang loob. Ang simpleng papuri ay may malaking epekto sa mga bata. Ang mga salitang โ€œang galing mo!โ€ , โ€œang husay mo namanโ€, โ€œnakakaproud ka naman!โ€ ay malaking tulong na para mapataas pa ang kumpyansa nila sa kanilang sarili.โ€

Ilan lamang ito sa mga aral na natutunan at ibinabahagi ni Sir Raffy bukod pa sa pagguhit. Para sa kanya, hindi dapat ipagdamot ang magagandang salitang sa mga bata dahil makapangyarihan ang mga ito at kaya nitong bumuo ng mga pangarap kung magagamit lamang nang tama.

โ€œKung makakausap ko man ang batang Raffy noon, sasabihin ko sa kanโ€™yang โ€œproud ako sayoโ€. Nagawa at nagagawa mo pa rin ang gusto mo. Naibabahagi mo pa ang iyong talento. Abutin mo pa ang mga pangarap mo at huwag mong kakalimutan na sa lahat ng narating mo, patuloy ka pa rin maging mapagkumbaba. Mata sa langit, paa sa lupa.โ€

Sa kasalukuyan, tuloy ang paninilbihan ni Sir Raffy bilang isang Technical Drawing at Visual Arts teacher sa Guiguinto National Vocational High School. Kasabay nito, siya rin ay isang National Teacher Broadcaster at Education Technology Specialist sa DepEd Central Office at kilala sa tawag na โ€œCool na Cool na Art Teacher sa Arts 1 Art Iskul ng DepEd TV.โ€



10/05/2022
09/05/2022

๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐—”๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—š
๐—ฆ๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—น ๐—ป๐—ด ๐—ด๐˜‚๐—ฟ๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—›๐—ถ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜†๐—น๐—ฎ๐—ป, ๐—ก๐—ฒ๐—ด๐—ฟ๐—ผ๐˜€ ๐—ข๐—ฐ๐—ฐ๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น

Mayo 9, 2022 โ€“ Lubhang kinokondena ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang pamamaril sa isang g**o mula Himamaylan National High School sa Negros Occidental, na nakatakdang manilbihan sa 2022 National and Local Elections.

Bagamat hindi pa malinaw kung may kaugnayan sa eleksiyon ang brutal na pangyayari, tinutuligsa natin ang anomang kilos ng karahasan at kawalan ng katarungan tungo sa ating mga g**o na nag-aalay ng kanilang buhay na may kaugnayan sa kabataan Pilipino at ngayon ay buong pusong naninilbihan sa eleksiyon sa bansa ngayong taon.

Ipinapaabot natin ang taos-pusong pakikiramay sa naulilang pamilya at kaibigan ng biktima. Inatasan ni Kalihim Leonor Magtolis Briones ang Office of the Undersecretary for Finance na magbigay ng tulong pinansyal at iba pang kinakailangang suporta para sa nasabing g**o at ng kanyang pamilya. Nakikipagtulungan na din si DepEd Election Task Force Chair at Undersecretary Alain Del Pascua sa mga kaugnay na field offices at local officials upang imbestigahan ang insidente at mabigyan ng suporta ang pamilya at kasamahan ng biktima.

Nananawagan tayo sa ating lokal na awtoridad sa Negros Occidental sa paghahatid ng mabilis na hustisya para sa karumaldumal na krimen na ginawa sa ating yumaong kasamahan. Gayundin, inuulit natin ang panawagan sa ating partner agencies, lalo na ang Philippine National Police at ang Armed Forces of the Philippines, upang protektahan ang ating mga g**o, poll workers, at mga botante.

Ang karahasan ay hindi at hindi dapat maging bahagi ng proseso ng demokrasya. Sama-sama tayong maging maingat at palakasin natin ang malaya, mapayapa, at mapagkakatiwalaang eleksiyon para sa ating bansa.

08/05/2022
09/04/2022

Isang makabuluhang Araw ng Kagitingan sa lahat!

05/04/2022

Ang kilala nating computer game noon, isa nang learning tool ngayon!

Hatid ng Minecraft for Education ang mga aralin at gawaing akma sa proseso ng pag-aaral ng mga bata at pagtuturo ng mga g**o sa makabagong panahon.

Sa pamamagitan ng ganitong klaseng plataporma, nagiging mas kawili-wili ang pagkatuto at mas kapakipakinabang ang gamit ng teknolohiya para sa mga mag-aaral.


05/04/2022

Balik-eskwela na!

Kumusta naman ang mga g**o?

Ikaw ba ay excited, masaya, o nangangamba sa pagbabalik ng face to face classes? ๐Ÿ˜๐Ÿ˜Š

Relaks lang! Sabi nga ni Ready Kid, โ€œHuminto, kumalma, damhin ang nararamdamang emosyon at saka harapin ito ng may tindig.โ€ ๐Ÿง˜๐Ÿ’†โ€โ™‚๏ธ

Kaya naman handog ng DepEd DRRMS - MHPSS ang isang "Orientation on the Conduct and Facilitation of Psychosocial Support for Learners" ngayong darating na Huwebes, Abril 7, upang ihanda ang mga g**o sa pagbabalik-eskwela at pag-alalay sa mga bata.

Tumutok sa opisyal na page ng DepEd Philippines para sa livestream ng nasabing programa.

Hihintayin namin kayo ha! Kitakits!

21/03/2022
21/03/2022

Address

R. Palma Street
Butuan City
8600

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Deped TAYO Butuan City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Deped TAYO Butuan City:

Shortcuts

Share