Pilig Abajo-Sangguniang Kabataan

Directions Contact the organization

Pilig Abajo-Sangguniang Kabataan Official Page of the Sangguniang Kabataan of Pilig Abajo


Arangkada CABataang Irayya

𝗠𝗔𝗧𝗔𝗚𝗨𝗠𝗣𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗔𝗦𝗦𝗘𝗠𝗕𝗟𝗬 𝗗𝗔𝗬 𝟮𝟬𝟮𝟲!Maraming salamat sa lahat ng kabarangay na nakiisa sa ating pagtitipon. Sama-sa...
25/10/2026

𝗠𝗔𝗧𝗔𝗚𝗨𝗠𝗣𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗔𝗦𝗦𝗘𝗠𝗕𝗟𝗬 𝗗𝗔𝗬 𝟮𝟬𝟮𝟲!

Maraming salamat sa lahat ng kabarangay na nakiisa sa ating pagtitipon. Sama-sama nating isulong ang isang mas maunlad at nagkakaisang Barangay Pilig Abajo!

✨ 𝑵𝒂𝒈𝒌𝒂𝒌𝒂𝒊𝒔𝒂𝒏𝒈 𝑻𝒊𝒏𝒊𝒈, 𝑺𝒂𝒎𝒂-𝒔𝒂𝒎𝒂𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒈𝒌𝒊𝒍𝒐𝒔 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝑲𝒂𝒖𝒏𝒍𝒂𝒓𝒂𝒏!


ll 𝐇𝐀𝐏𝐏𝐄𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐎𝐖 llThe stage is ready, and the search for the next 𝐂𝐀𝐁𝐀𝐆𝐀𝐍 𝐒𝐇𝐈𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐓𝐀𝐑 𝟐𝟎𝟐𝟕 is officially underway! Sug...
24/10/2026

ll 𝐇𝐀𝐏𝐏𝐄𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐎𝐖 ll

The stage is ready, and the search for the next 𝐂𝐀𝐁𝐀𝐆𝐀𝐍 𝐒𝐇𝐈𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐓𝐀𝐑 𝟐𝟎𝟐𝟕 is officially underway!

Sugod na sa Cabagan Convention Center – Aggabao Hall and witness our aspiring performers showcase their talent, confidence, and star power! 💫

📢 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗜𝗦𝗔, 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗜𝗡𝗜𝗚, 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗜𝗟𝗔𝗛𝗢𝗞!Inaanyayahan ang lahat ng mga residente ng Barangay Pilig Abajo na makiisa sa ating 2...
21/10/2026

📢 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗜𝗦𝗔, 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗜𝗡𝗜𝗚, 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗜𝗟𝗔𝗛𝗢𝗞!

Inaanyayahan ang lahat ng mga residente ng Barangay Pilig Abajo na makiisa sa ating 2nd Semester Barangay Assembly Day, CY 2026! 🫶

Tayo ay magtipon-tipon para sa makabuluhang talakayan, pagbabahagi ng mga saloobin, at sama-samang paghahanap ng mga solusyon para sa ikauunlad ng ating barangay.

🗓️ Petsa: Oktubre 24, 2026 (Sabado)
⏰ Oras: 5:00 PM
📍 Lugar: Barangay Hall

Sa temang “Tayo na sa Barangay Assembly! Nagkakaisang Tinig, Makabuluhang Usapan, at Sama-samang Pagkilos para sa Ating Komunidad,” patuloy nating patunayan na ang pag-unlad ay nagsisimula sa pakikilahok ng bawat mamamayan.

Boses mo, mahalaga. Pakikilahok mo, may ambag. Sama-sama tayo para sa mas maunlad na Barangay Pilig Abajo!


🥋 𝐓𝐇𝐑𝐄𝐄 𝐂𝐀𝐓𝐄𝐆𝐎𝐑𝐈𝐄𝐒, 𝐓𝐇𝐑𝐄𝐄 𝐌𝐄𝐃𝐀𝐋𝐒, 𝐎𝐍𝐄 𝐏𝐑𝐎𝐔𝐃 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍! Taos-pusong binabati ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Pilig Ab...
19/10/2026

🥋 𝐓𝐇𝐑𝐄𝐄 𝐂𝐀𝐓𝐄𝐆𝐎𝐑𝐈𝐄𝐒, 𝐓𝐇𝐑𝐄𝐄 𝐌𝐄𝐃𝐀𝐋𝐒, 𝐎𝐍𝐄 𝐏𝐑𝐎𝐔𝐃 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍!

Taos-pusong binabati ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Pilig Abajo si 𝐀𝐧𝐭𝐡𝐨𝐧𝐲 𝐌𝐚𝐦𝐚𝐮𝐚𝐠 𝐓𝐚𝐠𝐚𝐨 sa kaniyang tagumpay sa ginanap na Baguio Day 20276 Karate Tournament, kahapon, Oktubre 18, 2026!

🥉 Foundation Kata – Bronze
🥉 Intermediate Kumite – Bronze
🥈 Advanced Kumite – Silver

Muli mo na namang pinatunayan ang iyong angking galing, disiplina at dedikasyon. Ipinagmamalaki ka namin, Anthony! Patuloy na abutin ang mas matataas na pangarap at magbigay inspirasyon sa kapwa kabataan! ❤️



𝐓𝐇𝐑𝐄𝐄 𝐁𝐑𝐎𝐍𝐙𝐄 𝐌𝐄𝐃𝐀𝐋𝐒! 🥉Congratulations to "𝐀𝐍𝐓𝐇𝐎𝐍𝐘 𝐌𝐀𝐌𝐀𝐔𝐀𝐆 𝐓𝐀𝐆𝐀𝐎" for an impressive performance at the 𝟑𝐫𝐝 𝐀𝐋𝐋 𝐋𝐔𝐙𝐎𝐍 𝐌𝐊𝐊𝐏...
26/09/2026

𝐓𝐇𝐑𝐄𝐄 𝐁𝐑𝐎𝐍𝐙𝐄 𝐌𝐄𝐃𝐀𝐋𝐒! 🥉

Congratulations to "𝐀𝐍𝐓𝐇𝐎𝐍𝐘 𝐌𝐀𝐌𝐀𝐔𝐀𝐆 𝐓𝐀𝐆𝐀𝐎" for an impressive performance at the 𝟑𝐫𝐝 𝐀𝐋𝐋 𝐋𝐔𝐙𝐎𝐍 𝐌𝐊𝐊𝐏𝐈 𝐂𝐇𝐀𝐌𝐏𝐈𝐎𝐍𝐒𝐇𝐈𝐏 held in 𝐆𝐀𝐏𝐀𝐍, 𝐍𝐔𝐄𝐕𝐀 𝐄𝐂𝐈𝐉𝐀!

🥉 𝐅𝐎𝐔𝐍𝐃𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐊𝐀𝐓𝐀— Bronze
🥉 𝐁𝐄𝐆𝐈𝐍𝐍𝐄𝐑𝐒 𝐊𝐔𝐌𝐈𝐓𝐄 — Bronze
🥉 𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐌𝐄𝐃𝐈𝐀𝐓𝐄 𝐊𝐔𝐌𝐈𝐓𝐄 — Bronze

More than the medals, this achievement reflects 𝐃𝐈𝐒𝐂𝐈𝐏𝐋𝐈𝐍𝐄, 𝐃𝐄𝐃𝐈𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍, 𝐂𝐎𝐔𝐑𝐀𝐆𝐄, and the determination to keep improving.🔥

𝐊𝐄𝐄𝐏 𝐓𝐑𝐀𝐈𝐍𝐈𝐍𝐆. 𝐊𝐄𝐄𝐏 𝐅𝐈𝐆𝐇𝐓𝐈𝐍𝐆. 𝐊𝐄𝐄𝐏 𝐒𝐇𝐈𝐍𝐈𝐍𝐆.

Congratulations, Anthony! Your achievement is something to be proud of. 👏

𝑷𝑹𝑶𝑱𝑬𝑪𝑻 𝑻𝑨𝑵𝑮𝑳𝑨𝑾 🎓𝑨𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒈𝒖𝒎𝒑𝒂𝒚 𝒎𝒐, 𝒕𝒂𝒏𝒈𝒍𝒂𝒘 𝒏𝒈 𝒊𝒃𝒂May bunga ang bawat puyat, sakripisyo, at pagsisikap. Bilang pagkilala s...
15/08/2026

𝑷𝑹𝑶𝑱𝑬𝑪𝑻 𝑻𝑨𝑵𝑮𝑳𝑨𝑾 🎓
𝑨𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒈𝒖𝒎𝒑𝒂𝒚 𝒎𝒐, 𝒕𝒂𝒏𝒈𝒍𝒂𝒘 𝒏𝒈 𝒊𝒃𝒂

May bunga ang bawat puyat, sakripisyo, at pagsisikap.

Bilang pagkilala sa tagumpay ng ating mga kabataan, bukas na ang aplikasyon para sa ating Project TANGLAW, isang programa ng Sangguniang Kabataan ng Pilig Abajo para sa ating mga college graduates at board passers.

𝑴𝑮𝑨 𝑲𝑨𝑰𝑳𝑨𝑵𝑮𝑨𝑵:

• Certificate of Indigency
• Photocopy of Diploma — para sa graduates
• Proof of Passing the Board Examination — para sa board passers
• Request Letter
• Photocopy of Valid ID

🗓️ Application Period:
𝟏𝟓–𝟐𝟏 Agosto 𝟐𝟎𝟐𝟔

Kung ikaw ay kabilang sa ating mga bagong graduates o board passers, huwag palampasin ang pagkakataong ito.

𝙀𝘿𝙐𝘼𝙆𝙎𝙔𝙊𝙉 | 𝙇𝙞𝙣𝙜𝙜𝙤 𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙗𝙖𝙩𝙖𝙖𝙣 2026Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 𝙇𝙞𝙣𝙜𝙜𝙤 𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙗𝙖𝙩𝙖𝙖𝙣 2026 na may temang “Youth Advancin...
02/08/2026

𝙀𝘿𝙐𝘼𝙆𝙎𝙔𝙊𝙉 | 𝙇𝙞𝙣𝙜𝙜𝙤 𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙗𝙖𝙩𝙖𝙖𝙣 2026

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 𝙇𝙞𝙣𝙜𝙜𝙤 𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙗𝙖𝙩𝙖𝙖𝙣 2026 na may temang “Youth Advancing Multilateral Cooperation through Technology and Partnerships,” matagumpay na isinagawa ng 𝙎𝙖𝙣𝙜𝙜𝙪𝙣𝙞𝙖𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙗𝙖𝙩𝙖𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙋𝙞𝙡𝙞𝙜 𝘼𝙗𝙖𝙟𝙤 ang "𝙋𝙧𝙤𝙮𝙚𝙠𝙩𝙤𝙣𝙜 𝙀𝙙𝙪𝘼𝙠𝙨𝙮𝙤𝙣" ngayong hapon, 𝘼𝙜𝙤𝙨𝙩𝙤 2, 2026.

Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng Oplan Linis na sumasalamin sa diwa ng pagkakaisa, pananagutan, at aktibong pakikilahok ng kabataan sa pagpapanatili ng malinis at maayos na komunidad.

Matapos nito ay ipinamahagi natin ang tulong pinansyal para sa ating mga Senior High School students bilang suporta sa kanilang pag-aaral.

Bilang pagpapatuloy ng pagdiriwang sa Buwan ng Kabataan, nakatakdang ilunsad ng SK Pilig Abajo ang 𝙋𝙧𝙤𝙟𝙚𝙘𝙩 𝙏𝘼𝙉𝙂𝙇𝘼𝙒, isang programang naglalayong kilalanin at bigyang suporta ang mga kabataang nagsipagtapos ngayong academic year at ang mga bagong propesyonal na matagumpay na nakapasa sa Board Examinations na isinasagawa ng Professional Regulation Commission (PRC).

Ang TANGLAW ay sumisimbolo sa liwanag na dala ng bawat kabataang nagsusumikap at nagtatagumpay. Naniniwala kami na ang kanilang mga kwento ng pagsisikap at tagumpay ay magsisilbing gabay at inspirasyon sa kapwa kabataan na patuloy na mangarap at magsikap.

Sa pamamagitan ng mga programang tulad ng 𝙀𝙙𝙪𝘼𝙠𝙨𝙮𝙤𝙣 at 𝙋𝙧𝙤𝙟𝙚𝙘𝙩 𝙏𝘼𝙉𝙂𝙇𝘼𝙒, patuloy nating itinataguyod ang kabataang may pangarap, kakayahan, at malasakit sa komunidad.

𝙎𝙖𝙢𝙖-𝙨𝙖𝙢𝙖 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙡𝙖𝙠𝙖𝙨𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙗𝙖𝙩𝙖𝙖𝙣. 𝙎𝙖𝙢𝙖-𝙨𝙖𝙢𝙖 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙞𝙥𝙖𝙜𝙥𝙖𝙩𝙪𝙡𝙤𝙮 𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙞𝙣𝙖𝙗𝙪𝙠𝙖𝙨𝙖𝙣.





𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗧𝗜 𝗦𝗔 𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗜𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦!✨Buong pagmamalaking binabati ng 𝗦𝗮𝗻𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗴 𝗔𝗯𝗮𝗷𝗼 ang lahat ng ati...
27/07/2026

𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗧𝗜 𝗦𝗔 𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗜𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦!✨

Buong pagmamalaking binabati ng 𝗦𝗮𝗻𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗴 𝗔𝗯𝗮𝗷𝗼 ang lahat ng ating mga kabataang nagsipagtapos ngayong Academic Year 2025–2026!

Ang pagtatapos ay hindi wakas, kundi simula ng panibagong paglalakbay. May mga landas na hindi pa malinaw, mga pangarap na unti-unting mabubuo, at mga hamong haharapin. Ngunit sa bawat hakbang, dalhin ninyo ang mga aral, pangarap, at tapang na nabuo sa inyong paglalakbay.

Gaya ng sinabi ni Helen Keller:

“Life is either a daring adventure or nothing at all.”

Kaya huwag matakot sa bagong simula. Mangarap. Sumubok. Magkamali. Bumangon. At magpatuloy. Sapagkat ang pinakamagandang bahagi ng buhay ay maaaring nasa mga landas na hindi pa ninyo natatahak.

𝗖𝗼𝗻𝗴𝗿𝗮𝘁𝘂𝗹𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀, 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗴 𝗔𝗯𝗮𝗷𝗼! 🎓💙

𝗣𝗮𝗱𝗮𝘆𝗼𝗻! Malayo pa ang inyong mararating.

𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗧𝗜, 𝗔𝗡𝗧𝗛𝗢𝗡𝗬 𝗠𝗔𝗠𝗔𝗨𝗔𝗚 𝗧𝗔𝗚𝗔𝗢! 🏆Buong pagmamalaking ipinapaabot ng "𝗦𝗮𝗻𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗴 𝗔𝗯𝗮𝗷𝗼" ang aming taos...
27/07/2026

𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗧𝗜, 𝗔𝗡𝗧𝗛𝗢𝗡𝗬 𝗠𝗔𝗠𝗔𝗨𝗔𝗚 𝗧𝗔𝗚𝗔𝗢! 🏆

Buong pagmamalaking ipinapaabot ng "𝗦𝗮𝗻𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗴 𝗔𝗯𝗮𝗷𝗼" ang aming taos-pusong pagbati kay 𝗔𝗻𝘁𝗵𝗼𝗻𝘆 𝗠𝗮𝗺𝗮𝘂𝗮𝗴 𝗧𝗮𝗴𝗮𝗼, 𝟳 𝘁𝗮𝗼𝗻𝗴 𝗴𝘂𝗹𝗮𝗻𝗴, sa kanyang kahanga-hangang pagganap at pagkamit ng mga parangal sa 𝟭𝘀𝘁 𝗝𝗖𝗜 𝗧𝘂𝗴𝘂𝗲𝗴𝗮𝗿𝗮𝗼 𝗞𝗮𝗿𝗮𝘁𝗲𝗱𝗼 𝗖𝗵𝗮𝗺𝗽𝗶𝗼𝗻𝘀𝗵𝗶𝗽: “𝗕𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗟𝗶𝗱𝗲𝗿, 𝗕𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗿𝗮𝘁𝗲𝗸𝗮.”

Sa pamamagitan ng disilpina, determinsayon, tiyaga, at dedikasyon, matagumpay na nakamit ni Anthony ang mga sumusunod na parangal:

🥇 𝗚𝗶𝗻𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗠𝗲𝗱𝗮𝗹𝘆𝗮 – Foundation Kata
🥈 𝗣𝗶𝗹𝗮𝗸 𝗻𝗮 𝗠𝗲𝗱𝗮𝗹𝘆𝗮 – Beginners Kumite
🥉 𝗕𝗿𝗼𝗻𝘀𝗲 𝗻𝗮 𝗠𝗲𝗱𝗮𝗹𝘆𝗮 – Foundation Kumite
🥉 𝗕𝗿𝗼𝗻𝘀𝗲 𝗻𝗮 𝗠𝗲𝗱𝗮𝗹𝘆𝗮 – Beginners Kata
🥉 𝗕𝗿𝗼𝗻𝘀𝗲 𝗻𝗮 𝗠𝗲𝗱𝗮𝗹𝘆𝗮– Beginners Male Team Kata
🥉 𝗕𝗿𝗼𝗻𝘀𝗲 𝗻𝗮 𝗠𝗲𝗱𝗮𝗹𝘆𝗮 – Beginners Mixed Gender Kata

Ang mga tagumpay na ito ay patunay ng kanyang sipag at dedikasyon sa patuloy na paglinang ng kanyang kakayahan sa larangan ng karate. Patuloy kang magsanay nang may sipag, makipagtagisan nang may kababaang-loob, at mangarap nang higit pa.

𝗕𝗶𝗻𝗮𝗯𝗮𝘁𝗶 𝗸𝗮 𝗻𝗮𝗺𝗶𝗻, 𝗔𝗻𝘁𝗵𝗼𝗻𝘆! 𝗜𝗽𝗶𝗻𝗮𝗴𝗺𝗮𝗺𝗮𝗹𝗮𝗸𝗶 𝗸𝗮 𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗴 𝗔𝗯𝗮𝗷𝗼!

Ang 𝗦𝗮𝗻𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗴 𝗔𝗯𝗮𝗷𝗼 ay patuloy na kumikilala, sumusuporta, at nagdiriwang sa bawat tagumpay ng ating mga kabataan. 💙💛





Isang masigla at makabuluhang pagdiriwang ng "52nd Nutrition Month" ang isinagawa noong "Hulyo 23, 2026" sa Pilig Abajo ...
27/07/2026

Isang masigla at makabuluhang pagdiriwang ng "52nd Nutrition Month" ang isinagawa noong "Hulyo 23, 2026" sa Pilig Abajo Multipurpose Hall, na may temang “Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!”

Bilang bahagi ng pagdiriwang, ang Sangguniang Kabataan ng Pilig Abajo ay namahagi ng simpleng regalo at nagsagawa ng feeding program para sa ating mga minamahal na Day Care pupils. Ito'y isang munting paraan upang maipadama sa kanila ang pagmamahal, malasakit, at pagpapahalaga sa kanilang kalusugan at wastong nutrisyon.

Hindi rin natapos sa ating Day Care Center ang pagbabahagi ng kabutihan. Isinagawa rin ang feeding program sa Pilig Abajo Elementary School, ito ay bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng malusog at masiglang kabataan.

Ang gawaing ito ay naging posible sa sama-samang pagkilos at suporta ng Sangguniang Kabataan Officials, Day Care Teacher, BNS, BHW's, at ng Sangguniang Barangay na pinamumunuan ni Hon. Fernando M. Rodriguez. Isang taos-pusong pasasalamat din kay Ma’am Roselily Baquiran at sa kanyang mga kasama sa kanilang mahalagang suporta at pakikiisa upang maging matagumpay ang gawaing ito.

Sa Pilig Abajo, pinatutunayan natin na ang kalusugan at nutrisyon ng bawat bata ay pananagutan ng buong pamayanan. Sa bawat batang ating napangangalagaan, sama-sama nating hinuhubog ang mas malusog at mas masiglang kinabukasan. 🌱💚

Address

Pilig Abajo, Isabela
Cabagan
3328

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pilig Abajo-Sangguniang Kabataan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Pilig Abajo-Sangguniang Kabataan:

Shortcuts

Share