City Health Center 9 Obrero

City Health Center 9 Obrero

Share

Official page of City Health Center 9 Obrero under LGU of Cabanatuan City and Cabanatuan City Health Office.

17/10/2025

🌟 MAGANDANG BALITA para sa mga naninirahan sa CABANATUAN CITY! 🌟

Ang Vaccine Operation Center (City Hall Gym) ay magbubukas sa OKTUBRE 18, 2025, at sa mga susunod na Sabado, mula 9AM hanggang 1PM para sa libreng bakuna ng mga sanggol at check-up ng mga buntis! πŸ‘ΆπŸ€°Layunin ng programa na mabigyang serbisyo ang mga magulang na hirap makapunta sa regular na bakunahan na ginagawa ng mga Health Center sa kanilang mga sakop na barangay tuwing Lunes hanggang Biyernes.

πŸ—“οΈ Kung nais po ninong mgpabakuna narito po ang google link para kayo ay makapag schedule.

https://bit.ly/BakunaandPrenatalRegistrationForm

Tara na at suportahan ang programang ito para sa kalusugan ng ating mga anak at mga ina! πŸ’‰πŸ’ͺ

Para sa karagdagang detalye o mga dagdag na katanungan, maaari pong mag-message sa page o magpadala ng mensahe sa VOC Hotline (0998-500-2729).

LIKE, FOLLOW at SHARE at tulungan kaming mapanatiling malusog ang lungsod ng ! πŸ’•

27/07/2025
Photos from City Health Center 9 Obrero's post 24/02/2025
Photos from City Government of Cabanatuan's post 24/02/2025
17/01/2025

Pabatid sa Publiko,'

Magandang Araw mga Kabaranggay! ang CITY HEALTH CENTER 9 OBRERO ay Nagsasagawa ng VIA para sa mga kababaihan.

🌸 Visual Inspection with Acetic Acid (VIA) Test: Isang Simpleng Paraan para sa Kalusugan ng Cervix! 🌸

Para sa mga kababaihan, ang Visual Inspection with Acetic Acid (VIA) ay isang mahalagang paraan ng pagsusuri na tumutulong upang matukoy ang mga posibleng problema sa cervix, tulad ng mga abnormal na cells na maaaring magdulot ng cervical cancer.

πŸ’‘ Bakit Mahalaga?

Ang VIA test ay isang mabilis, mura, at simpleng paraan upang maagang matukoy ang mga abnormalidad sa cervix. Sa pamamagitan nito, mas madali nating maagapan ang mga kondisyon tulad ng cervical cancer.

πŸ‘‰ Kung ikaw ay isang babae, huwag kalimutang magpa-schedule ng VIA test para sa iyong kalusugan! πŸ’–

para sa mga katanungan maari po tayong pumunta sa ating HEALTH CENTER (CITY HEALYTH CENTER 9 OBRERO) para sa mga kasagutan at sa pag iskedyul. Maari din pong tumawag sa numerong ito 09985002710, maraming salamat po.

Photos from City Health Center 9 Obrero's post 17/01/2025

Hand, Foot and Mouth Disease (HFMD)

09/01/2025

Ongoing po ang Flu vaccination para sa mga edad 10 years old pataas..mangyari lamang po na pumunta sa pinaka malapit na health Center..Maraming salamat po

01/10/2024

Kahalagahan ng School-Based Immunization Program ng para sa mga mag-aaral ng Grade 1, Grade 4, at Grade 7.

Layunin ng programang ito na tiyaking ang ating mga anak ay protektado laban sa mga nakakahawang sakit sa pamamagitan ng pagbabakuna.

Ano ang mga Bakunang Ibibigay?

MR-Td Vaccine (Measles-Rubella at Tetanus-Diphtheria):
Ang bakunang ito ay ibibigay sa mga estudyante ng Grade 1 at Grade 7. Ito ay may dalawang pangunahing sangkap:

Measles-Rubella (MR): Proteksyon laban sa tigdas (measles) at rubella (German measles). Ang tigdas ay isang seryosong sakit na maaaring magdulot ng komplikasyon tulad ng pulmonya, pagkabingi, at pamamaga ng utak. Samantala, ang Rubella ay isang viral infection na maaaring magdulot ng birth defects kapag nahawa ang buntis na babae.

Tetanus-Diphtheria (Td): Ang tetano ay maaaring magdulot ng lock jaw, matinding paninigas ng kalamnan, mataas na lagnat at hirap sa pag hinga, habang ang dipterya naman ay maaaring magdulot ng pagkabara ng daanan ng hangin at iba pang komplikasyon. Ang dalawang sakit na ito ay maaaring magdulot ng kamatayan kung hindi maagapan.

HPV Vaccine (Human Papillomavirus):

Ang HPV vaccine ay ibibigay sa mga Grade 4 na babaeng estudyante na may edad 9-14 taon. Ang HPV ay isang virus na karaniwang sanhi ng cervical cancer sa mga kababaihan. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng HPV vaccine sa maagang edad, nagkakaroon ng mataas na proteksyon laban sa mga uri ng HPV na maaaring magdulot ng cancer. Ang bakuna ay lubos na epektibo kung ibibigay bago magsimulang maging sexually active ang isang babae, kaya’t target nito ang mga batang nasa edad 9-14.

Kasaysayan ng HPV Vaccine
(Gardasil)

Ang Gardasil ay isa sa mga pinakakilalang brand ng bakunang HPV na unang inaprubahan ng FDA (Food and Drug Administration) noong 2006. Ito ay ginawa upang magbigay proteksyon laban sa apat na uri ng HPV (types 6, 11, 16, at 18). Dalawa sa mga uri nito (HPV 16 at 18) ang pangunahing sanhi ng cervical cancer, habang ang iba naman (HPV 6 at 11) ay nagdudulot ng ge***al warts.

2006: Inilabas ang Gardasil bilang unang bakunang HPV. Ito ay idinisenyo upang magbigay ng proteksyon sa mga kabataang babae at lalaki laban sa HPV, na sanhi ng cervical cancer, ge***al warts, at iba pang mga uri ng cancer tulad ng a**l at oropharyngeal cancer.

impormasyon Ukol Sa Bakuna

Iwas malubhang sakit at kamatayan: Ang Measles, Rubella, Diptheria , Tetano at Human Papilloma Virus ay delikado, maaring mag dulot ng kanser at nakamamatay. kaya kailangan mabakunahan ang mga bata laban sa mga ito.

Ligtas at epektibo ang bakuna: Ang mga bakunang ibibigas sa inyong mga anak ay ligtas at epekto. Dumaan ang mga ito sa masusing pag-aaral ng mga eksperto.

Libre sa Bakuna Eskwela: Ang mga bakunang ito ay libre at makukuha sa mga pambublikong paaralan.

Ang School-Based Immunization Program ay isang napakahalagang hakbang upang protektahan ang kalusugan ng ating mga anak. Hinihikayat po namin ang lahat ng mga magulang na payagan ang inyong mga anak na mabakunahan para sa kanilang proteksyon at kaligtasan. Maraming salamat po sa inyong pakikiisa!

27/09/2024

"Libreng Bakuna, Iwas Pag Aalala!"

bakuna laban sa Tigdas at Tetano para sa Grade 1 at Grade 7, bakuna laban sa Cervical Cancer para sa mga Grade 4 edad (9-14) na batang babae na gaganapin sa mga pampublikong eskwelahan ngayon buwan ng Oktubre.

Tara na! Pabakunahan ang ating mga anak at maging bahagi ng Proteksyon, Makiisa sa Bakuna Eskwela!πŸ’‰πŸ’‰πŸ’ͺπŸ’ͺπŸ’ͺ

Want your business to be the top-listed Government Service in Cabanatuan City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


Purok 2 Brgy. Obrero
Cabanatuan City
3100

Opening Hours

Monday 8am - 6pm
Tuesday 8am - 6pm
Wednesday 8am - 6pm
Thursday 8am - 6pm
Friday 8am - 6pm