Magandang umaga po, dahil bago ang doctor, mga nurse at midwife ng City Health Center 8, mag-iikot po muna sila sa lahat ng barangay ngayong araw upang mag-courtesy call sa mga kapitan at mag-aayos ng health center. Maaari po magpunta sa City Health Office ang mga nais magpa-check up. Salamat po.
Cabanatuan City Health Center 8 - Camp Tinio
Official page ng Cabanatuan City Health Center 8 - Camp Tinio, under ng LGU Cabanatuan at City Health Office Telekonsulta
2. Bakuna ng sanggol
4.
Ang mga sumusunod na serbisyo ay ibinibigay ng Cabanatuan City Health Center 8 - Camp TInio sa mga barangay na nasasakupan nito:
1. Issuance ng Health Clearance for Travel
3. Family Planning (condom, pills, injectable, implant)
5. Libreng testing at gamutan ng TB
6. Libreng gamot sa highblood at diabetes (depende sa supply)
7. Monitoring ng mga suspected, probable at confirmed COVID
8. Pagbibigay
Paunawa po:
Nasa 400+ po ang kaso namin sa mga hawak ko pong barangay. As of today, 204 sa CHC 3 Bangad at 229 po sa CHC 8 Camp Tinio. Hinihiling po namin ang pang-unawa at pasensya ng lahat ng aming mga kliyente. Susubukin po naming gawin ang aming makakaya para mapagserbisyuhan po kayo na maayos
➡️ Lahat po ng magpapakonsulta ay maaaring dumiretso sa E-Konsulta CHC Bangad FB Page. I-click ang sumusunod na link:
http://m.me/ekonsultabangad
➡️ Ang mga nag-nanais po ng swab test ay maaaring tumawag o mag-teks sa aming mga hotline
CHC 3 Bangad - 0919-081-2883
CHC 8 Camp Tinio - 0919-081-2895
Ipinapaalala po na ang libreng antigen test ay FOR SCREENING PURPOSES. Hindi po kami nag-iissue ng official result. Ipinapaalala din po na ang testing ay para sa mga taong may sintomas ng COVID, at sa mga close contacts ng aming COVID cases
➡️ May special hotline / FB page po kami para sa teleconsultation ng COVID clients namin. Ang mga positibo sa ANTIGEN o PCR ay maaring tumawag o magteks sa hotline numbers para sa link papunta sa COVID Hotline ng CHC 3 at CHC 8.
Sa mga may sintomas ng COVID at sa mga pasyente po namin at mga close contacts nila, pkibasa po ang mga sumusunod na paalala po habang naghihintay po ng reply:
✅ Ang COVID po ay dahil sa virus, kusa itong gagaling at karamihan ng pasyente ay magkakaroon lang ng mild na sintomas. Hindi kailangan ng antibiotic para gumaling ang impeksyon ng COVID. Maging responsable sa paggamit nito at hintayin ang reseta ng doktor.
✅ Ang gamutan SA COVID ay nakadepende sa sintomas ng pasyente. Maaari pong magbigay ng pampaluwag ng plema at pampigil sa pag-ubo kung may ubo, mga pampaluwag ng sipon kung may sipon, o Paracetamol kung may lagnat o masakit ang katawan. Hindi kailangan ang agarang antibiotic. Hindi rin kailangan ang oral steroids kung hindi severe ang nakuhang impeksyon.
✅ Ang may COVID infection, at ang mga close contact na may sintomas, ay kinakailangang mag-isolate ng HINDI BABABA SA SAMPUNG ARAW. Maaaring tapusin ang isolation at ideklarang RECOVERED kapag nawalan na ng sintomas ng hindi bababa sa sampung araw.
✅ Ang mga CLOSE CONTACTS ay dapat magquarantine ng hindi bababa sa 14 na araw, kahit negatibo ang resulta ng antigen o PCR test. Ang di pagsunod sa nakatakdang quarantine, at sa advise ng inyong Health Center, ay pozibleng paglabag po sa R.A. 11332 at may kaukulang parusa sa batas.
✅ Ang antigen test po ay pinakamagandang gamitin sa una hanggang limang araw ng mga sintomas. Ang mga CLOSE CONTACT na may sintomas ay agarang itetest ng aming tanggapan. Ang mga CLOSE CONTACT na WALANG SINTOMAS ay itetest lima hanggang pitong araw mula sa kanilang HULING EXPOSURE sa taong positibo sa COVID.
✅ Kailangan ang PULSE OXIMETER para sa monitoring. Ginagamit ito upang makita ang lebel ng oxygen sa dugo. Ang mga pasyenteng may oxygen level na 92% pababa ay may severe COVID, at kinakailangan nilang gumamit ng medical oxygen. Kadalasang nagpapakita ang severe COVID isang linggo matapos magsimula ang mga sintomas.
✅ Ireport ang lahat ng close contacts sa aming Health Center. Iwasan ang self quarantine at magreport sa barangay at sa kawani ng Health Center. Hindi po maiissuehan ng anumang clearance ang mga hindi po magpaparamdam sa aming tanggapan.
✅ Puno na po ang ating mga ospital, at ang mga nagnanais maadmit, kahit naka-oxygen ang pasyente, ay nangangailanggang pumila po for admission. Sumunod po sa minimum health standards - magsuot ng mask, magsocial distancing, at iwasan ang mga public gatherings, upang maiwasang magkaroon ng COVID.
Muli hinihiling po namin ang inyong pang-unawa kung sakaling hindi po kami makasagot agad sa inyong mga concerns. Maraming salamat po at magandang araw.
[DOK]
Magpacheckup po sa sumusunod na FB Messenger:
http://m.me/ekonsultabangad
Mahalagang paalala:
Gawing habit po ang magsabi agad kapag may sintomas ng trangkaso. Ang antigen test ay pinakamagandang gawin sa una hanggang ika-limang araw ng paglabas ng mga sintomas. Ang delay sa pagtest ay maaaring magresulta sa NEGATIBONG RESULTA, at sa hindi sapat na isolation ng isang taong posibleng may dala ng virus.
Liban dito, pinapaalala sa lahat na ang COVID-19 ay nakakahawa dalawang araw bago magpakita ang mga sintomas. Kawawa po ang mga close contact kung sakaling late magpatest ang pasyente.
Ang mga taong may sintomas (na nakatira sa mga barangay na aming hawak) ay hinihimok magteks sa aming Hotline bilang 0919-081-2895. Isend ang sumusunod na mga detalye para ma-ischedule ang inyong antigen test:
Pangalan ng Pasyente:
Edad:
Address:
Contact No.:
Petsa kung kailan nagkasinyomas:
Mga sintomas:
Pakiusap po sa lahat na huwag matakot malaman kung may COVID po kayo o wala. Hindi po madaling solusyunan ang pandemya kung ang mga nakatira sa barangay ay mananatiling in denial sa totoong lagay ng kanilang pangangatawan. Kapag may lagnat na may ubo't ipa bang sintomas ng trangkaso, COVID ang unang isipin, hindi po yung "NAULANAN LANG AKO".
P.S. Ang antigen test ng aming tanggapan ay FOR SCREENING PURPOSES. Ito ay para sa mga taong nagpapakita ng sintomas ng COVID-19, at/o mga naging close contact ng confirmed cases. Ang mga mangangailangan ng printed official result ay hinihikayat magpatest sa mga DOH-accredited na laboratory. Ang mga magpopositibo sa antigen test na gagawin ng aming tanggapan ay dadaan sa libreng RT-PCR. Sila ay sasailalim sa mandatory isolation na hindi bababa sa sampung araw.
May lagnat + ubo, plus iba pang sintomas ng trangkaso?
Pa-ANTIGEN mo na yan.
Tumawag sa 0919-081-2895.
Kalilangang magpakonsulta? I-click ang sumusunod na link:
http://m.me/ekonsultabangad
Magandang araw po sa mga mamayang naninirahan sa mga barangay na sakop ng Cabanatuan City Health Center 8 - Camp Tinio at Cabanatuan City Health Center 3 - Bangad.
Ipinapaalam po sa lahat na simula June 18, ang sumusunod na FB Page sa ibaba ang gagamitin ng doktor ng aming tanggapan bilang Teleconsultation Hotline:
E-Konsulta CHC Bangad
Asahan ang pagsagot WITHIN THE DAY sa mga medical concerns na maipapadala Lunes hanggang Biyernes, 8:00AM hanggang 12:00NN. Maaari rin pong tumawag sa mga sumusunod na Hotline upang makausap ang mga Nurse ng aming tanggapan:
CHC 3 - Bangad Hotline: 0919-081-2883
CHC 8 - Camp Tinio Hotline: 0919-081-2895
Ang Teleconsultation Hotline ay sasagot sa mga NON-URGENT MEDICAL CONCERNS ng mga kliyente. Ang mga EMERGENCY CONCERNS ay pinapayuhang dumiretso sa ospital, o tumawag sa mga sumusunod na Hotline number:
MVG Hospital 0919-089-9880
CDRRMO 0919-081-1394
LIKE ang aming FB Page at i-SHARE ang aming post upang maipaalam sa inyong mga kamag-anak at mga kabarangay. Maraming salamat at magandang araw.
Ipinapaalala po na ang CLOSE CONTACT ng CLOSE CONTACT ay kinakailangan lamang sumunod sa minimum health standards. Hindi po nangangailangan na magsagawa ng quarantine, pero kinakailangan po nilang magreport agad sa Health Center kung magkaroon sila ng mga sintomas ng COVID-19.
Siguruhing may abiso ng aming tanggapan kung nagsasagawa ng SELF-QUARANTINE. HINDI PO MAG-IISSUE NG QUARANTINE CLEARANCE para sa mga hindi po binigyan ng center ng advice para mag-QUARANTINE.
May mga lumalapit po sa amin na "di umano" pinag-QUARANTINE ng kanilang kumpanya, ngunit wala naman po sa listahan namin ng mga CLOSE CONTACTS. Magpakita po ng katunayan galing sa inyong kumpanya bago magsimulang magkulong sa bahay.
Muli, HINDI po mag-iissue ng QUARANTINE CLEARANCE para sa sinumang mag-SELF QUARANTINE na lingid sa aming kaalaman. Huwag pong abusuhin ang sistema. Salamat po.
Nagkaroon ng banayad na COVID (hindi kinailangang maospital) o close contact ng may COVID? Basahin po at unawain ang discharge criteria na inilathala ng DOH na base sa nakalap na ebidensya.
✅ CONFIRMED CASE (antigen man o PCR)
Isolation na hindi bababa sa SAMPUNG ARAW. Matatapos ang isolation kung nakakumpleto na ng MINIMUM SAMPUNG ARAW, AT ang pasyente ay wala nang sintomas tulad ng ubo't lagnat sa nakalipas na 3 araw. Hindi po required ang karagdagang testing.
✅ CLOSE CONTACT (base sa criteria ng pagiging close contact, i.e. less than 1 meter na pakikisalamuha, 15 mins o higit pa, at di paggamit ng
tamang proteksyon pag nagaalaga ng pasyenteng may COVID)
Manatili lamang sa bahay at magquarantine ng 14 days. Kung magkaroon ng sintomas, saka po itetest. Kung hindi magkasintomas, OK na. Pwede na pong lumabas.
Tandaan po, base sa ebidensya:
➡️ Ang mga pasyenteng tapos na ng quarantine matapos ang AT LEAST SAMPUNG ARAW, at wala nang sintomas sa nakalipas na 3 arae bago lumabas, AY HINDI NA NAKAKAHAWA at HINDI DAPAT KATAKUTAN.
➡️ Hindi na required ang test sapagkat TIME-BASED at SYMPTOMS-BASED ang basehan ng recovery. Ang PCR ng isang pasyenteng recovered na at walang sintomas ay maaari pa ring mag-POSITIBO sapagkat nakakadetect ang test ng genetic material ng patay na virus. PERO hindi po LAB RESULT ang ating ginagamot.
➡️ Ang ANTIGEN TEST ay pinakamagandang gawin kapag may sintomas na ang taong may exposure sa COVID sapagkat mas magaling ang kakayahan ng test na magdetect ng COVID kung may sintomas na ang tao. Dagdag pa rito, ANG NEGATIVE COVID TEST ng isang may exposure ay HINDI NANGANGAHULUGAN na WALA KANG COVID.
➡️ Base sa ebidensyang nakalap sa nakalipas na isang taon ng pandemya, ang COVID, liban na lamang sa mga variant, ay nakakahawa SAMPUNG ARAW mula sa magsimula ang sintomas. Liban dito, pag naexpose sa isang taong may COVOD, maaaring abutin ng DALAWANG LINGGO bago magpakita ang mga sintomas.
➡️ Ang pagsunod sa minimum health standards at mga paalala (tulad ng pagsuot ng mask, paghuhugas ng kamay, social distancing, at pag-iwas sa paglabas ng bahay) ANG MAKAKATULONG SA PAG-IWAS SA COVID. Hindi mapipigilan ng testing ang pagkalat ng COVID sa inyong kabahayan.
Malaki ang maitutulong po ng pagsunod sa Quarantine at testing guidelines para mapabagal ang pagkalat ng COVID sa ating lungsod.
LIKE at SHARE upang makapagbigay ng tamang kaalaman at mabawasan ang pangamba. Maaaring magmessage sa aming FB Page para sa inyong mga katanungan at concerns. Maraming salamat po at magandang araw.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the business
Telephone
Website
Address
Cabanatuan City
3100
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |
