CTES - Special Needs Education
The OFFICIAL Page of CTES - Special Needs Education Program
SPECIAL NEEDS EDUCATION THANKSGIVING AND CLOSING CEREMONY
March 25, 2026 l Wednesday
25/03/2026
Pagdiriwang ng Kakayahan at Tagumpay! ✨
Isang makulay, makahulugan, at puno ng inspirasyong araw ang nasaksihan sa katatapos lamang na Special Needs Education (SNED) Thanksgiving and Closing Program Ceremony ng Camp Tinio Elementary School.
Sa bawat ngiti, palakpak, at pagtatanghal, ipinakita ng ating mga Batang Kampo na walang hangganan ang talento at kakayahan—patunay na sa tamang gabay, pagmamahal, at suporta, bawat bata ay kayang magningning. l
Kasama ang mga g**o, magulang, at panauhin, sama-samang ipinagdiwang ang tagumpay ng taon at ang panibagong pag-asa para sa mas inklusibo at mas maliwanag na kinabukasan.
Mabuhay ang Batang Kampo—patuloy na aangat, lalaban, at magtatagumpay!
KAYA KO RIN
(Verse 1)
Sa bawat tingin nila, ako’y naiiba,
Tahimik man minsan, may saya sa mata.
Sa puso ko’y buhay ang pangarap ko rin,
May liwanag akong nais ipakita sa’yo.
(Chorus)
Kaya ko rin, ako’y may galing,
Sa simpleng paraan, ako’y nagniningning.
Di man katulad ng iyong nakikita,
Ako’y mahalaga, ako’y espesyal na bata.
Kaya ko rin, ako’y may lugar,
Sa mundong puno ng pag-asa’t pagmamahal.
Hawak ang saya, taas noo’t sigaw,
Ako’y natatangi, ipagmamalaki ko ‘to ngayon!
(Verse 2)
May araw na hirap ang aking kasama,
Pero di susuko, lalaban pa rin ako.
May kamay na gabay, may pusong matapang,
Unti-unti kong naaabot ang aking pangarap.
(Final Chorus)
Kaya ko rin, ako’y may galing,
Sa bawat hakbang, lalo pang nagniningning.
Ako’y hindi kulang, ako’y buo rin,
Sa yakap ng mundo, ako’y tatanggapin.
Kaya ko rin, pakinggan ang tinig,
Ng batang may saya at pag-asa sa dibdib.
Sabay-sabay tayong aawit at galaw,
Lahat tayo’y espesyal—ipagdiwang natin ngayon!
(Outro)
Kaya ko rin…
Kaya natin…
Good day, learners, parents, and teachers.
You are warmly invited to the 𝐓𝐡𝐚𝐧𝐤𝐬𝐠𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐝 𝐂𝐥𝐨𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐂𝐞𝐫𝐞𝐦𝐨𝐧𝐲 of the Special Needs Education Program of Camp Tinio Elementary School on 𝐖𝐞𝐝𝐧𝐞𝐬𝐝𝐚𝐲, 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐡 𝟐𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟔.
This meaningful event celebrates the growth, efforts, and achievements of our special learners, together with the love and support of their families and teachers. Let us come together in gratitude as we honor their inspiring journey this school year.
PROJECT HAND IN HAND FOR SPED STUDENTS
Isang masaya at makabuluhang Gift Giving Activity ang isinagawa ng Good Samaritan Colleges para sa mga mag-aaral ng Camp Tinio Elementary School. Tampok sa programa ang interactive storytelling na pinangunahan ni Ma’am Lourdes Sangil, School Librarian, na labis na kinagiliwan ng mga batang kampo.
Nagbahagi rin ng snacks, learning materials, at personal hygiene kits na magagamit ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral at pang-araw-araw na pangangailangan.
Lubos ang pasasalamat ng paaralan sa pangunguna ng Punong G**o IV na si Dr. Trinidad G. Beltran kasama ang mga g**o sa SNED na sina Rubylyn Singian, Franklin G. Catabas, at Lyca Regal.
Maraming salamat din sa mga nagbigay ng kanilang suporta at donasyon: Grade 8 students, STAR Organization officers, Atty. Alden De Guzman, Atty. Israel Bonete, JHS Parents Department sa pangunguna ni Ma’am Jennifer C. Martinez, ESP Coordinator, at sa JHS Boy Scouts.
Taos-puso rin ang pasasalamat sa suporta ng JHS Principal na si Prof. Rolleyfer P. Zate.
Isang paalala na sa simpleng pagtutulungan at pagbabahagi, napapawi ang pagod at napapalitan ng ngiti ang bawat puso.
13/03/2026

NATIONAL INTELLECTUAL DISABILITY WEEK
Tema: “Ginintuang Ani ng Pag-ibig Tungo sa Matagumpay at Tunay na Inklusyon”
February 20, 2026 | Friday
20/02/2026
Masayang nakiisa ang Camp Tinio Elementary School – SPED sa pagdiriwang ng National Intellectual Disability Week na may temang “Ginintuang Ani ng Pag-ibig Tungo sa Matagumpay at Tunay na Inklusyon” sa pamamagitan ng simple ngunit makabuluhang outdoor activities na nagsilbing bonding ng mga mag-aaral at kanilang mga magulang.
Isang makulay at masayang pagdiriwang na nagpaalala sa atin na ang bawat bata ay may kakayahan, halaga, at karapatang mahalin at tanggapin sa isang tunay na inklusibong komunidad.
Ngayong Febrero 14–20, 2026, buong puso nating ipinagdiriwang ang 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐥𝐥𝐞𝐜𝐭𝐮𝐚𝐥 𝐃𝐢𝐬𝐚𝐛𝐢𝐥𝐢𝐭𝐲 𝐖𝐞𝐞𝐤 sa temang: “𝙂𝙞𝙣𝙞𝙣𝙩𝙪𝙖𝙣𝙜 𝘼𝙣𝙞 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙜-𝙞𝙗𝙞𝙜 𝙏𝙪𝙣𝙜𝙤 𝙨𝙖 𝙈𝙖𝙩𝙖𝙜𝙪𝙢𝙥𝙖𝙮 𝙖𝙩 𝙏𝙪𝙣𝙖𝙮 𝙣𝙖 𝙄𝙣𝙠𝙡𝙪𝙨𝙮𝙤𝙣.”
Sa 𝐂𝐚𝐦𝐩 𝐓𝐢𝐧𝐢𝐨 𝐄𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐚𝐫𝐲 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 - 𝐒𝐩𝐞𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐍𝐞𝐞𝐝𝐬 𝐄𝐝𝐮𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦, pinapakita ng ating mga mag-aaral at g**o na ang bawat ngiti, bawat hakbang, at bawat maliit na tagumpay ay bunga ng pagmamahal, pagtutulungan, at malasakit. Sa bawat pagtanggap at pag-unawa, napapanday natin ang isang lipunang inklusibo—isang mundong may bukas na puso para sa lahat.
Sa isang mundo, sa isang puso, sama-sama nating anihin ang ginto ng pag-ibig at pag-asa—tungo sa matagumpay at makabuluhang kinabukasan para sa bawat isa. 🌟
CAMP TINIO ELEMENTARY SCHOOL NAKIKIISA SA 30TH NATIONAL AUTISM CONSCIOUSNESS WEEK 2026
Ulat ni Kampo Patroller France Sarie Martinez mula sa 6-SPJ.
Youtube: https://youtu.be/DGcb_xOwkwE
Sa Camp Tinio Elementary School, sama-sama nating ipinagdiriwang ang National Down Syndrome Consciousness Month ngayong Pebrero. Ang buwan na ito ay paalala ng kahalagahan ng pagtanggap, pag-unawa, at pagmamahal sa bawat indibidwal na may Down Syndrome. Sa pamamagitan ng simpleng gawaing pangklase, art activities, at kwentuhan, binibigyang boses natin ang kanilang kakayahan, talento, at natatanging kontribusyon sa ating komunidad.
Hinihikayat natin ang lahat na maging bukas ang puso at isip, at ipakita na sa Camp Tinio, bawat batang may espesyal na pangangailangan ay may puwang, may halaga, at may karapatang maabot ang kanilang buong potensyal. Sama-sama nating ipagdiwang ang pagkakaiba, dahil sa pagkakaiba, nagkakaroon tayo ng mas makulay at mas makabuluhang mundo.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Camp Tinio
Cabanatuan City
3100
Opening Hours
| Monday | 7am - 5am |
| Tuesday | 7am - 5pm |
| Wednesday | 7am - 5pm |
| Thursday | 7am - 5pm |
| Friday | 7am - 5pm |