Mayapyap National High School’s Brigada Eskwela 2022

Mayapyap National High School’s Brigada Eskwela 2022

Share

Welcome, mga ka-Brigada! �

06/10/2022

Kahapon, October 5, ay nagpunta sa Mayapyap National High School ang ilang kawani mula sa SDO-Cabanatuan City sa pangunguna nina SGOD Chief Dr. Wilfredo R. Sison at PSDS ng District V na si Dr. Mercy P. Cariaga. Ang layunin ng nasabing pagpunta ay upang i-validate ang mga Means of Verification (MOVs) at reports kaugnay ng nagdaang Brigada Eskwela 2022 kung saan nagkaroon ang paaralan ng iba't-ibang aktibidad na siya namang pumatok sa mga stakeholders.

Nagbigay rin ng technical assistance ang team na talagang makatutulong kung paano pang mas malalapit ang paaralan sa pagkamit ng mga karangalan sa nalalapit na Brigada Eskwela Best Implementing Schools contest na gaganapin sa susunod na taon.

14/08/2022

Mahilig ba kayong mag-selfie o mag-My Day sa FB?

Well, huwag na kayong lumayo dahil sa MNHS, may Instagramable Photobooth na nakahanda para mga trending poses ay inyong magawa! 📸🤳🏻

Para mas mag-viral ang inyong post ay gamitin lamang ang mga hashtag na: . ☺️

Syempre, hindi naman pwedeng mga ka-Brigada at Maylinians lang ang bibida sa August 17 dahil pati pets ninyong sina Bantay at Cathy ay pwedeng-pwedeng irampa. Sa pangunguna ng Cabanatuan Dog Society, kwela at nakamamanghang Dog Show ang hatid namin sa inyo! Hindi lang ’yan dahil ang Cabanatuan City Veterinary Office ay may handog na libreng Anti-Rabies vaccine para sa ating mga animal bestfriends. 🐶🐕🦮🐱🐈🐈‍⬛

Kaya naman ano pa ang hinihintay niyo? Ikondisyon na ang mga sarili at ang mga alagang a*o o pusa para makiisa sa Brigada Eskwela Culminating Week sa MNHS! See you! 🫰🏻😉

VIDEO SOURCES:

1. https://youtu.be/z7M1I2sNS8g
2. https://youtu.be/xodqRBJN378
3. https://youtu.be/isRNVpTRI08
4. https://youtu.be/X2lIovmNsUY
5. https://youtu.be/6QzcF3xdoF8
6. https://youtu.be/t8tjT9MA7yU
7. https://youtu.be/jHWKtQHXVJg
8. https://youtu.be/LUEdSzF6lOM

14/08/2022

School supplies ba ang hanap niyo, pero ayaw sa hassle na dulot ng pagdagsa ng maga mamimili nito? 🤔

Well, don’t you worry anymore! Dahil sa MNHS, pati pagbili ng school supplies ninyo ay mapapadali rito! Yes, that’s right! Hindi niyo na kailangang pumila sa mga mall, bookstore, o tindahan dahil ang tindahan ng school supplies, dinala na rin sa paaralan!

Ops, hindi pa riyan natatapos dahil ang presyo ng mga gamit pang-eskwela na mabibili sa ating Brigada Booth kagaya ng notebook, lapis, at ballpen ay halos hindi nalalayo sa presyo sa merkado at ito pa nga — bukod sa napadali na ang pagbili ninyo, nakatulong pa kayo sa pagdagdag ng pondo sa pagpapaayos ng mga silid-aralang gagamitin sa pasukan! 🫰🏻

Kung sakaling nakabili naman na kayo, pero na-stress at nanakit ang mga kalamnan dahil sa pakikipagsiksikan sa dami ng tao, tamang-tama dahil makakasama rin natin sa hapon ang mga kawani ng NE Provincial Office para sa isasagawang Medical at Dental Mission sa ating paaralan. 👩🏻‍⚕️👨🏻‍⚕️💉💊

Oh ano, Maylinians? Hindi niyo pa pino-problema ay sagot na namin kayo. Kaya naman, see you sa ating Brigada Culminating Week! 👋🏻

13/08/2022

Nais niyo bang ibirit ang lahat ng problemang kinaharap niyo nitong nagdaang mga taon?

Tamang-tama, Maylinians dahil maaari kayong maki-jam sa ating Singing Volunteer activity na gaganapin sa August 18, 2022. Take note: hindi mo na kailangang lumayo pa dahil ang videokehan ng barkadahan ay dinala na sa paaralan! 🎶🎙️

Kung hindi naman pagbirit ang sagot sa problema niyo lalo na kung ito ay usapang legal, we still got you! Magtungo lamang sa paaralan sa August 18 din mismo dahil makakasama natin sila Atty. OLIVE JANE MANUEL CORNEJO, President - IBP Nueva Ecija Chapter at Atty. DICK F. FERNANDEZ, Vice President - Nueva Ecija Chapter Chairman, Legal Aid Committee na parehong mula sa Integrated Bar of the Philipines para makausap ninyo sa mga usaping legal. ⚖️


12/08/2022

Maylinians, eto na!!! 🎉

Umpisa na naman ng mga activities na talaga namang papatok at makakatulong sa ating lahat! Kaya naman narito ang infomercial ng Bloodletting at Hybrid Ukay-ukay activities para malinawan kayo kung ano ba ang mangyayari sa August 15 na siyang unang araw ng Brigada Eskwela Culminating Week natin. 😊


11/08/2022

Mga Bes, kung nandito pa kayo sa part na ito ay maraming salamat dahil nakaabot pa kayo sa exciting part! Char! Sa August 19 ay magkakaroon ng Grand Alumni Homecoming ang mga mag-aaral na nagsipagtapos sa MNHS mula 1974 hanggang 2022. Abangan ang mga bonggang-bonggang pakulo na ngayon niyo lamang makikita at mapapanood! Magkakaroon din tayo ng concert sa araw na ito na talaga namang kahuhumalingan niyo! 🎶🎵🎸🎹🎫

Kaya naman, huwag na kayong mahiya at humanap na ng mga OOTD na isusuot para sa iba’t ibang activities na inihanda namin para sa inyo! Uyyy, huwag na rin kayong mahiya kung may mahanap kayong donors na willing tumulong sa ating paaralan para magpaayos ng mga silid-aralan para sa darating na pasukan!

Oh siya, kita-kits na lang! 🫰🏻👋🏻



Photos from Mayapyap National High School’s Brigada Eskwela 2022's post 11/08/2022

Sa August 18 naman ay usapang legal ng ihahandog sa atin ng Integrated Bar of the Philippines sa kanilang FREE Legal Consultation. Oh, mga siszt, kapag natapos maglabas ng hinaing sa ating mga lawyer ay maaari niyo pang i-extend ang inyong paglalabas ng sama ng loob sa pamamagitan naman nang pagkanta sa ating Videoke session na pangungunahan ng Filipino Department. 👩🏻‍⚖️🧑🏻‍⚖️🎶🎵🎤

Oh siya, kita-kits na lang! 🫰🏻👋🏻



Photos from Mayapyap National High School’s Brigada Eskwela 2022's post 11/08/2022

Para naman sa mga furmom and furdad na nais pabakunahan ng Anti-Rabies ang mga alaga nila, maaari kayong lumahok sa Anti-Rabies mass vaccination na isasagawa ng City Veterinary Office sa August 17. Wait, there’s more! Hindi lang pagpapabakuna ang activity na handog ng paaralan sa inyong mga furbabies dahil sa araw rin na ‘yon ay magkakaroon din ng Dog Show sa MNHS Grounds kung saan itatampok ng Cabanatuan City Dog Society ang mga a*ong may kakaibang talento. Hmm, hindi lang nga pala ‘yan dahil after manood at magpabakuna ay pwedeng-pwede kayong magpa-selfie sa Photobooth na nasa loob mismo ng paaralan (hanapin niyo na lang kung saan, chzzz). Lumapit lamang sa mg teacher mula sa English at AP Departments para makapagpa-coach ng best pose para sa ultiamte MNHS selfie experience ninyo. 🐶🦮🐕🐩🐕‍🦺📸

Oh siya, kita-kits na lang! 🫰🏻👋🏻



Photos from Mayapyap National High School’s Brigada Eskwela 2022's post 11/08/2022

Sa August 16 ay magkakaroon ng “Balik Eskwelang Volunteer” activity kung saan magbebenta ng mga school supplies sa mas mura at mas sulit na halaga ang mga g**o mula sa Science and Math departments. Sa pamamagitan nito, nakatipid na kayo, nakatulong pa sa paaralan para mas mapaganda ang ating mga silid-aralan sa darating na pasukan. Syempre naman, hindi pwedeng pisikal na aspeto lang ng paaralan ang aayusin. Kung maayos ang mga classroom, dapat lamang na malusog at maayos din ang mga gagamit nito. Kaya naman ay magkakaroon ng Medical & Demtal Mission. Balita namin, ang Provincial Government of Nueva Ecija, forda (for the) win ang cooperation! 📚✏️🖍📓📖🖊👩🏻‍⚕️👨🏻‍⚕️

Oh siya, kita-kits na lang! 🫰🏻👋🏻



Photos from Mayapyap National High School’s Brigada Eskwela 2022's post 11/08/2022

Maylinians, alam niyo ba ang latest marites?

Eto na nga! Dahil nalalapit na ang ang Culminating Week ng ating Brigada Eskwela ay bibigyan namin kayo ng pahapyaw kung ano-ano nga ba ang mga dapat nating asahan sa susunod na linggo. ☺️

Sa August 15 ay gaganapin lang naman ang Blood Letting Drive sa pangunguna at pakikiisa ng mga kawani ng Philippine Red Cross-Cabanatuan City Chapter. Sa araw ring ito ay magkakaroon ng first-ever hybrid ukay-ukay sa balat ng Mayapyap. Makakasama rin dito ang mga g**o mula sa TLE, EsP, at MAPEH departments. 💉🩸

Oh siya, kita-kits na lang! 🫰🏻👋🏻



Want your business to be the top-listed Government Service in Cabanatuan City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


Mayapyap Nortw
Cabanatuan City
3100