Camp Tinio Elementary School

Camp Tinio Elementary School

Share

The OFFICIAL Page of Camp Tinio Elementary School.

01/06/2026

BRIGADA ESKWELA 2026

Photos from Camp Tinio Elementary School's post 01/06/2026

MATAGUMPAY NA UNANG ARAW NG BRIGADA ESKWELA 2026!

Isang taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng Camp Tinio Elementary School sa lahat ng mga magulang, g**o, volunteers, at mga katuwang sa komunidad na nakiisa at naglaan ng kanilang oras, lakas, at suporta sa unang araw ng Brigada Eskwela 2026.

Sa pamamagitan ng inyong pagtutulungan at malasakit, unti-unti nating naihahanda ang ating paaralan upang maging mas malinis, ligtas, at kaaya-ayang lugar para sa ating mga mag-aaral sa nalalapit na pagbubukas ng Taong Panuruan 2026โ€“2027.

Ang inyong pagkakaisa ay patunay na ang edukasyon ay responsibilidad ng buong komunidad. Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta at pakikiisa para sa ikabubuti ng ating mga kabataan.

Sama-sama nating ipagpatuloy ang diwa ng bayanihan para sa mas maliwanag na kinabukasan ng bawat batang Camp Tinio!

01/06/2026

CAMP TINIO ELEMENTARY SCHOOL, SINIMULAN ANG ENROLLMENT
PARA SA SCHOOL YEAR 2026โ€“2027

Ulat ni Kampo Patroller Mary Grace Bruan.

Youtube: https://youtu.be/3qXi6FK-_8w

Photos from Camp Tinio Elementary School's post 01/06/2026

UNANG ARAW NG OPLAN BALIK ESKWELA 2026

Masiglang sinimulan ng Camp Tinio Elementary School ang unang araw ng enrollment para sa Taong Panuruan 2026โ€“2027. Mainit na sinalubong ng mga g**o at kawani ang mga magulang at mag-aaral na nagtungo sa paaralan upang magpatala bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Patuloy naming hinihikayat ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na i-enroll ang kanilang mga anak upang matiyak ang kanilang pagpasok sa paaralan sa darating na pasukan. Ang enrollment ay magpapatuloy hanggang Hunyo 1โ€“11, 2026.

Maraming salamat sa patuloy na pagtitiwala at pakikiisa ng ating mga magulang at komunidad. Sama-sama nating ihanda ang bawat mag-aaral tungo sa isang matagumpay at makabuluhang taong panuruan.

Mag-enroll na at maging bahagi ng pamilya ng Camp Tinio Elementary School!

01/06/2026

OPLAN BALIK ESKWELA 2026

31/05/2026

ENROLLMENT NA, BATANG KAMPO!

Inaanyayahan ang lahat ng incoming Batang Kampo na magpatala para sa darating na pasukan!

๐„๐ง๐ซ๐จ๐ฅ๐ฅ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐๐ž๐ซ๐ข๐จ๐: ๐‰๐ฎ๐ง๐ž ๐Ÿโ€“๐Ÿ“, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Halinaโ€™t maging bahagi ng isang paaralang naglilinang ng kaalaman, disiplina, at pagmamahal sa bayan! Dito sa Kampo, bawat bata ay inaalagaan, ginagabayan, at hinuhubog para sa mas maliwanag na kinabukasan.

Ihanda ang mga kinakailangang dokumento at samahan kami sa isang panibagong yugto ng pagkatuto!

Tara na, Batang Kampoโ€”simulan na ang iyong paglalakbay tungo sa tagumpay!

30/05/2026

BRIGADA ESKWELA 2026 KICK-OFF CEREMONY

Sa diwa ng bayanihan at pagkakaisa, malugod naming inaanyayahan ang lahat ng mga magulang, alumni, stakeholders, pribadong indibidwal, at mga kaibigan ng edukasyon na makiisa sa Brigada Eskwela 2026 Kick-Off Ceremony ng Camp Tinio Elementary School sa darating na Hunyo 2, 2026.

Muli nating pagtibayin ang ating sama-samang adhikain na maihanda ang ating paaralan para sa ligtas, maayos, at masiglang pagbubukas ng klase. Ang bawat oras, lakas, talento, at anumang tulong na inyong maibabahagi ay malaking ambag sa paghubog ng mas magandang kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.

Tara na at makiisa! Ang tagumpay ng paaralan ay tagumpay nating lahat.




29/05/2026

ARAL SUMMER PROGRAM 2026 NG CAMP TINIO ELEMENTARY SCHOOL, MATAGUMPAY NA NAITAGUYOD

Ulat ni Kampo Patroller Stephanie Sagun Sabado.

Youtube: https://youtu.be/LxSh4URVeaE

29/05/2026

14th Day of Aral Summer Program 2026 l Camp Tinio Elementary School
May 29, 2026 | Friday

Photos from Camp Tinio Elementary School's post 29/05/2026

Sa ika-14 na araw ng ARAL Summer Program 2026 sa Camp Tinio Elementary School, patuloy na umusbong ang saya, sigla, at aktibong pagkatuto ng mga Batang Kampo sa bawat gawaing inihanda ng mga Gurong Kampo bilang ARAL Tutors. Sa pamamagitan ng ibaโ€™t ibang interactive at enjoyable learning activities, mas naging buhay at makahulugan ang bawat araw ng programa habang unti-unting napapalakas ang kakayahan at kumpiyansa ng mga mag-aaral. Makikita sa kanilang mga ngiti at aktibong pakikilahok na tunay na nagiging masaya ang pag-aaral kapag ito ay sinasabayan ng malasakit, paggabay, at inspirasyon mula sa kanilang mga g**o.

Want your business to be the top-listed Government Service in Cabanatuan City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Campo Tinio
Cabanatuan City
3100

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 7am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 7am - 5pm