Quirino Province Online Action Center

Directions Website

Quirino Province Online Action Center The Quirino Province Online Action Center aims to make the provincial government more open, more acc

π“πˆππ†ππ€π| π†πŽπ•. π•π€ππ”πˆπ‹π€π‘, ππˆππ€ππ†π”ππ€π‡π€π 𝐀𝐍𝐆 𝐔𝐍𝐀𝐍𝐆 ππ€π†ππ”ππ”π‹πŽππ† 𝐍𝐆 π‹π”ππŽπ 𝐒𝐀 ππ€πŒπ€πŒπ€π‡π€π‹π€Upang maipagpatuloy ang pagkakaisa at m...
06/10/2026

π“πˆππ†ππ€π| π†πŽπ•. π•π€ππ”πˆπ‹π€π‘, ππˆππ€ππ†π”ππ€π‡π€π 𝐀𝐍𝐆 𝐔𝐍𝐀𝐍𝐆 ππ€π†ππ”ππ”π‹πŽππ† 𝐍𝐆 π‹π”ππŽπ 𝐒𝐀 ππ€πŒπ€πŒπ€π‡π€π‹π€

Upang maipagpatuloy ang pagkakaisa at maayos na pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan, pinangunahan ng Gobernador ng Lalawigan, Kgg. Julius Caesar S. Vaquilar, kasama sina Bise-Gobernador, Kgg. Lilybeth H. Yogyog at Provincial Administrator, G. Carmelita B. Jimenez ang isang Pagpupulong ng Lupon sa Pamamahala noong ika-2 ng Oktubre sa Audio Visual Room.

Nagtipon ang mga pinuno ng iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quirino upang talakayin ang mga usaping inihain ng bawat isa, pagsubaybay sa progreso ng mga pangunahing gawain at inisyatiba, pagpapanatili ng maayos na ugnayan at koordinasyon ng mga tanggapan, at pagtugon sa mga hamon at usaping nangangailangan ng magkakaugnay na pagkilos.

Layunin nito na mapanatili ang pagkakaisa sa direksyon ng mga tanggapan, maayos na pagpapatupad ng mga gawain, at tuloy-tuloy na operasyon ng pamahalaan sa paghahatid ng serbisyo sa mga Kailyans.

Muling pinagtibay ng pagpupulong na ito ang mensahe ni Gov. Vaquilar sa kanyang talumpati na ang magandang kinabukasan ng Quirino ay nakasalalay sa sama-samang suporta at pagkilos ng bawat isa tungo sa iisang layunin ng pag-unlad ng lalawigan.

HAPPY TEACHERS' DAY! πŸ‘©β€πŸ«πŸ‘¨β€πŸ«πŸ§‘Maraming salamat sa ating mga g**o na araw-araw nagtuturo, gumagabay, at nagbibigay-inspiras...
05/10/2026

HAPPY TEACHERS' DAY! πŸ‘©β€πŸ«πŸ‘¨β€πŸ«πŸ§‘

Maraming salamat sa ating mga g**o na araw-araw nagtuturo, gumagabay, at nagbibigay-inspirasyon sa ating mga kabataan. Saludo kami sa inyong sipag, tiyaga, at malasakit. Mabuhay ang ating mga g**o! 🧑

HELLO, OCTOBER! 🧑October na, mga Kailyan! Sana maging magaan, masaya, at puno ng magandang balita ang bagong buwan na it...
01/10/2026

HELLO, OCTOBER! 🧑

October na, mga Kailyan! Sana maging magaan, masaya, at puno ng magandang balita ang bagong buwan na ito. Ano ang wish ninyo ngayong October? 😊

Guess who’s in Quirino! πŸ‘€πŸ‘‘Miss Philippines Earth 2026 Rina Andrea Delos Santos paid a courtesy call on Governor Julius C...
29/09/2026

Guess who’s in Quirino! πŸ‘€πŸ‘‘

Miss Philippines Earth 2026 Rina Andrea Delos Santos paid a courtesy call on Governor Julius Caesar S. Vaquilar at the Provincial Governor's Office.

Welcome to Quirino Province, Miss Rina🧑

Kainang Pamilya Mahalaga Day! 🍽️🧑Walang katulad ang sabay-sabay na pagkain kasama ang pamilya. Sa simpleng pagsasalo sa ...
28/09/2026

Kainang Pamilya Mahalaga Day! 🍽️🧑

Walang katulad ang sabay-sabay na pagkain kasama ang pamilya. Sa simpleng pagsasalo sa hapag, nagkakaroon tayo ng oras para magkwentuhan, magkumustahan, at mas mapalapit sa isa't isa.

Kaya ngayong araw, sama-sama tayong kumain at maglaan ng oras para sa mga taong mahalaga sa atin. Kain na, mga Kailyan! πŸ₯°πŸš

26/09/2026

π“πˆππ†ππ€π| ππ€π†ππ”ππ”π†π€π˜ 𝐀𝐓 ππ€π’π€π’π€π‹π€πŒπ€π“ πŒπ”π‹π€ 𝐒𝐀 πŒπ†π€ ππ”πˆπ‘πˆππˆπ€π π’π„π€π’πŽππ€π‹ π–πŽπ‘πŠπ„π‘π’ 𝐒𝐀 π’πŽπ”π“π‡ πŠπŽπ‘π„π€

Mula pa sa South Korea, ipinahatid ng mga Quirinian Seasonal Workers ang kanilang pakikiramay at pagpupugay kay Gov. Dakila Carlo β€œDax” E. Cua.

Kanilang ipinahayag ang pasasalamat kay Gov. Dax sa pagbibigay sa kanila ng pagkakataong maging bahagi ng Seasonal Exchange Program for Farmers, na nagbukas ng oportunidad sa kanila upang makapagtrabaho bilang magsasaka sa South Korea.

Bagama’t malayo sa Quirino, nakikiisa ang mga Quirinian Seasonal Workers sa Korea sa pamilya Cua at sa buong lalawigan sa pag-alala at pagpupugay sa isang gobernador na naging bahagi ng kanilang buhay.


π“πˆππ†ππ€π | ππ€π†ππ”ππ”π†π€π˜ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πˆπ’π€ππ† π‹πˆππ†πŠπŽπƒ-ππ€π˜π€π | πƒπ€π˜ πŸ’Sa huling gabi ng burol ni Gov. Dakila Carlo β€œDax” E. Cua sa Her...
26/09/2026

π“πˆππ†ππ€π | ππ€π†ππ”ππ”π†π€π˜ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πˆπ’π€ππ† π‹πˆππ†πŠπŽπƒ-ππ€π˜π€π | πƒπ€π˜ πŸ’

Sa huling gabi ng burol ni Gov. Dakila Carlo β€œDax” E. Cua sa Heritage Memorial Park, muling nagtipon ang kanyang pamilya, mga kaibigan, kasamahan, kapwa lingkod-bayan, at mga kababayang nais magpaabot ng kanilang pakikiramay.

Sa mga nakalipas na araw, naging lugar ang kanyang himlayan para sa mga taong nagmula sa iba’t ibang bahagi ng kanyang buhayβ€”mula sa kanyang pamilya at mga malalapit na kaibigan hanggang sa mga kasamahan niya sa pamahalaan at mga kababayang nakasama niya sa mahabang paglalakbay sa paglilingkod.

Ito na ang huling gabi bago siya tuluyang ihatid sa kanyang huling hantungan.

Sa pagtatapos ng gabing ito, dala ng kanyang mga naiwan ang mga alaala ng kanyang buhay, ang mga sandaling pinagsaluhan, at ang mga taon ng paglilingkod na naging bahagi ng kasaysayan ng Quirino.

Salamat sa inyong pakikiisa at pakikiramay.


24/09/2026

Address

Cabarroguis
3400

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Quirino Province Online Action Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share