SCRIBBLER-Ortiz-Saranay Elementary School

Call Directions

SCRIBBLER-Ortiz-Saranay Elementary School



THE OFFICIAL FACEBOOK PAGE OF ORTIZ-SARANAY ELEMENTARY SCHOOL

SAFETY DRILL, ISINAGAWA SA ORTIZ-SARANAY ELEMENTARY SCHOOLOrtiz-Saranay Elementary School, Cabatuan, Isabela โ€” Setyembre...
03/09/2026

SAFETY DRILL, ISINAGAWA SA ORTIZ-SARANAY ELEMENTARY SCHOOL

Ortiz-Saranay Elementary School, Cabatuan, Isabela โ€” Setyembre 3, 2026. Isinagawa kahapon ang isang Safety Drill sa Ortiz-Saranay Elementary School bilang paghahanda sa ibaโ€™t ibang sitwasyong maaaring magbanta sa kaligtasan ng mga mag-aaral at kawani ng paaralan.

Nakibahagi sa aktibidad ang mga mag-aaral, g**o, at kawani ng paaralan, kasama ang mga kinatawan mula sa Cabatuan Police Station at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO). Layunin ng drill na maturuan ang mga kalahok ng wastong kilos at desisyon sakaling magkaroon ng emergency o insidente sa loob at paligid ng paaralan.

Binigyang-diin ng mga resource persons ang kahalagahan ng pagiging alerto, kalmado, at handa sa oras ng panganib. Ipinaalala rin sa mga mag-aaral na mahalagang makinig sa mga awtoridad at sumunod sa itinakdang safety procedures ng paaralan.

Isa sa mga tinalakay ang โ€œHide, Run, and Fightโ€, isang safety response na maaaring gamitin sa sitwasyon ng isang mapanganib na tao o banta sa loob ng paaralan.

Sa Hide, pinayuhan ang mga mag-aaral na humanap ng ligtas at tagong lugar, manatiling tahimik, at i-lock o harangan ang pintuan kung ligtas itong gawin.

Sa Run, kung may ligtas na daanan palabas, kailangang mabilis na makalayo sa pinagmumulan ng panganib at pumunta sa isang ligtas na lugar. Hindi dapat bumalik sa lugar ng insidente upang kumuha ng gamit o hanapin ang ibang tao.

Samantala, ang Fight ay itinuturing na huling paraan lamang kapag hindi na ligtas ang pagtatago o pagtakas at may agarang panganib sa buhay. Ipinaalala na dapat unahin ang kaligtasan at humingi agad ng tulong sa mga awtoridad.

Sa pamamagitan ng safety drill, higit na nahubog ang kahandaan at kamalayan ng mga mag-aaral at kawani sa tamang pagtugon sa oras ng emergency. Ipinakita rin ng aktibidad ang mahalagang pagtutulungan ng paaralan, pulisya, at MDRRMO upang mapanatili ang isang ligtas at handang komunidad ng paaralan.

๐Ÿ† PAGBATI AT PAGKILALA! ๐Ÿ†Taos-pusong pagbati at pagkilala sa lahat ng nakilahok, nagpakita ng husay, sipag, at dedikasyo...
26/08/2026

๐Ÿ† PAGBATI AT PAGKILALA! ๐Ÿ†

Taos-pusong pagbati at pagkilala sa lahat ng nakilahok, nagpakita ng husay, sipag, at dedikasyon, at nagwagi sa 2026 DISTRICT-BASED JOURNALISM ASSESSMENT na ginanap noong August 24โ€“25, 2026. ๐Ÿ“ฐโœ๏ธ

Ang inyong pakikilahok ay patunay ng inyong talento sa larangan ng Campus Journalism at ng inyong tapang na maipahayag ang katotohanan, makabuluhang kuwento, at mga kaganapan sa ating paaralan at komunidad.

Isang malaking pasasalamat din sa mga g**ong tagapagsanay, coaches, advisers, school heads, at mga magulang na patuloy na gumagabay at sumusuporta sa ating mga batang mamamahayag.

๐ŸŽ‰ CONGRATULATIONS, YOUNG JOURNALISTS! ๐ŸŽ‰

ENGLISH CATEGORY
News Writing
Partcipant: MA. ZAMANTHA BRIELLE N. DACANAY
Coach: NATHEL A. BARTOLOME

Editorial Writing
Partcipant:: ASHLYN CAILSEY B. SANTOS - 2nd Place
Coach:LUALHATI A. SUANSON

Science and Health
Partcipant: ATASHA KAMILLE A. LIBUNAO
Coach: MA. CHARISMA P. ANTONIO

Feature Writing
Partcipant: ETHAN MARITHE P. RAMOS
Coach: GRETCHEN G. RIPARIP

Column Writing
Partcipant: FREYAH KEIZHA A. GUILLERMO
Coach: GLENDA P. REYES

Photojournalism
Partcipant: HANNAH FAYE R. ORDONEZ - 1st Place
Coach: John Mark Fontanilla Acierto

Editorial Cartooning
Partcipant: MAXINE KENDRA Q. SANTOS
Coach: JADE R. CAYANGA

Copyreading and Headline Writing
Partcipant: JAMILLA FAITH R. DOMINGO
Coach: CHARITO A. MANUEL

FILIPINO CATEGORY
News Writing
Partcipant: PRINCESS ZHAILLENE R. VIERNES
Coach: SYLVIA A. RIVERA

Editorial Writing
Partcipant: MARIA ATHALIA A. DOMINGO- 1st Place
Coach: MYCKA A. CARGO

Science and Health
Partcipant: SOFIA EULICE L. FLORES
Coach: MA. CHARISMA P. ANTONIO

Feature Writing
Partcipant: ARIANE JOY MARCOS - 1st Place
Coach: RACHELLE ANNE M. RAMOS

Column Writing
Partcipant: AEMI MILLEN C. ASTRAQUILLO
Coach: RAUL A. ABARQUEZ

Photojournalism
Partcipant: HAILEY MAE R. ORDONEZ - 1st Place
Coach: JOHN MARK F. ACIERTO

Editorial Cartooning
Partcipant: WELTHEA MACCY P. GANADO - 3rd Place
Coach: DEVILYN A. ANCHETA

Copyreading and Headline Writing
Partcipant: KHATE LEVIELENE C. MORA
Coach: CHARITO A. MANUEL

Mga Aklat, Bagong Pag-asa: Rotary Club of Cauayan Naghandog ng Mini Library sa Ortiz-Saranay Elementary SchoolSa isang m...
25/08/2026

Mga Aklat, Bagong Pag-asa: Rotary Club of Cauayan Naghandog ng Mini Library sa Ortiz-Saranay Elementary School

Sa isang makabuluhang pagtitipon ngayong Agosto 25, 2026, naging sentro ng paaralan ang isang simpleng handog na maaaring magbukas ng malalaking pangarap para sa mga mag-aaralโ€”ang Turnover Ceremony ng mga libro at cabinet para sa Mini Library ng Ortiz-Saranay Elementary School.

Sa pamamagitan ng Rotary Club of Cauayan, pormal na ipinagkaloob sa paaralan ang mga aklat at cabinet na gagamitin upang mabuo at mapalawak ang Mini Library. Higit pa sa mga kagamitang pisikal, ang mga ito ay nagsisilbing paanyaya sa bawat mag-aaral na magbasa, matuto, mangarap, at tumuklas ng mga bagong kaalaman.

Ang makabuluhang donasyong ito ay patunay na ang edukasyon ay hindi lamang responsibilidad ng paaralan. Ito ay isang sama-samang gawain ng mga g**o, magulang, komunidad, at mga organisasyong handang tumulong sa paghubog ng kinabukasan ng mga bata.

Sa pamamagitan ng Rotary Club of Cauayan, muling pinaalala sa komunidad na ang isang aklat ay maaaring maging simula ng isang pangarap. Maaaring maliit ang isang libro sa paningin, ngunit malaki ang mundong maaari nitong buksan sa isang bata.

Sa Ortiz-Saranay Elementary School, ang Mini Library ay hindi lamang isang lugar na puno ng mga libro. Ito ay isang lugar kung saan maaaring magsimula ang mga kuwento ng mga batang balang araw ay magiging mga g**o, propesyonal, lider, at tagapaglingkod ng bayan.

At sa bawat batang hahawak ng aklat mula sa munting silid na ito, mananatili ang isang mahalagang mensahe:

Ang kaalaman ay regalong hindi nauubos, at ang pagbabahagi nito ay isang pamana para sa kinabukasan.

Sa lahat po ng bumubuo ng Rotary Club of Cauayan, maraming maraming salamat po sa inyong suporta sa mga paaralan๐Ÿคฉ
God bless you all po.๐Ÿ™‚

2026 District Festival of TalentsPlot Twisting - 3rd PlaceParticipant: Andrea Marie CasileCoach: Mr. John Mark F. Aciert...
17/08/2026

2026 District Festival of Talents

Plot Twisting - 3rd Place
Participant: Andrea Marie Casile
Coach: Mr. John Mark F. Acierto

Congratulations!!!!
We are proud of you๐Ÿคฉ

Isang pagkilala sa mga nakilahok sa District Science and Technology Fair 2026 noong Martes, Agosto 11, 2026. Skills Scie...
13/08/2026

Isang pagkilala sa mga nakilahok sa District Science and Technology Fair 2026 noong Martes, Agosto 11, 2026.

Skills Science Olympics - 1st Runner up
Participants: Andrea Marie Casile, Athalia Domingo, Hannah Ordoรฑez
Coaches: Ms. Mycka Alejo Cargo Ms. Rachelle Molina Ramos

Science Quiz Bee - 1st Runner up
Participant: Atasha Kamille Libunao
Coach: Mr. John Mark Fontanilla Acierto

Power Patrol
Participant: Arriane Joy Marcos
Coach: Ms. Maria Charisma Antonio

Water Patrol
Participant: King Luther Tamayo
Coach: Mrs. Nathel A. Bartolome

Poster Making
Participant: Welthea Macey Ganado
Coach: Mrs. Devilyn Ancheta

Slogan Making
Participant: Kendra Maxine Santos

Muli, isang pagbati sa inyo!
We are proud of you๐Ÿ˜ƒ

Planting Hope, Growing TomorrowThe spirit of environmental stewardship came alive at Ortiz-Saranay Elementary School as ...
30/07/2026

Planting Hope, Growing Tomorrow

The spirit of environmental stewardship came alive at Ortiz-Saranay Elementary School as parents, learners, and teachers joined hands in a meaningful tree-planting activity on July 30, 2026, in support of the SDO Isabela TreeTY (Tree Thank You) Project.

With seedlings in hand and smiles on their faces, participants worked together to plant young trees around the school grounds. More than simply planting saplings, the activity became a valuable opportunity for learners to understand the importance of protecting nature and caring for the environment. Parents also played an active role, demonstrating that caring for the Earth begins with shared responsibility at home and in the community.

Through initiatives like the TreeTY (Tree Thank You) Project, Ortiz-Saranay Elementary School continues to nurture not only academic excellence but also environmental awareness and social responsibility among its learners. Every tree planted today serves as a lasting reminder that small acts of kindness toward nature can create a better tomorrow.

๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐Œ๐š๐ ๐ฎ๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐Ž๐’๐„๐’, ๐๐ข๐ง๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ๐š๐ง ๐๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐‡๐ฎ๐ฐ๐š๐ซ๐š๐ง๐  ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ค๐จ๐-๐๐š๐ฒ๐š๐งOrtiz-Saranay Elementary School, Cabatuan, Isabela โ€“ H...
27/07/2026

๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐Œ๐š๐ ๐ฎ๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐Ž๐’๐„๐’, ๐๐ข๐ง๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ๐š๐ง ๐๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐‡๐ฎ๐ฐ๐š๐ซ๐š๐ง๐  ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ค๐จ๐-๐๐š๐ฒ๐š๐ง

Ortiz-Saranay Elementary School, Cabatuan, Isabela โ€“ Hulyo 27, 2026 โ€“ Sa isinagawang Flag Ceremony noong Lunes, Hulyo 27, 2026, isang makabuluhang programa ng pagkilala ang ginanap sa Ortiz-Saranay Elementary School upang parangalan ang isa sa mga magulang ng paaralan na si PCpl Kelvin Jay Mora Medina Intel Operative ng Cabatuan Municipal Police Station.

Iginawad kay PCpl Medina ang pagkilala bilang pagpapahalaga sa kanyang ipinakitang kahusayan, dedikasyon, at katapatan sa tungkulin sa matagumpay na implementasyon ng Warrant of Arrest noong Hulyo 14, 2026, kaugnay ng kasong Estafa.

Nakiisa sa programa ang ilang miyembro ng Cabatuan Municipal Police Station sa pangunguna ng kanilang Chief of Police na si Police Major Oneil Jay S. Dumayas, na nagbigay ng suporta at mensahe sa mga mag-aaral at g**o ng paaralan.

Layunin ng naturang programa na magsilbing inspirasyon sa mga kabataan upang pahalagahan ang sipag, integridad, disiplina, at pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pagkilala sa mga huwarang lingkod-bayan na nagsisilbing mabuting halimbawa sa komunidad.

Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Police Major Dumayas ang mga mag-aaral na pagbutihin ang kanilang pag-aaral at paghubog ng mabuting pagkatao. Aniya, "Mag-aral ng mabuti kasi iyon ang magiging foundation ng ating buhay." Binigyang-diin niya na ang edukasyon ang matibay na pundasyon tungo sa pag-abot ng mga pangarap at matagumpay na kinabukasan.

Ang pamunuan ng Ortiz-Saranay Elementary School ay taos-pusong nagpapasasalamat sa Cabatuan Municipal Police Station sa kanilang pakikiisa sa paghubog ng mga kabataan. Ang pagkilala kay Police Corporal Kelvin Jay Mora Medina ay nagsilbing paalala na ang katapatan sa tungkulin at pagmamahal sa kapwa at bayan ay mga pagpapahalagang nararapat tularan ng bawat mag-aaral.

Address

Saranay
Cabatuan
3315

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63786822390

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SCRIBBLER-Ortiz-Saranay Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category