Konsi Kiano Cadeliña

Directions

Konsi Kiano Cadeliña OFFICIAL PAGE: Si Konsi Kiano ay isang lingkod-bayan na may paninindigan sa pagiging totoo, tapat at karapat-dapat.

08/11/2026

‼️PANOORIN‼️

HANDA SA ANUMANG HAMON, LIGTAS SA BAWAT SITWASYON!



Maraming salamat sa pagkakataong makapagbahagi ng mensahe sa ating mga kabataan sa ginanap na Pop Dance Competition bila...
05/11/2026

Maraming salamat sa pagkakataong makapagbahagi ng mensahe sa ating mga kabataan sa ginanap na Pop Dance Competition bilang bahagi ng ika-77 Founding Anniversary ng Cabatuan. Isang kasiyahang masaksihan ang talento at confidence ng ating kabataang Cabatuanense!

Asahan ninyo ang aking patuloy na suporta sa inyong mga talento, pangarap, at mga gawaing nagbibigay ng oportunidad para sa kabataan.
Mabuhay ang kabataang Cabatuanense! Happy Fiesta!

- Konsi Mark Lester “Kiano” CADELIÑA
Serbisyong totoo, tapat, karapat-dapat

Sa loob ng 77 taon, sama-sama nating binuo ang isang bayang puno ng kasaysayan, kultura, at pagkakaisa. Bawat Cabatuanen...
04/11/2026

Sa loob ng 77 taon, sama-sama nating binuo ang isang bayang puno ng kasaysayan, kultura, at pagkakaisa. Bawat Cabatuanense ay bahagi ng ating kuwento at may ambag sa mas magandang kinabukasan ng ating bayan.

Patuloy nating ipagmalaki ang ating pinagmulan at magtulungan para sa mas maunlad na Cabatuan!

Isang mainit na pagbati mula kay Konsi Mark Lester “Kiano” CADELIÑA

Happy Fiesta! Mabuhay ang Cabatuanenses!

Cabatuanenses, ready na ba kayo? Apat na araw ng saya, pagkakaisa, at selebrasyon ang naghihintay sa atin! Mark your cal...
04/11/2026

Cabatuanenses, ready na ba kayo?

Apat na araw ng saya, pagkakaisa, at selebrasyon ang naghihintay sa atin! Mark your calendars this November 5–8 as we celebrate the 77th Founding Anniversary of Cabatuan!

Ihanda na ang inyong energy at sama-sama tayong makiisa at makisaya! Kita-kits, Cabatuan!

-Konsi Mark Lester “Konsi” CADELIÑA
Serbisyong totoo, tapat, karapat-dapat

‼️🚧 PAALALA SA MGA MOTORISTA!🚧‼️Sa mga bibiyahe ngayong Nobyembre 5, 2026 (Huwebes), mula 5:00 hanggang 8:00 ng umaga, i...
03/11/2026

‼️🚧 PAALALA SA MGA MOTORISTA!🚧‼️

Sa mga bibiyahe ngayong Nobyembre 5, 2026 (Huwebes), mula 5:00 hanggang 8:00 ng umaga, inaabisuhan ang lahat na pansamantalang isasara ang ilang bahagi ng Maharlika Highway, partikular ang:

📍 San Mateo–Cabatuan–Cauayan City Road
📍 Cabatuan–Aurora Road

Pinapayuhan ang mga motorista na maglaan ng dagdag na oras sa biyahe, gumamit ng alternatibong ruta, at laging mag-ingat sa kalsada.

Para sa inyong kaligtasan, makipag-ugnayan sa mga sumusunod kung kinakailangan:

📞 PNP Cabatuan: 09156670205
📞 POSU Cabatuan: 09265503966
📞 MDRRMO Cabatuan: 09369471537
📞 Emergency Hotline: 911

Ibahagi rin ang impormasyong ito upang makarating sa iba pang maaapektuhang motorista.

Mas mabuting handa at maagang nakapag-adjust kaysa maabala sa biyahe. Ingat po tayong lahat!

📸(c) POSU Cabatuan

BER-MONTHS NA! Panahon na naman ng reunions, birthdays, Christmas parties, at kung anu-ano pang okasyon. Paniguradong ma...
03/11/2026

BER-MONTHS NA! Panahon na naman ng reunions, birthdays, Christmas parties, at kung anu-ano pang okasyon. Paniguradong mas dadalas ang kantahan, tawanan, at salu-salo sa bawat barangay!

Pero reminder lang, mga kababayan: habang nagsasaya tayo, huwag din nating kalimutan ang disiplina at respeto sa ating kapwa. Alinsunod sa Safer Cities Initiative ng DILG, pinapaalalahanan ang lahat na iwasan ang mga sumusunod:

❎ Inuman sa kalsada– Iwasan ang pag-inom at paglalatag ng mesa at upuan sa pampublikong daan.

❎ Topless sa kalsada– Magsuot ng maayos na damit kahit nasa labas ng bahay.

❎ Videoke lampas 10 PM– Bigyan din ng oras ang ating mga kapitbahay para makapagpahinga.

❎ Pagala-galang menor de edad lampas 10 PM – Gabayan ang mga kabataan at tiyaking ligtas sila sa kanilang mga tahanan.

Hindi naman kailangang mawala ang saya para magkaroon ng kaayusan. Puwede tayong magdiwang, magsaya, at mag-bonding nang hindi nakakaabala o nakakaistorbo sa iba.

Ngayong kapaskuhan at kahit sa mga normal na araw, sana hindi lang masaya ang bawat selebrasyon ngunit gawin din nating maging ligtas, maayos, at responsable rin.Dahil ang tunay na saya, mas maganda kapag buong bayan ang nakikinabang!




Photo credit: Asenso KaBarangay FB

Kusang paglilingkod, malasakit na walang hinihintay na kapalit. Sa paggunita ng Undas, buong-pusong naglalaan ng kanilan...
02/11/2026

Kusang paglilingkod, malasakit na walang hinihintay na kapalit. Sa paggunita ng Undas, buong-pusong naglalaan ng kanilang oras at lakas ang RGI Alakdan- NLCL Cabatuan Chapter upang tumulong sa pagsasaayos ng daloy ng trapiko at pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa ating komunidad.

Ang kanilang boluntaryong paglilingkod ay patunay na ang malasakit sa kapwa ay hindi nasusukat sa laki ng nagagawa, kundi sa kahandaang maglaan ng panahon at tumulong para sa kapakanan ng iba. Buo at patuloy ang suporta ni Konsi Kiano sa RG Alakdan at sa kanilang mga programang nagpapakita ng tunay na malasakit sa komunidad.

Maraming salamat sa inyong kusang-loob na paglilingkod. Ang inyong presensya at sakripisyo ay mahalagang bahagi ng isang ligtas at maayos na Cabatuan.

-Konsi Mark Lester “Kiano” CADELIÑA
Serbisyong totoo, tapat, karapat-dapat.






#

💡𝐍𝐎𝐓𝐈𝐂𝐄 𝐎𝐅 𝐒𝐂𝐇𝐄𝐃𝐔𝐋𝐄𝐃 𝐏𝐎𝐖𝐄𝐑 𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐑𝐔𝐏𝐓𝐈𝐎𝐍𝟒 𝐍𝐎𝐕𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝐖𝐄𝐃𝐍𝐄𝐒𝐃𝐀𝐘) | 𝟗:𝟎𝟎 𝐀𝐌 - 𝟓:𝟎𝟎 𝐏𝐌AFFECTED AREA:Parts of Cabatuan📌 B...
01/11/2026

💡𝐍𝐎𝐓𝐈𝐂𝐄 𝐎𝐅 𝐒𝐂𝐇𝐄𝐃𝐔𝐋𝐄𝐃 𝐏𝐎𝐖𝐄𝐑 𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐑𝐔𝐏𝐓𝐈𝐎𝐍
𝟒 𝐍𝐎𝐕𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝐖𝐄𝐃𝐍𝐄𝐒𝐃𝐀𝐘) | 𝟗:𝟎𝟎 𝐀𝐌 - 𝟓:𝟎𝟎 𝐏𝐌

AFFECTED AREA:
Parts of Cabatuan
📌 Brgy. Calaocan
📌 Brgy. Culing Centro
📌 Brgy. Culing East
📌 Brgy. Culing West
📌 Brgy. Del Corpuz
📌 Brgy. Del Pilar (Highway)
📌 Brgy. Diamantina
📌 Brgy. La Paz
📌 Brgy. Macalaoat
📌 Parts of Brgy. Magdalena
📌 Brgy. Magsaysay
📌 Brgy. Namnama
📌 Brgy. Nueva Era
📌 Brgy. Paraiso
📌 Brgy. Rang-ay
📌 Sitio Binting
📌 Brgy. Tandul

REASON: Construction of line from Cabatuan Substation to La Paz, Cabatuan.

* Power service may be restored earlier or upon completion of maintenance. For your safety, always consider our lines energized.

Maligayang Kaarawan, Ka Eduardo! Dalangin namin ang iyong mabuting kalusugan, mahabang buhay, at patuloy na kasiyahan. N...
31/10/2026

Maligayang Kaarawan, Ka Eduardo!

Dalangin namin ang iyong mabuting kalusugan, mahabang buhay, at patuloy na kasiyahan. Nawa’y maging puno ng biyaya at magagandang pagkakataon ang bawat araw mo. Maraming salamat sa iyong kabutihan at sa mga positibong bagay na naibabahagi mo sa mga taong nakapaligid sa iyo.

Enjoy your special day, Ka Eduardo! God bless you always!

-Konsi Mark Lester “Kiano” CADELIÑA
Serbisyong totoo, tapat, karapat-dapat.

Friyay!!!🥳🥳🥳Ginuman Fest na!Makisaya, maki-Ginumán, at sabay-sabay nating i-enjoy ang isang gabing puno ng musika at say...
30/10/2026

Friyay!!!🥳🥳🥳

Ginuman Fest na!

Makisaya, maki-Ginumán, at sabay-sabay nating i-enjoy ang isang gabing puno ng musika at saya kasama ang CUESHE! 🤘

October 30, 2026 | 6 PM onwards sa Cabatuan Coliseum, Sampaloc, Cabatuan, Isabela.
Kita-kits, Cabatuanenses! Isang masayang selebrasyon na naman ang ating pagsasaluhan bilang bahagi ng Ginumán Fest 2026!

- Konsi Mark Lester “Kiano” CADELIÑA
Serbisyong Totoo, Tapat, Karapat-dapat.

Address

Cabatuan
3315

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Konsi Kiano Cadeliña posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share


Other Government Officials in Cabatuan

Show All