Mr. Malasakit Ariel Bariring

Mr. Malasakit Ariel Bariring

Share

Para sa mabilis na pagtugon at pagtutulungan, komento at suhestyon sa mas mabuting paglilingkuran

01/06/2026

Dalawang tulog na lang Cabuyao at magaganap na ang ating "LIBRENG KONSULTA"
"SAGIP MATA PROGRAM" sa Barangay Baclaran Covered Court. Sa may mga karamdaman na "KATARATA" "PUGITA" at "GLAUCOMA" eto na ang pagkakataon ninyo na magpasuri ng "LIBRE" sa ating programa.

Paalala muli: FIRST COME/FIRST SERVE ang pagtanggap natin sa mga magpapasuri ng mata.

30/05/2026

Have a blessed day Cabuyao! ❤️ Godbless Everyone!🙏❤️

28/05/2026

Magandang balita ang hatid ng inyong Lingkod na sa darating na ika-03 ng Hunyo araw ng Miyerkules ay muling magbabalik ang ating "LIBRENG KONSULTA" "SAGIP MATA PROGRAM" sa Barangay Baclaran at ito ay ating isasagawa sa Brgy. Baclaran Covered Court na magsisimula sa ganap na ika-08 ng umaga hanggang ika-12 ng tanghali.

Paalala sa mga magpapasuri ng kanilang mga mata na ito po ay FIRST COME/ FIRST SERVE at magdala narin ng isang Valid ID ang mga magpapasuri. Maraming salamat po.


27/05/2026

EID MUBARAK!

Ang inyong lingkod ay nakikiisa sa pagdiriwang ng ating mga kapatid na Muslim sa araw na ito ika-27 ng Mayo 2026 ng EID AL-ADHA. Nawa'y magdala ito ng kapayapaan sa bawat tahanan sa pamilya ng ating mga kapatid na Muslim.

Photos from Mr. Malasakit Ariel Bariring's post 26/05/2026

Regular Session.❤ May 26, 2026

Photos from Mr. Malasakit Ariel Bariring's post 26/05/2026

Kahapon po ay nagkaroon tayo ng pagpupulong hinggil sa nangyayari ngayon sa ating kapaligiran na kinasasangkutan ng mga batang gumagawa ng labag sa batas, mga nambubully, mga nananakit ng kapwa nila bata, mga batang maaaring maging sakit ng lipunan pagdating ng araw kung hindi mapipigilan ang kanilang maling gawain. Kaya patuloy lamang po tayong kikilos at gagawa ng mga hakbang sa pamamagitan ng ordinansang nais nating maipasa para sugpuin at mapigilan ang ganitong mga gawain.

Salamat sa suporta ng ating mga kasamahan sa konseho, sa masisipag nating PNP Officers (Women and Children Protection Desk), kay mam Mel ng CSWD, kay mam Jane ng CHO, kay atty. Tayabas ng City Legal office.

23/05/2026

Have a blessed day Cabuyao! ❤️ Godbless Everyone.🙏

21/05/2026

Mga bagong ordinansa na nais nating tutukan at maipasa para sa proteksyon ng ating mga kabataan at mga kababayan.

a) Ordinansa na nagtataguyod ng proteksyon at gabay sa kabataan ng Lungsod ng Cabuyao, at naglalaan ng mga programang pang-interbensyon laban sa bullying at youth violence.

b) Ordinansa na nagtatakda ng regulasyon sa pag-inom ng alak sa pampublikong lugar tulad ng tabing-kalsada at bangketa sa Lungsod ng Cabuyao, Laguna.


20/05/2026

Ang pagpapahalaga sa kapwa ay kusang ipinadarama sa pamamagitan ng mahigpit na yakap ng pagmamahal.❤️

Photos from Mr. Malasakit Ariel Bariring's post 19/05/2026

Regular Session. May 19, 2026

Want your business to be the top-listed Government Service in Cabuyao?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Cabuyao
4025