Cabuyao Sports Committee

Cabuyao Sports Committee

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Cabuyao Sports Committee, Government Organization, Cabuyao.

Cabuyao Sports Committee is the unit of the Cabuyao Youth and Sports Development Office in charge of grass-roots programs, athlete development, sports facilities management, coaches and trainers support and city-wide sports tournaments.

31/05/2026

2nd Nationals Poomsae Taekwondo Championship of our teamšŸ„‹

Some of our athletes have been here before, while others are stepping onto this stage for the very first time. But one thing they all share is the dedication, discipline, and hard work they put in to prepare for this moment.

No matter the outcome, we are proud of each and every athlete for their commitment, courage, and determination. Now it's time to give their best and represent our team with honor.

Good luck, Eagles! šŸ’ŖšŸ”„








2nd Nationals Poomsae Taekwondo Championship of our teamšŸ„‹

Some of our athletes have been here before, while others are stepping onto this stage for the very first time. But one thing they all share is the dedication, discipline, and hard work they put in to prepare for this moment.

No matter the outcome, we are proud of each and every athlete for their commitment, courage, and determination. Now it's time to give their best and represent our team with honor.

Good luck, Eagles! šŸ’ŖšŸ”„





30/05/2026

Mula sa Pamahalaang Lungsod ng Cabuyao sa pamumuno ni MAYOR Dennis DENHA Hain, kasama ang buong Sangguniang Panlungsod at sa pamamagitan ng Cabuyao Youth and Sports Development Office, buong pagmamalaki nating kinikilala si John Carlo Orella sa kanyang tagumpay sa Palarong Pambansa sa larangan ng Pencak Silat.

šŸ… Gintong Medalya (Ganda)
🄈 Pilak na Medalya (Tanding)

Ang iyong dedikasyon, disiplina, at husay ay nagbigay ng karangalan sa Lungsod ng Cabuyao at nagsilbing inspirasyon sa kabataang atleta.

Ipinagmamalaki ka ng Lungsod ng Cabuyao!






28/05/2026
28/05/2026

Cabuyao Summer Camp, ano tara? šŸ¤øā€ā™‚ļø

Opisyal nang sinimulan ang Bagong Cabuyao Summer Camp 2026 nitong Lunes, Mayo 25, sa Cabuyao Athletes Basic School (CABS). Dumagsa ang mga kabataang CabuyeƱos para sa isang general orientation na puno ng kasiyahan.

Iba’t ibang dahilan ang paglahok ng mga kabataan—mula sa pagnanais sumubok ng mga bagong sports, makipagkilala at makipagkaibigan, hanggang sa paghahanap ng mas makabuluhang paraan ng paggugol ng bakasyon at pag-explore ng iba’t ibang aktibidad.

Sa suporta ni Cabuyao City Mayor Dennis "DenHa" Hain, Sangguniang Panglungsod, at ng Cabuyao Youth and Sports Development Office, layon ng programang ito na maghatid ng tuloy-tuloy na magandang serbisyo para sa pag-unlad ng ating mga kabataang CabuyeƱos.

Sa pamamagitan ng sports, arts, music, dance, at iba pang workshops, hindi lang basta masayang bakasyon ang naghihintay—kundi pagkakataon din para mahubog ang talento, disiplina, at samahan ng bawat isa.

Kaya huwag nang magpahuli! Sumama at makiisa sa Bagong Cabuyao Summer Camp 2026 kung saan ang bawat kabataan ay may pagkakataong lumakas, at sumubok ng bagong pagkatuto! šŸŽ’ā¤ļø








*C

Photos from Cabuyao Youth Development Affairs Office's post 27/05/2026

Dumalo ang delegasyon ng Lungsod ng Cabuyao kasama ang Cabuyao Youth and Sports Development Office sa š‹š€š†š”šš€ š˜šŽš”š“š‡ šš€š“š‘šŽš‹š‹š„š‘š’ na pinangunahan ni Laguna Governor Sol Aragones . Ipinakita rin ni MAYOR Dennis DENHA Hain ang kanyang suporta sa programa sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng transportasyon para sa mga kabataan ng Bagong Cabuyao.

Layunin ng programa na hikayatin ang mga kabataan na maging katuwang ng Gobernador sa pagbabalita ng tama at makabuluhang impormasyon tungkol sa mga programa, proyekto, at mahahalagang balita para sa mamamayan ng Laguna.

Patuloy namang ipinapakita ng mga kabataang CabuyeƱo ang kanilang suporta sa mga programang naglalayong palakasin ang partisipasyon at liderato ng kabataan sa komunidad.






25/05/2026

Mula sa puso ng Lungsod ng Cabuyao, taos-pusong pagbati sa ating mga kampeon ng Youth Basketball League – 16 Under Division!

Sa pangunguna ni MAYOR Dennis DENHA Hain, kasama ang buong Sangguniang Panglungsod at ang Cabuyao Youth and Sports Development Office, ipinagmamalaki namin ang inyong ipinakitang husay, disiplina, at pusong mandirigma sa loob ng court!

Hindi lang kayo nag-uwi ng kampeonato — nagbigay rin kayo ng inspirasyon at dangal sa bawat CabuyeƱo!






Photos from OpinYon Laguna's post 25/05/2026

TINGNAN: Isang masaya at makabuluhang tag-init ang nakalaan para sa mga kabataang CabuyeƱo na nakasama sa Bagong Cabuyao Summer Camp na pinasimulan ngayong Lunes, May 25.

Mismong si Cabuyao City, Laguna Mayor Dennis Hain ang nagpasimula ng general orientation para sa nasabing summer camp ngayong umaga sa Cabuyao Athletes Basic School (CABS).

Aabot sa humigit-kumulang 2,000 na mga kabataang CabuyeƱo ang kalahok sa Bagong Cabuyao Summer Camp, kung saan hahasain ang kanilang mga talento at skills sa iba't ibang larangan ng sports (penkac silat, taekwondo, table tennis, basketball, baseball, karate at iba pa) at performing arts (dance, theatre arts, digital arts, journalism, painting, public speaking at iba pa).

(Ulat at larawan mula kay Catherine Go)



25/05/2026

PANOORIN: Holistic development ng kabataang CabuyeƱo. Ito ang naging layunin ni Cabuyao City, Laguna Mayor Dennis "Denha" Hain sa paglulunsad ng Bagong Cabuyao Summer Camp ngayong Lunes, May 25.

Ayon kay Hain, nais niyang maiba ang Bagong Cabuyao Summer Camp sa kinasanayang mga aktibidad para sa mga kabataan na dati ay nakatuon lamang sa sports activities.

Umaasa rin siya na mahahasa hindi lamang ang galing sa sports kundi pati na rin ang talento ng mga kabataang CabuyeƱo pagdating sa larangan ng performing arts.

(Video mula kay Catherine Go)





Photos from Cabuyao Youth Development Affairs Office's post 25/05/2026

Pormal nang binuksan ng Pamahalaang Lungsod ng Cabuyao sa pangunguna ni MAYOR Dennis DENHA Hain, katuwang ang buong Sangguniang Panglungsod at ang Cabuyao Youth and Sports Development Office, ang Bagong Cabuyao Summer Camp 2026 na layuning higit pang hubugin ang kakayahan, disiplina, at pakikiisa ng kabataang CabuyeƱo.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor DenHa na ā€œdeserve ninyo, mga minamahal kong kabataan, ang tuloy-tuloy at magandang serbisyo,ā€ bilang patunay ng patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa mga programang para sa kapakanan at pag-unlad ng kabataan.

Nagbigay rin ng inspirasyonal na pahayag si Dan Rafael H. Palis kung saan kanyang ibinahagi na ang bawat laro, workshop, at activity sa summer camp ay nagsisilbing oportunidad upang mas maintindihan at makilala ng mga kalahok ang kanilang sarili, gayundin ang makabuo ng bagong pagkakaibigan at magandang samahan.

Ang naturang summer camp ay inaasahang magsisilbing daan upang mapalakas ang sportsmanship, leadership, at camaraderie ng mga kalahok habang patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Lungsod ang mga programang nakatuon sa paghubog sa kabataang CabuyeƱo.






Want your business to be the top-listed Government Service in Cabuyao?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Cabuyao
4025