03/06/2026
☝️❤️
First Friday Mass for the month of June.
Mass Presider Rev. Fr. Tony Parish Priest of St. Joseph the Worker Parish Brgy.Bigaa.
Sponsors: CENRO & ASSESSORS Office.
Welcome sa Bagong Cabuyao City Nutrition Office.
Kung ikaw ay may mga katanungan patungkol sa iyong kalagayang pang nutrisyon, narito ang aming page upang mag bigay tulong at kaalaman sa bawat Cabuyeño.
03/06/2026
☝️❤️
First Friday Mass for the month of June.
Mass Presider Rev. Fr. Tony Parish Priest of St. Joseph the Worker Parish Brgy.Bigaa.
Sponsors: CENRO & ASSESSORS Office.
🌟 BNS Spotlight 🌟
Silipin at kilalanin natin muli ngayong araw ang isa sa ating mga volunteers na masigasig at tahimik na naglilingkod para sa kalusugan ng bawat mamamayang Cabuyeño—ang ating Barangay Nutrition Scholars (BNS)!
Isang mataas na pagpupugay kay Alice Arlene Alagon ng Brgy. Dos para sa kanyang tapat at natatanging paglilingkod. Sa loob ng 5 years, ang kanyang sipag at dedikasyon sa pangangalap ng mga mahahalagang datos ay naging pundasyon ng tagumpay ng ating mga programang pangnutrisyon.
Saludo kami sa iyong walang sawang malasakit at sakripisyo. Maraming salamat, Alice, ang iyong serbisyo ay isang inspirasyon sa marami.
MARAMING SALAMAT PO SA INYONG BUONG PUSONG PAGLILINGKOD!
God First ☝️, One Bagong Cabuyao!
02/06/2026
Sa panahon ng tag-ulan, let's boost our immunity with nutritious food, warm drinks, proper rest, and good hygiene. Together, we can stay strong, healthy, and protected.
God First ☝️, One Bagong Cabuyao!
29/05/2026
Hindi lahat ng inumin ay totoong nakaka-hydrate. 💧☀️
Ngayong tag-init, madaling isipin na sapat na ang malamig na soft drink, milk tea, o matatamis na inumin para mawala ang uhaw. Pero sa totoo lang, mas mainam pa rin ang pag-inom ng tubig upang mapanatiling presko, hydrated, at malusog ang ating pangangatawan lalo na sa matinding init na ating dinadanas ngayon.
Alamin sa gabay na ito kung alin sa mga inumin ang tunay na nakakapawi ng uhaw at alin naman ang maaaring magdulot lamang ng mas matinding dehydration.
Stay refreshed at ugaliing uminom ng sapat na tubig araw-araw!
God First ☝️, One Bagong Cabuyao!
29/05/2026
Maligayang pagbati 🎉
Mula sa Cabuyao City Nutrition Office
27/05/2026
Eid Mubarak! ✨ 🌙
Mula sa Cabuyao Nutrition Office, taos-puso naming binabati ang ating mga kapatid na Muslim ng isang mapayapa at makabuluhang Eid al-Adha.
Nawa’y ang diwa ng pananampalataya, sakripisyo, at pagbabahagi ay magdala ng biyaya, kalusugan, at pagkakaisa sa bawat pamilya.
God First ☝️, One Bagong Cabuyao!
🌟 BNS Spotlight 🌟
Silipin at kilalanin natin muli ngayong araw ang ating mga volunteers na masigasig at tahimik na naglilingkod para sa kalusugan ng bawat mamamayang Cabuyeño—ang ating Barangay Nutrition Scholars (BNS)!
Isang mataas na pagpupugay kay Ms. Evelyn De Castro ng Brgy. Pittland para sa kanyang tapat at natatanging paglilingkod. Sa loob ng 36 years, ang kanyang sipag at dedikasyon sa pangangalap ng mga mahahalagang datos ay naging pundasyon ng tagumpay ng ating mga programang pangnutrisyon.
Saludo kami sa iyong walang sawang malasakit at sakripisyo. Maraming salamat, Ms. Evelyn, ang iyong serbisyo ay isang inspirasyon sa marami.
MARAMING SALAMAT PO SA INYONG BUONG PUSONG PAGLILINGKOD!
God First ☝️, One Bagong Cabuyao!
26/05/2026
Matagumpay nating narating ang huling araw ng Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation Pro (MELLPI PRO) sa ating Lungsod!
Naging produktibo ang ating Exit Meeting kung saan pormal na inilahad ang pinal na MELLPI PRO scores.
Sinundan ito ng opisyal na pag-endorso ng mga scoresheet sa mga miyembro ng Cabuyao City Nutrition Committee at sa ating mga masisipag na Barangay Nutrition Scholars (BNS).
Ang evaluation na ito ay patunay ng ating patuloy na pagtutulungan upang masigurong epektibo, sapat, at abot-kamay ang mga programa sa nutrisyon para sa bawat pamilyang Cabuyeno sa pangunguna ng ating butihing mayor, MAYOR Dennis DENHA Hain.
Salamat po sa ating mga evaluators na sina:
Ms. Kyla Guarda - NNC
Mr. Jonas Emmanuel Fajarda - DILG Calabarzon
Mr. Aisia David De Guzman - NFP
Isang karangalan po na kami ay mabigyan ng marami pang kaalaman upang mas maisaayos at mas mapaganda ang mga programa ng aming tanggapan para sa mga mamamayan ng Cabuyao.
Maraming salamat po sa walang sawang pag suporta MAYOR Dennis DENHA Hain, City Nutrition Committee, City Nutrition Office, Barangay Nutrition Scholars (BNS), at mga partner agencies sa inyong walang sawang dedikasyon para sa isang malusog at masiglang lungsod ng Cabuyao.
God First ☝️, One Bagong Cabuyao!
25/05/2026
Narito ang mga naging kaganapan sa matagumpay na DAY 2 ng MELLPI Pro (Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation Pro) evaluation sa ating lungsod:
- Pormal na binuksan ang ikalawang araw sa pamamagitan ng isang courtesy call sa Barangay Marinig, sa pamumuno ni Kapitan Conrado Hain Jr., upang palakasin ang ugnayan para sa mga programang pang-nutrisyon.
- Isinagawa ang masusing desk review at evaluation para sa ating City Outstanding Barangay Nutrition Committee sa Brgy. Marinig upang masuri ang kanilang mga naging proyekto at epektibong pagpapatupad ng mga programang pang-nutrisyon.
- Sumalang din sa desk review at pagsusulit si BNS Armalyn Sabino para sa pagkilala bilang City Outstanding Barangay Nutrition Scholar (BNS) 2025. Ipinamalas niya ang kanyang dedikasyon at kaalaman sa paglilingkod sa barangay.
- Nagkaroon din ng serye ng panayam o interviews sa ating City Nutrition Action Officer (CNAO) na si Ms. Benivencia Elazegui, City Nutrition Program Coordinator (CNPC) na si Ms. Adoracion Dedicatoria, at BNS na si Ms. Armalyn Sabino upang mas mapalawak ang talakayan sa mga diskarte at tagumpay ng nutrisyon sa buong lungsod.
-Binisita rin ang Brgy. Marinig Community Garden. Dito ipinakita ang naging bunga ng pagtutulungan ng komunidad upang magkaroon ng sapat, sariwa, at masustansyang pagkain ang bawat pamilya.
Ang evaluation na ito ay patunay ng ating patuloy na pagtutulungan upang masigurong epektibo, sapat, at abot-kamay ang mga programa sa nutrisyon para sa bawat pamilyang Cabuyeno.
Maraming salamat po sa ating City MAYOR Dennis DENHA Hain, City Nutrition Committee, City Nutrition Office, Barangay Nutrition Scholars (BNS), at mga partner agencies sa inyong walang sawang dedikasyon para sa isang malusog at masiglang lungsod ng Cabuyao.
God First ☝️, One Bagong Cabuyao!
25/05/2026
Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation (MELLPI) Pro DAY 1 - PART 2
Noong nakaraang ika-19 ng Mayo ay pormal nang nagsimula ang ating MELLPI PRO evaluation.
Narito ang naging takbo ng unang araw:
DESK REVIEW
Sinimulan natin ang umaga sa isang masusing Desk Review. Ibinahagi ng ating City Nutrition Committee ang mga dokumento, accomplishment reports, at mga lokal na plano para sa nutrisyon. Handa nating ipinakita na ang ating mga programa ay may matibay na basehan at maayos na tracking.
SITE VISITS & COMMUNITY IMMERSION
Pagdating ng hapon, ipinagmamalaki nating ipinasilip sa evaluation team ang aktwal na takbo ng ating mga nutrition initiatives sa komunidad tulad ng mga sumusunod:
Teen Center: Mula sa tanggapan ng City Population Office sa pangunguna ni Dra. Tetic David. Kung saan ipinakita natin kung paano natin ginagabayan ang kalusugan, tamang nutrisyon, at mental wellness ng ating mga kabataan.
HAPAG: Mula naman sa Brgy. Diezmo sa pangunguna ni Kapitan Alfredo Malabanan ay ipinamalas natin ang ating mga community gardens na patunay sa ating adhikaing magkaroon ng sapat at sariwang pagkain ang bawat pamilya.
Lactation Station: Sa pamamagitan ng ating masipag na Barangay Nutrition Scholar na si Ms. Epifania Llanto ipinakita niya ang ating ligtas at pribadong pasilidad na nakalaan para suportahan at protektahan ang mga nagpapasusong ina sa ating lungsod.
Ang evaluation na ito ay patunay ng ating patuloy na pagtutulungan upang masigurong epektibo, sapat, at abot-kamay ang mga programa sa nutrisyon para sa bawat pamilyang Cabuyeno.
Maraming salamat po sa ating City MAYOR Dennis DENHA Hain, City Nutrition Committee, City Nutrition Office, Barangay Nutrition Scholars (BNS), at mga partner agencies sa inyong walang sawang dedikasyon para sa isang malusog at masiglang lungsod ng Cabuyao.
God First ☝️, One Bagong Cabuyao!
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |