20/10/2026
Bilang pagdiriwang ng National Shelter Month, inaanyayahan ang lahat ng mga Cabuyeño, lalo na ang mga pamilyang nangangarap magkaroon ng sariling tahanan, na makiisa sa ating HOUSING CARAVAN! 🎉🏠
Samantalahin ang pagkakataong makakuha ng impormasyon, gabay, at tulong mula sa iba't ibang ahensya at service providers gaya ng DHSUD, Pag-IBIG Fund, BIR, Meralco, at Raemulan Lands, Inc. tungkol sa pabahay, housing programs, at iba pang serbisyong ayon sa inyong pangangailangan.
Huwag palampasin ang pagkakataong ito! Sama-sama nating isulong ang isang ligtas, maayos, abot-kaya, at disenteng tahanan para sa bawat pamilyang Cabuyeño.
Kita-kita tayo sa October 29, 2026, 9AM to 5PM, sa CABS Gymnasium, Brgy. Banaybanay, Cabuyao, Laguna.