07/10/2026
Alam n’yo, nitong mga nakaraang buwan, nabigyan tayo ng pagkakataong mas mapalapit sa ating mga kabarangay...sa bawat pag-iikot, pakikipag-kumustahan, pakikinig sa kanilang mga kwento, at pag-alam sa kanilang mga concerns at pangangailangan.
At sa bawat bahay, eskinita, purok, at kanto na ating napupuntahan, mas lalo nating nauunawaan na ang tunay na serbisyo ay nagsisimula sa pakikinig at pakikipagkapwa.
Napaka-blessed natin na may mga taong kusang naglalaan ng kanilang oras, lakas, at puso upang maging katuwang sa layuning ito.
Proud akong kasama araw-araw ang —sina Levie S. Castillo, Nene Manahan Mismanos, Wawi Casubuan, Odilon Caparas, Tereso Barera, at Allan Baltazar Navea. 🇵🇭❤️👊
Hindi man natin kayang solusyunan agad ang lahat, mgunit ang bawat kumustahan ay isang hakbang patungo sa mas malayong byahe. Ang bawat pakikinig ay isang paraan upang iparamdam na may nakikinig, may nakakaalala, at may handang tumulong. 🙏
At patuloy nating tutuparin ang ating sinumpaang layunin, abutin ang bawat kadulo-duluhan ng ating barangay, walang maiiwan, walang malilimutan, at magbigay-liwanag sa pamamagitan ng pakikinig, pag-unawa, at paghahandog ng ating makakaya.
Dahil ang tunay na serbisyo ay hindi nasusukat sa dami ng salita, kundi sa lawak ng naaabot, lalim ng pakikinig, at pusong patuloy na naglilingkod.
Patuloy lang. Tuloy ang pag-iikot. Tuloy ang pakikinig. Tuloy ang pagtulong. ☝️
Para sa bawat kabarangay. Para sa bawat pamilya. Para sa ating barangay. ❤️🇵🇭👊