14/11/2026
Isang wheelchair ang ating ipinagkaloob kay Ruby Tolentino mula sa DME Compound, bilang tugon sa kanyang kahilingan.❤️
Maaaring simpleng bagay lamang ito para sa iba, pero para sa nangangailangan, malaking tulong ito upang maibsan ang hirap at maging mas magaan ang bawat araw.🫶
Patuloy nating isinusulong ang serbisyong hindi lamang nakikita, kundi higit na nararamdaman. Dahil ang tunay na paglilingkod ay hindi nasusukat sa laki ng ating naibibigay, kundi sa malasakit at pag-asang naibabahagi natin sa kapwa.
Sama-sama sa mas maunlad, mas maalaga, at mas makataong Barangay Pulo! 👊🇵🇭❤️