JobStart PESO Cabuyao City

JobStart PESO Cabuyao City

Share

Jobstart City of Cabuyao is a local implementation of DOLE’s JobStart Philippines Program,

Photos from JobStart PESO Cabuyao City's post 12/05/2026

Congrats to Reza E. Pineda and Princess Diane E. Algire for passing the Licensure Examination for Teacher (LET)
From being Jobstarter to officially future educators real quick. Deserve na deserve ang success na `to dahil sa sipag, puyat, at dedication ninyo. Your PESO Cabuyao fam is super proud of you both! Keep inspring more dreamers and future board passers.
Teacher era unlocked
Congrats and God bless sa inyong teaching journey!

Photos from JobStart PESO Cabuyao City's post 07/05/2026

Nakibahagi ang 22 Jobstarters sa pre-orientation ng Motorcentral para sa kanilang nalalapit na Technical Training program. Ang aktibidad na ito ay nagsilbing mahalagang hakbang upang ihanda ang mga trainees sa skills development at hands-on learning opportunities na kanilang mararanasan.

Sa isinagawang orientation, ipinakilala sa mga kalahok ang company overview ng Motorcentral, mga alituntunin sa pagsasanay, workplace values, mga benepisyo ng kumpanya, at mahahalagang karanasang kanilang makukuha sa buong programa. Ipinapakita ng inisyatibong ito ang patuloy na suporta ng Motorcentral sa pagpapaunlad ng kabataan at pagbibigay ng oportunidad sa mga indibidwal sa pamamagitan ng technical education at industry exposure.

Patuloy ang suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Cabuyao sa pagbibigay ng oportunidad sa trabaho sa pamamagitan ng IHELP Program (Industry, Health, Education, Livelihood, and Protection) sa pangunguna ni Dennis Felipe C. Hain, kasama ninyo sa pag-angat ng kabuhayan ng bawat Cabuyeño.







Photos from JobStart PESO Cabuyao City's post 05/05/2026

Tuloy-Tuloy ang Pangarap: Jobstarters 2026 Graduates Na!
Isang pangarap na sinimulan sa simpleng hakbang ay naging tagumpay dahil sa sipag, tiyaga, at dedikasyon. Sa bawat araw ng pagsasanay, ipinakita ninyo na ang pangarap ay nakakamit kapag pinaghihirapan at pinaninindigan.

“Success is not just about reaching the finish line, but about the courage to continue the journey even when the path is challenging.”

Malugod naming binabati ang mga nagsipagtapos sa Graduation of Jobstarters 2026, patunay ng inyong journey at dedication tungo sa mas magandang kinabukasan.

Lubos ang aming pasasalamat sa PESO Management, Centro Mall Management, at sa DOLE–Laguna Provincial Office sa kanilang patuloy na suporta at pakikiisa upang maging matagumpay ang programang ito. Isang espesyal na pagkilala rin kay Dr. Maria Teresa David sa kanyang inspirasyon at dedikasyon sa pagsusulong ng mga programang nagbibigay ng oportunidad at pag-asa sa ating mga kababayan.

Sa pamamagitan ng IHELP Program (Inspiration, Help, Employment, Livelihood, and Partnership), patuloy nating binibigyan ng oportunidad ang ating mga kababayan upang matuto, umunlad, at maabot ang kanilang mga pangarap. Sama-sama, tuloy-tuloy ang pag-angat tungo sa tagumpay!






Photos from JobStart PESO Cabuyao City's post 04/05/2026

𝐁𝐮𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐥𝐚𝐧𝐨, 𝐊𝐥𝐚𝐫𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐚𝐫𝐚𝐩

Parang paglalakbay ang buhay, mas nagiging malinaw ang daan kapag may plano kang pupuntahan. Kapag alam mo kung saan mo gustong makarating, mas nagiging buo ang loob mo na harapin ang bawat hamon sa daan.

Sa Day 9 ng JobStart Soft/Core Skills Training, tinalakay ang mahalagang topic tungkol sa Planning the Future. Dito, nagkaroon ng pagkakataon ang ating mga jobstarters na kilalanin pa ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang personalities

Isa sa pinakamasayang bahagi ng araw ay ang paggawa ng vision board, kung saan ipinakita ng bawat jobstarter ang kanilang mga pangarap kung ano ang nakikita nila sa kanilang sarili sa mga darating na panahon at kung paano nila ito unti-unting maaabot. Tunay na nakakatuwang makita ang kanilang determinasyon at malinaw na mga pangarap para sa kinabukasan.

Sa bawat pangarap na binubuo at planong inilalatag, nagsisimula ang mas malinaw na direksyon tungo sa tagumpay. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang mga aral ng araw na ito upang patuloy na mangarap, magplano, at kumilos para sa mas magandang kinabukasan.

Kasama ninyo ang pamahalaang lungsod sa bawat hakbang, lalo na sa pamamagitan ng IHELP Program ni Mayor Dennis Felipe C. Hain, na patuloy na nagbibigay ng suporta, oportunidad, at pag-asa upang matulungan ang bawat Cabuyeño na maabot ang kanilang mga pangarap at makamit ang isang mas maunlad na buhay.







Photos from JobStart PESO Cabuyao City's post 23/04/2026

𝐃𝐚𝐲 𝟖: 𝐎𝐧𝐞-𝐨𝐧-𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐯𝐢𝐞𝐰

Nagkaroon ng One-on-One Interview ang ating mga JobStarters kasama ang mga may karanasang PESO Staffs upang mas mapakinggan ang kanilang mga naging karanasan, natutunan, at pagbabagong kanilang napansin sa sarili mula sa mga nakaraang araw ng Soft/Core Training. Sa bawat kwentuhan, mas tumitibay ang kanilang kumpiyansa at mas nahahasa ang kanilang kahandaan sa pagharap sa tunay na mundo ng trabaho.

Ang bawat boses ay mahalaga, at bawat karanasan ay hakbang patungo sa mas matibay na kinabukasan para sa ating mga JobStarters. Patuloy nating sinusuportahan ang kanilang pag-unlad tungo sa dekalidad na hanapbuhay para sa bawat pamilya sa ating lungsod.

Taos puso po ang aming pasasalamat sa aming butihing Mayor Dennis Felipe C. Hain sa patuloy na pagtataguyod ng IHELP Program (Industry, Health, Education, Livelihood, Protection) na nagbubukas ng mas maraming oportunidad para sa bawat Cabuyeño.







Photos from JobStart PESO Cabuyao City's post 23/04/2026

Day 7 na ng ating JobStart Soft/Core Skills Training!

Mas naging exciting at puno ng learnings ang ating Day 7 habang mas pinapalawak ng ating JobStart Trainees ang kanilang kaalaman sa Technical Topics na swak sa modernong panahon!

Mga Technical Topics na tinalakay:

Digital Literacy – Maging wais sa paggamit ng internet at marunong kumilatis ng tamang impormasyon.
Managing Money – Tips sa pagba-budget at pag-iimpok para sa mas secured na future.
Managing Time – Diskarte sa tamang pag-manage ng oras para mas productive ang bawat araw.
Safe Immigration – Mahahalagang paalala para sa ligtas at legal na pag-aabroad.
Sa bawat talakayan, mas nagiging confident, responsible, at ready-for-work ang ating mga kabataan!

Labis po ang aming pasasalamat kay Mayor Dennis Felipe C. Hain sa patuloy na suporta sa IHELP Program, na nagbibigay ng oportunidad para sa mas maalam at mas handang Kabuyeño.
Keep it up, JobStart Trainees! Tuloy-tuloy lang sa pagkatuto at pag-abot ng inyong mga pangarap!







Photos from JobStart PESO Cabuyao City's post 21/04/2026

6th Day ng ating JobStart Soft/Core Skills Training

Ngayong Day 6, mas pinalalim natin ang kaalaman ng ating mga JobStart Trainees tungkol sa Mental, Physical, at Sexual Health , mga mahalagang aspeto para mapanatiling malusog ang isip, katawan, at sarili habang naghahanda sa pagpasok sa mundo ng trabaho.

Sa tulong ng mga makabuluhang talakayan at pagbabahagi ng kaalaman, mas nagiging handa ang ating mga kabataan na pangalagaan ang kanilang kalusugan at gumawa ng tamang desisyon para sa kanilang kinabukasan. Tunay na mahalaga ang pagiging healthy at informed upang maging mas produktibo at handa sa anumang oportunidad na darating.

Labis po ang aming pasasalamat sa aming butihing Mayor Dennis Felipe C. Hain sa patuloy na pagsuporta at pagtataguyod ng IHELP Program (Industry, Health, Education, Livelihood, Protection) na nagbibigay ng mga programang makakatulong sa paghubog ng kakayahan at kaalaman ng bawat Kabuyeño.







Photos from JobStart PESO Cabuyao City's post 21/04/2026

𝐃𝐚𝐲 𝟓 𝐧𝐠 𝐉𝐨𝐛𝐒𝐭𝐚𝐫𝐭 𝐒𝐨𝐟𝐭/𝐂𝐨𝐫𝐞 𝐒𝐤𝐢𝐥𝐥𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠: 𝐔𝐬𝐚𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧!

Mas naging masigla at puno ng energy ang Day 5 ng ating JobStart Soft/Core Skills Training dahil nakatuon ito sa Communication, isang mahalagang kasanayan para sa tagumpay sa trabaho at sa pang-araw-araw na buhay. Natutunan ng ating mga trainees kung paano maging malinaw magsalita, makinig nang mabuti, at magpahayag ng kanilang saloobin at ideya nang may kumpiyansa at respeto sa kapwa.

Sa pamamagitan ng interactive activities at group sharing, mas nahasa ang kanilang kakayahan sa pakikipag-usap at pakikipag-ugnayan sa iba. Tunay ngang kapag malinaw ang komunikasyon, mas nagiging maayos ang samahan at mas nagiging handa ang bawat isa sa pagharap sa workplace.

Taos puso po ang aming pasasalamat sa aming butihing Mayor Dennis Felipe C. Hain sa patuloy na pagsuporta sa mga programang nagbibigay ng kaalaman at oportunidad sa ating mga kababayan sa ilalim ng IHELP Program (Industry, Health, Education, Livelihood, Protection). Dahil sa inyong malasakit, patuloy nating nabibigyan ng lakas at pag-asa ang mas maraming Cabuyeño tungo sa mas magandang kinabukasan.







Photos from JobStart PESO Cabuyao City's post 21/04/2026

DAY 4 ng JobStart Soft/Core Skills Training: Usapang Work Ethic!

Mas naging masigla at makabuluhan ang Day 4 ng ating JobStart Soft/Core Skills Training kung saan tinalakay ang tungkol sa Work Ethic — ang tamang ugali, disiplina, at pagiging responsable sa trabaho.

Sa tulong ng fun activities, sharing, at group discussions, natutunan ng ating mga trainees kung paano maging maagap, maaasahan, at propesyonal sa workplace. Napag-usapan din kung gaano kahalaga ang pagiging tapat sa trabaho, marunong rumespeto sa katrabaho, at laging nagbibigay ng best sa bawat gawain. Tunay na ready na silang humarap sa hamon ng mundo ng trabaho!

Maraming salamat po sa aming butihing Mayor Dennis Felipe C. Hain sa patuloy na pagsuporta sa mga programang nagbibigay lakas at oportunidad sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng IHELP Program (Industry, Health, Education, Livelihood, Protection). Dahil sa inyong suporta, mas maraming Cabuyeño ang nabibigyan ng pag-asa at direksyon tungo sa mas magandang kinabukasan.







Photos from JobStart PESO Cabuyao City's post 22/10/2025

DAY 7 ✨

Patuloy ang ating paghubog sa mga JobStarters tungo sa pagiging handa sa mundo ng trabaho!

Ngayong araw, tinalakay natin ang mga mahahalagang paksa na makatutulong sa mas epektibong pakikitungo sa trabaho at sa kapwa:

Module 10: Problem Solving and Decision Making
Module 11: Handling Customers’ Complaints Effectively
Module 12: Managing Conflicts
Module 13: Respecting Self and Others

Sa pamamagitan ng mga araling ito, natutunan ng ating mga JobStarters ang kahalagahan ng tamang pagdedesisyon, maayos na komunikasyon, at respeto sa sarili at sa iba — mga katangian ng isang tunay na propesyonal.

Isinulong ito sa pamamagitan ng pagtutulungan ng PESO Cabuyao at ng DOLE Laguna Provincial Office, na may buong suporta mula sa iHELP Program ni Mayor Dennis “DENHA” Hain — isang malinaw na patunay ng tapat na paglilingkod at malasakit sa kapakanan ng kabataan.

Tunay na hatid ng JobStart ang mga oportunidad na makapagbabago ng buhay, direkta sa ating komunidad! ☝🏻






Want your business to be the top-listed Government Service in Cabuyao?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


3rd Floor, Cabuyao Retail Plaza, Brgy Dos, City Of Cabuyao, Laguna
Cabuyao
4025

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm