06/10/2026
Panoorin ang kuwento ni Charly Pandoy mula sa Maasim, Sarangani, at alamin kung paano siya natulungang muling makabangon ng Employeesโ Compensation Commission (ECC) matapos siyang maaksidente dahil sa kanyang trabaho.
Tandaan, kung ikaw ay isang manggagawang nagkasakit, naaksidente, nagkaroon ng kapansanan, o namatay dahil sa trabaho, ikaw o ang iyong mga benepisyaryo ay maaaring makatanggap ng karagdagang benepisyo mula sa ECC, bukod pa sa mga benepisyong ibinibigay ng SSS o GSIS.
Magpadala lamang ng mensahe sa aming page upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa EC Program.