19/09/2026
๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ฅ๐ ๐๐๐๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐จ๐๐ฎ๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐ -๐๐๐ฅ๐จ๐ค ๐ง๐ ๐๐ฒ๐ฎ๐๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ง๐ข๐จ๐ซ ๐๐ข๐ญ๐ข๐ณ๐๐ง๐ฌ
Nagbabala ang National Commission of Senior Citizens (NCSC) laban sa mga mapanlinlang na scammer na nagpapanggap bilang mga kawani ng gobyerno upang makapanloko at makapanamantala ng mga senior citizens sa pamamagitan ng pekeng alok na financial assistance o ayuda.
Kasunod ito ng mga naiulat na insidente sa Cebu at Aklan kung saan naloko umano ang ilang senior citizens at nakuhanan pa ng pera at iba pang ari-arian.
Mariing kinokondena ng Komisyon ang naturang panloloko at hinihikayat ang mga senior citizens na agad magsumbong sa awtoridad. Maaari ring makipag-ugnayan sa Komisyon upang ma-refer sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) para sa libreng tulong legal.
๐.๐.๐.๐.๐.๐. SA SCAM:
L โ Laging suriin ang ID ng sinumang nagpapakilalang kawani ng gobyerno.
I โ I-verify sa OSCA o kinauukulang ahensya kung lehitimo ang representative o programang ayuda
G โ Gawing pribado ang personal na impormasyon. Huwag ibahagi online ang birthday, address, account number, o iba pang sensitibong detalye.
T โ Tanggihan ang hindi kilala.
Huwag papasukin sa bahay ng mga hindi kilalang tao at huwag basta maniwala sa kanilang mga alok.
A โ Agad magsumbong sa pulisya o kinauukulang awtoridad kung may kahina-hinalang tao o operasyon.
S โ Siguraduhing may kasama. Kung kailangan talagang makipagkita o makipag-usap sa hindi kilala, magsama ng pinagkakatiwalaang tao.
Tandaan: Laging mag-ingat. Laging maging mapanuri. Manatiling L.I.G.T.A.S. sa scam!
Para sa mga opisyal na mensahe at anunsyo ng NCSC, makipag-ugnayan sa pamamagitan ng:
๐ (02) 8567-5646
๐ฒ 0962-2743-622
๐ง [email protected]
๐ www.ncsc.gov.ph
โ
PusoParaSaSeniors