Sangguniang Kabataan ng Brgy. San Roque Cainta , Rizal

Sangguniang Kabataan ng Brgy. San Roque Cainta , Rizal

Share

Official FB page of SK San Roque
We’re eager to hear your suggestions!
✉️ [email protected]

Photos from Sangguniang Kabataan ng Brgy. San Roque Cainta , Rizal's post 24/03/2026

FIRE PREVENTION SEMINAR | MARCH 23, 2026

Sa pangunguna ng Bureau of Fire Protection (BFP) Cainta, tayo ay aktibong nakiisa kasama ang ilan sa mga kabataan ng Barangay San Roque sa isinagawang seminar na “Blazing Awareness: Fire Prevention Month Seminar.”

Layunin ng gawaing ito na mapalawak ang kaalaman at kamalayan ng ating kabataan pagdating sa fire safety, tamang pag-iwas sa sunog, at wastong pagtugon sa mga emergency na sitwasyon.

Patuloy nating isabuhay ang disiplina at pagiging handa upang maiwasan ang anumang sakuna.

Photos from Sangguniang Kabataan ng Brgy. San Roque Cainta , Rizal's post 23/03/2026

KK ASSEMBLY | PHOTO HIGHLIGHTS

Noong March 21, 2026, matagumpay nating naisagawa ang ating KK Assembly, kung saan ating iniulat at ibinahagi ang mga kasalukuyan at paparating na programa para sa kabataan.

Naging mas masigla ang ating pagtitipon sa pamamagitan ng mga palaro at munting kasiyahan, at bilang pakikiisa sa National Women’s Month, namahagi rin tayo ng Aivhane Beauty Lounge GC vouchers para sa ating mga kababaihan bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa ating lipunan.

Abangan din ang mga susunod nating aktibidad tulad ng One-Day Volleyball League at ML Tournament sa mga darating na linggo. Manatiling updated sa ating page para sa mga anunsyo!

Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta!

Photos from Sangguniang Kabataan ng Brgy. San Roque Cainta , Rizal's post 18/03/2026

📣 KATIPUNAN NG KABATAAN (KK) ASSEMBLY 2026

Mga kabataan ng Barangay San Roque, ito na ang pagkakataon ninyo na marinig, makilahok, at maging bahagi ng mga plano para sa ating komunidad! 💙

Inaanyayahan namin kayo sa Katipunan ng Kabataan (KK) Assembly — kung saan tatalakayin ang mahahalagang programa, proyekto, at mga oportunidad na inihahanda para sa kabataan. Ang inyong presensya at boses ay mahalaga!

📅 **March 21, 2026**
📍 **DM2 Covered Court**
🕙 **09:00 AM**

🎉 EXCITING ACTIVITIES AWAIT!
✨ May games, prizes, at raffle para sa lahat — lalo na sa ating mga kabataan! Kaya siguradong hindi lang makabuluhan, kundi masaya rin ang araw na ito!

🏐 Volleyball League 2026
Ipakita ang inyong galing, diskarte, at teamwork sa court! Tara na at makisali sa laban!

🎮 ML Tournament 2026 (Mobile Legends: Bang Bang)
Sa mga gamers, patunayan ang inyong husay at makipagtagisan para sa exciting prizes at bragging rights!🔥

💬 Huwag palampasin ang araw na puno ng pagkakataon, saya, at pakikiisa. Sama-sama nating palakasin ang boses at kakayahan ng kabataan ng San Roque! Kita-kits! 💪🔥

Photos from Sangguniang Kabataan ng Brgy. San Roque Cainta , Rizal's post 16/03/2026

Monthly Clean-Up Drive | March 15, 2026

Ngayong Marso, nagsagawa muli kami ng Clean-Up Drive at Feeding Program sa ating barangay. Para sa buwan na ito, aming nilinis ang kahabaan ng Parola paikot ng R. Del Valle (Tika).

Kasama natin ang ating masisipag na youth volunteers, kabilang dito ang mga kabataang bahagi ng SK Card Project.

Sa mga nais makibahagi sa susunod na proyekto ng SK maaari lamang mag-message sa ating page. Sama-sama nating panatilihing malinis at maayos ang ating barangay.

10/03/2026

Announcement for the public

Alinsunod sa naging anunsyo ng ating Pangulong Ferdinand "BongBong" Marcos Jr. at patakaran na ibinaba ng DILG, ating ipatutupad sa ating tanggapan, Barangay San Roque ang apat na araw na pasok sa isang linggo simula March 9,2026.

OFFICE HOURS:
Monday(Lunes) - Thursday(Huwebes) |
8:00 AM - 7:00 PM

WALA PONG PASOK NG BIYERNES

Planuhin po natin ang ating pagpunta sa barangay para sa mga Brgy. Clearance, Brgy. Residency, Brgy. Indigency at iba pa.

Maraming salamat po.

Photos from Sangguniang Kabataan ng Brgy. San Roque Cainta , Rizal's post 19/02/2026

🎬 LIGHTS , CAMERA , ACTION! 🎬

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Arts Month ngayong Pebrero, malugod na inaanyayahan ang lahat ng Youth Artists ng Barangay San Roque na makiisa sa gaganaping Theater Workshop.

Ang programang ito ay proyekto ng Sangguniang Kabataan ng San Roque, sa pakikipagtulungan kay James Harvey Estrada bilang tagapangasiwa ng workshop. Layunin nitong higit pang malinang at mapagyaman ang ating likas na talento, lalo na bilang mga senakulista ng bayan ng Cainta, at palawakin ang kaalaman sa iba’t ibang aspeto ng sining ng teatro.

Isang makabuluhang pagkakataon ito upang matuto, magpahayag, at mas paigtingin ang ating husay sa entablado.

🎬 Sama-sama nating buhayin ang sining at kultura!

Photos from Sangguniang Kabataan ng Brgy. San Roque Cainta , Rizal's post 15/02/2026

Monthly Clean-Up Drive | February 15, 2026

Ngayong araw ay sinimulan natin ang ating buwanang clean-up drive at feeding program sa ating barangay. Para sa buwan ng Pebrero, unang nilinis ang Sitio Corinthian, at asahan na sa mga susunod na buwan ay iba’t ibang sitio naman ang ating bibisitahin.

Kasama natin ang ating masisipag na youth volunteers, kabilang dito ang mga kabataang bahagi ng SK Card Project.

Sa mga nais makibahagi sa susunod na proyekto ng SK maaari lamang mag-message sa ating page. Sama-sama nating panatilihing malinis at maayos ang ating barangay.

04/02/2026

Report, Submitted! 🩵🤍

💬 How did your barangay perform?

📑 UPDATED: ABYIP, CBYDP, Annual Budget and 2025 Accomplishment Reports Submitted!

We’re happy to share that most Sangguniang Kabataan in Cainta have already submitted their ABYIP, CBYDP, Annual Budget, and 2025 Accomplishment Report. This shows a strong commitment to transparency, accountability, and good youth governance. 💪🔥

The Cainta Youth Development Office is now reviewing, monitoring, and evaluating the submitted documents to make sure that all youth programs, projects, and activities are aligned with the guidelines of Republic Act 10742 or the SK Reform Act of 2015. 📌✅

This process helps strengthen youth development planning, ensures proper use of funds, and supports meaningful programs for every young Cainteño. 🌟

📍 To SK officials who have not yet submitted, we gently encourage you to complete and submit your requirements as soon as possible so we can move forward together.

Let’s keep working hand in hand toward a more progressive, empowered, and united youth community in Cainta. 💙💛



💯🔥

12/01/2026

SAN ROQUE BASKETBALL TRYOUTS

Handa ka na bang mag-iwan ng marka sa court? Ipakita ang lakas, bilis, at tapang mo sa Inter-Barangay League!

📅 DATE: January 15, 2026 |
🕕 6:00 PM
📍 VENUE: DM 2 Covered Court, Brgy San Roque
👥 AGE BRACKET: 18–30 years old

One Team. One Goal. Be the Game-Changer.
⏰ Limited slots

📞 Contact: 09691092468 | 09947877336

Step in. Stand out. Take over.

Photos from Sangguniang Kabataan ng Brgy. San Roque Cainta , Rizal's post 30/12/2025

Bilang bahagi ng adbokasiya ng ating Sangguniang Kabataan para sa kaligtasan ng mga bata, Narito ang ating SK Chairman na si Glen Cyrus Buban kasama ang kanyang mga SK Kagawad sa isinagawang pamimigay ng torotot bilang alternatibo sa paggamit ng paputok na maaaring magdulot ng kapahamakan.

Sa pamamagitan ng munting handog na ito, layunin nating itaguyod ang isang mas ligtas, masaya, at responsableng selebrasyon para sa ating kabataan at sa buong komunidad.

Kasabay nito ang taos-pusong pagbati ng isang Maligayang Bagong Taon sa ating mga kabarangay! 🎉

Photos from Sangguniang Kabataan ng Brgy. San Roque Cainta , Rizal's post 15/12/2025

TIGNAN | CLEAN UP DRIVE & UMAGAHANG KAY GANDA

Isinagawa natin ang Clean-up Drive nitong Disyembre 14, 2025, bilang pagtatapos ng ating buwanang tuloy-tuloy na paglilinis ngayong taon, kasabay din nito ang Umagahang Kay Ganda Breakfast Feeding Program para sa ating mga kabarangay.

Makakaasa na hindi dito nagtatapos ang ating mga proyekto sapagkat ipagpapatuloy pa rin natin ang mga ito sa susunod na taon para sa mas malinis, mas malusog, at mas maayos na komunidad.

Photos from Sangguniang Kabataan ng Brgy. San Roque Cainta , Rizal's post 19/11/2025

Tuloy-tuloy pa din ang ating paghahanda para sa darating na Sumbingtik Festival!

Malaking pasasalamat sa BCV at DMYC sa walang sawang pag suporta 🙌🏼

Want your business to be the top-listed Government Service in Cainta?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Cainta
1900